Umiling ako. Makakaya ko naman ang magdamit mamaya kapag nakaalis na siya. Dito ako sa kama magbibihis. Iinom muna ako sa ngayon ng Mefenamic para pampaalis kirot.

Dinampot ko ang pouch ko sa bedside table at kumuha ng gamot. Mabuti na lang at may natira pang tubig sa baso na ipinakuha ko kay Nanette kanina. Uminom ako ng gamot. Kumunot ang aking noo dahil nakatingin si Jordan sa pouch kung saan masisilip ang marami at iba't ibang gamot sa loob dahil hindi pa naisasara ang zipper.

"Okay na 'yan, pwede mo nang iwan," kaswal na sabi ko sa kanya na ang tinutukoy ay ang pagtutuyo sa sahig. Isinara ko ang zipper at ibinalik ang pouch sa bedside table at binuksan ang aircon. "Matutuyo na rin 'yan mamaya."

Itinuloy niya pa rin ang pagma-mop. Sa banyo niya na itinapon ang naipon niyang tubig mula sa sahig.

Kahit kandangiwi ay sinikap kong umusod sa gitna ng kama. Mabilis ang paglamig ng paligid dahil nakatodo ang aircon. Nakatuwalya pa rin ako at ang tanging nasa ilalim lang nito ay ang manipis na underwear. Wala ring kumot dahil nabasa iyon at nasa banyo. Nagsisimula na akong ginawin.

Nasa gitna na ako ng kama at iniisip ko pa lang kung paano muling bababa para maghanap ng bagong kumot sa closet ay gusto ko nang mapamura.

Lumabas si Jordan sa banyo at nahuli niya ang pagkakangiwi ng aking mga labi.

"Help me wear this." Itinaas ko ang aking hawak na shorts.

Umalon ang lalamunan niya. Ibinaling niya ang paningin sa ibang direksyon at wala siyang salitang binitiwan.

Nang humakbang si Jordan patungo sa aking kama ay parang biglang gusto kong pagsisihan ang panunukso sa kanya.

"Forget it. I will just wait for Nanette."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Umupo siya sa gilid ng kama. "Saan masakit?"

"Sa balakang at sa tadyang."

"I can bring you to the hospital."

Umiling ako. "No need for that. Ininuman ko naman na ng Mefenamic kaya mawawala na rin ito." Napatingin ako sa mga kamay niya na nakakuyom.

Nagpakawala siya ng paghinga at nagbawi ng paningin sa akin. Yumuko siya pero bago iyon ay nakita ko na tumiim ang mga labi niya. 

May pawis siya sa gilid ng noo at leeg, bahagyang magulo ang buhok, at gusot ang suot na shirt. He was wasted yet he still looked so good.

"Jordan," mahinang tawag ko sa kanya.

Hindi siya tumingin sa akin kahit alam kong narinig niya ang aking pagtawag. Nanatili pa rin siyang nakayuko at mas humigpit pa ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamay.

The night was still young and I didn't want to sleep yet. Inabot ko ang nakatikom niyang kamay. Napapitlag siya.

"If you're not busy, can you massage me?"

Marahas ang pagpapakawala niya ng paghinga sa pagkakataong ito. "Carlyn," bigkas niya sa pangalan ko sa mariin bagamat napakahinang boses.

"Hindi ka ba marunong o ayaw mo lang?"

He took off his specs; his index finger and thumb were clumsy as they attempted to massage the bridge of his nose. He seemed to be running out of patience.

"What do you want me to do?"

"Make me feel good."

His jaw flexed sexily.

"Massage me."

Ang kamay niya na hawak ko ay dinala ko sa aking kaliwang bewang. Nang maramdaman ko ang walang lakas niyang pagbawi ay hinigpitan ko lang lalo ang pagkakahawak sa kanya.

South Boys #2: HeartbreakerWhere stories live. Discover now