C58

864 102 15
                                    

Jem's Pov

Nagising ako nang wala sa tabi ko si dana i think its already 3 am na kaya lumabas ako upang puntahan sila sa kabilang kwarto ngunit wala sila doon.

Nagtaka ako at nilibot ko na ang iba't ivang kwarto dito ngunit wala akong nakita , bumalik akong muli sa kwarto ko upang kunin yung cellphone ko.


From: My baby💖

Babe? Baka magising ka at magtaka kung nasaan kami ni gabbo? Nalaman na namin yung address nung babaeng nakasama ni jaydee sa condo at kasalukuyang papunta na kami doon, balitaan nalang kita mamaya pag uwi namin ni gabb, I love you at don't worry ako na ang bahala sa gamit ko dyan na naiwan , susunod nalang kaming dalawa sa boracay , makisabay ka nalang muna kay coco sa ngayon ah.

Nagtaka naman ako si gabb lang pala ang kasama ni dana pero bakit wala dito si coleen? Nasaan kaya yung batang yun?

Naisipan ko namang lumabas ng bahay at hinanap siya , nasa labas pa din naman yung kotse niya so ibig sabihin ay nandito lang siya.

Pero nasaan siya? Nakarinig naman ako ng mahinang tinig sa may garden banda kaya ayun natatakot man ay naglakad pa din ako papunta doon.

Medyo madilim kasi doon at walang ilaw , nakaramdam naman ako nang ginhawa ng makita ko si coleen doon dahil sa ilaw na nililikha ng cellphone niya.

"Damn coleen?! Anong ginagawa mo dyan sa dilim? Kanina pa kita hinahanap nandyan ka lang pala?" Saad ko sa kanya na relieved ako na makita siya akala ko kasi may nangyari nang di maganda kaya di ko siya matagpuan.

"Ah ate jem wala po kasing signal sa loob kaya nandito ako ngayon , may tumawag kasi sa akin kaso di ko masyadong maintindihan kaya ganun" pagpapalusot niya sa akin sabay taas nung cellphone niya , sabagay may time naman talaga na walang signal dito sa amin.

"Grabe ka sobra akong kinabahan sayo , tara na sa loob itext mo nalang yung kausap mo ,. Argh ang lamig!" Aniya ko sabay napahawak sa may dalawang braso ko ,. Ang lamig sobra.

"Okay po ate jem" sabi niya nalang sa akin nauna na akong maglakad paloob ng bahay dahil sobrang lamig talaga sa labas at nararamdaman ko naman na nakasunod siya sa may likod ko.

Meanwhile

Gabb's Pov

Kasalukuyang nagda drive ako ngayon papuntang Pampanga naman , na wrong send daw kasi yung private investigator ni dana.

Sa ibang client niya pala yung sa cavite , mabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan at medyo antok na nga talaga ako kaso nilalabanan ko lang talaga yun.

Si ate dana naman kasi yung nagdadrive kanina kaso nga lang nakipagpalit ako sa kanya dahil sa siya ang may alam sa computer at dun sa private investigator niya na kausap niya padin hanggang ngayon.

Damn im so excited talaga na malaman kung sino ang taong nasa likod ng paninira kila jaydee.

"Gabb? Let's switch again,. Mukhang may balak na namang tumakas yung babaeng yun sabi ng P.i ko argh kung pwede lang sana siyang kidnapin eh!" Inis na sabi ni ate dana,. Iginilid ko naman na yung sasakyan at tsaka nagpalit na kami ng position nasa back seat kasi siya nakaupo kanina so bali ngayon ako naman ang mag momonitor ng laptop na dala namin.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now