C82

843 88 19
                                    

Author's Pov

Nakadungaw lang si Lara sa may bintana ng kanyang kwarto , nakalock ang pintuan nito at kinuha ng kanyang ama ang anumang gadgets nito para sa ganun ay wala siyang makontak na iba.

May tali din sa may paanan niya upang hindi na siya makatakas pa doon kung sakaling nanaisin niya man , ganun ang ginawa sa kanya ng kanyang ama dahil nalaman nito ang balak na pagliban ni lara sa kasal.

At gusto nitong itanan ang nakakatandang anak ng binuya na si brei which is na ayaw ng parents nito sapagkat hindi ganun kayaman ang mga Binuya kumpara sa Smith.

"I'm sorry brei? For making a promise na naman na hindi ko kayang tuparin , masasaktan na naman kita for the second time! I want to escape para lang makasama ka but there's no other way pa ngayong parang aso akong ikinulong dito sa bahay namin" mahinang sabi niya tsaka napayuko nalang saglit , tinitignan niya yung promise bracelets nila ni brei na siyang nagpapalakas sa kanya.

"Kailangan ko na talagang tanggapin ang aking kapalaran at yung part na hindi ikaw , hindi ikaw yung taong makakasama ko sa hirap at ginhawa , there's no room for love para sa mayayamang gahaman katulad nila mom and dad" nalulungkot na saad niya at iniangat ang kanyang ulo upang tanawin ang dilim na nakapalibot sa paligid.

Tahimik ang lugar at wala siyang naririnig na anumang ingay, nagkalat naman na yung pagkaing ibinibigay sa kanya sapagkat hindi niya iyun kinakain.

Maya maya ay nakarinig siya ng yakap mula sa hagdanan kaya nagpunta siya sa may kama niya at naupo doon , bumukas ang pintuan at bumungad doon ang babaeng pinakaayaw niyang makita sa mundo.

"Talagang totoo nga ang sinasabi nila tito at tita , hindi ka daw kumakain lara? Ano bang gusto mo ah? Bakit ba ayaw na ayaw mo sa akin?" Iritang sabi ni Sofia at tsaka lumapit kay lara , hinawakan nito ang malambot na pisnge ni lara ngunit hinawi naman ni Lara ang kamay ng dalaga.

"Nag aaksaya ka lang ng oras mo sa akin sofia? Alam mo kung sino ang gusto ko sofia! Si Brei? Siya yung gusto kong pakasalan at hindi ikaw? Nakuha mo ba? Hinding hindi kita magugustuhan kahit anong gawin mo!" Singhal ni Lara kay sofia napaatras naman si sofia dahil sa sinabi ni lara. ,nakaramdam siya ng kirot dahil sa sinabi ng kanyang taong minamahal.

"Nakakasakit kana ng damdamin lara alam mo ba yun? Sadly but yung gusto mo ay hindi matutupad kasi alam mo? Kahit anong gawin mo ay matutuloy ang kasal natin 3 weeks from now! Kawawa naman si brei dahil maiiwanan na naman siya as well as yung kapatid niyang si frances! Magkapatid nga sila magkapareho din ng kapalaran pagdating sa pag ibig! Imagine mo yun? Iiwanan na naman bukas ni jaydee si frances para lang kay jie?" Sabi ni sofia na ikinapagtaka ni Lara , napapaisip siya kung bakit nasama sa usapan si jaydee at frances.

"Anong ibig mong sabihin na katulad nung kay frances? Huh sofia! Sagutin mo ako! Ano na naman bang ginawa niyo huh!" Medyo malakas na sigaw ni Lara  kay sofia , napangiti naman ito ng nakakapang asar na nagpainit sa ulo ni Lara.

"I didn't do anything? But laney? She's amazing! Akalain mo yun? Nakahanap pa siya ng butas kay jaydee? Para paghiwalayin ulit sila ni Frances? Tsk! Jaydong niyo is a terrible cheater! Hindi magaling magtago ng kaharutan! Nakuhanan pa ng CCTV" Medyo inis na sabi no sofia , napatingin naman si lara ng nakakagulat kay sofia.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now