"The weather forecast said that there's a storm coming tonight and your Andrin City is going to be deeply affected by it." Pagtapos niyang sabihin yan ay agad na siyang lumabas ng kotse at hindi na ako hinintay mag-react. 




'That's it?! Iiwan niya na lang ako bigla?'




Napailing na lang ako atsaka bumaba ng kotse. Tinignan ko ang buong paligid at nakitang sobrang dilim na ng langit. Bukod kasi sa alas diyes na ay wala ka ring makikitang bituin at buwan sa kalangitan. In short, mukha ngang babagyo na talaga!




Nang makita na malayo na sa puwesto ko si Vile ay agad akong tumakbo para makahabol sa kaniya. Nakakahiya kasi sa male lead at baka mainip kapag hindi ko siya sinabayan sa paglalakad.




"Ma--magandang gabi, second young master!" Kinakabahang bati ng mga guards na para bang kaharap na nila si kamatayan sa itsura nila. Sino ba naman ang hindi matatakot kung may black aura na nakapaligid kay Vile diba? Para ngang anytime ay may balak siyang patayin lahat ng nakakasalubong niya eh!




Nilibot ko ang itsura ng buong hotel at katulad ng mga nakikita ko sa modern world ay hindi na rin nalalayo ang disenyo nito sa five star hotel sa na meron sa Earth.




Marami rin akong nakikitang mga chandelier at mga palamuti na talaga namang mukhang mamahalin. Kumbaga kung may mababasag ang mga tauhan ay siguradong lagpas isang taong sahod na nila ang katumbas ng mga gamit dito. 




Napatingin ako sa mga guards nang makita na tumingin sila sa gawi ko kaya nginitian ko na lang sila para makahinga naman sila kahit papaano. Baka isipin nila na kagaya ko si Vile na demonyo edi nabuking ako. Hehe!




May lumapit sa'min na lalaki na mukhang manager pa yata ng hotel. Syempre kapag Lucretius na ang mga makikita ng kahit sino sa Atlante ay kusang maglalabasan ang mga manager ng kahit anong store na papasukan nila.




Minsan nga ay owner na mismo ang sumasalubong sa pamilyang 'to. Well, this is the power of being the number one royal family in Atlante. Hayys! Iba talaga kapag male lead ka dahil siguradong overpowered ang character mo!




"M--magandang gabi, second young master. May maitutulong ba ako sa inyo?" magalang din nitong bati kay Vile at hindi ako pinansin.




Actually, para nga akong hangin na nakasunod sa male lead dahil hindi ako napapansi ng mga tao. Lahat kasi sila ay nakatutok lang kay Vile na para bang 'once in a lifetime moment' lang nilang makita ang animal. 




Napatigil ako sa pag-iisip nang makita na nakatingin sa'kin ang manager. Okay? What's the matter?




"What is it?" nakangiti kong tanong. Kailangan magmukha akong harmless para hindi nila mahalata na may masama akong naiisip gawin. 




"Ah--ahmm... Young miss, pwede mo bang sabihin kung anong nais niyong maitulong ko sa inyo?" awkward na tanong ng manager. 




Hmm... Sa itsura nito ay para bang gustong-gusto niya ng umalis pero hindi niya magawa dahil isang Lucretius ang kaharap niya. Isa pa sa ugali ni Vile ay hula ko na hindi niya sinagot ang tinanong ng manager kanina kaya wala itong choice kung hindi ang tanungin ako. 




"Please prepare one room and a portion of food, please." sabi ko na lang. 




"Alright, young miss! Girl come here and check the best room we have here." utos nito sa isang babaeng staff na kadaraan lang.




Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now