3 ~ to wipe all the fears

30 10 1
                                    

CHAPTER THREE: to wipe all the fears


✿✿✿

Joy's Point of View

"Nagnotif na yun sa kaniya, wala ka nang magagawa." sabi muli ni Rylene, for 16 times na ata.

I groaned. Nababaliw na ako sa kakakamot sa ulo. Itinago ko ang mukha ko sa sobrang hiya.

Napakamot ako na muli ako sa ulo habang tinitingnan parin ang profile niya na may requested na sa baba.

"H-hindi kasi.. bakit hindi pa rin niya inaccept? Diba?!" I bit my nail.

"Dalawang araw na ang nakaraan Joy, baka ayaw sa'yo." tumawa siya sa pambibiro niya na.

"HaHaHa." sarkastiko kong tawa.

Itinaas ko ang phone ko gamit ang dalawa kong kamay at tiningnan itong nakatingala.

I mean, there's 50% probability that he does hate me. 60? 70?

I sighed,
"Bahala siya," I closed his profile on my phone.

"Taasan ng pride, nice." patuloy na panunukso ni Rylene kaya hinampas ko na ang braso niya.

"Aray ko naman! But you know what, may kakaiba sa'yo."

"Ha?" nagtatakang tanong ko.

Ngumiti siyang nanloloko,
"Wala, hatdog."

Tinirikan ko nalang siya ng mata at patuloy na nagscroll sa facebook ko. As I scroll, I cannot stop thinking on how I misclicked the add friend button.

What if he saw it pero ayaw niya lang talaga sakin?
What if nagiging masama na'ko sa paningin niya?
What if ako na yung biggest enemy niya?

Na-imagine ko ang masamang pagtitig ni Ashton sa'kin. His black scary eyes.

AHH!

Umiling-iling nalang ako para mawala ang pinag-iisip ko.

This weekend, naggala kami nina Sun at Rylene sa mall. Pakay talaga namin ay maghanap ng ireregalo kay Arielle. It's her birthday on wednesday, two days before her surgery, sabado.

"Bag kaya?" suggest ni Sun sa sarili niya.

Tumango si Rylene,
"Oo pwede, kapag nakapagrecover siya, igagala natin kung saan-saan." sabi niya habang ngiting ngiti.

"Sige bag ang sayo, dress sa'kin at hairbands ka." tinuro ko sila.

Tumango sila, si Sun atat na agad
"Sige, gora."

After namin kumain sa restaurant, we went on variety of shops.

It was quite hard to find things, lalo na kapag kasama yung dalawa. Instead na napili para kay Arielle, naghahanap nang pang kanila.

We ended up

nothing at all.

"Tingnan mo Joy, bagay sayo." sabi ni Sun na may turo-turo.

Tiningnan namin yung itinuro niya, it was an aesthetic off shoulder dress, it was white with hint of pink floral dress.

It was beautiful indeed,
"Nakaka mukhang bata." umiiling kong sabi.

"Gaga ka ba ate, pang dalaga yan, tingnan mo oh." pupunta sana siya doon kaso hinila na siya ni Rylene sabay takip dito ng bibig.

sweet nightmare; well spentWhere stories live. Discover now