C38

946 100 3
                                    

Jaydee's Pov

Nag aayos na ako ng dadalhin ko para sa laban namin sa finals mamaya at nakasuot na din ako ng jersey shirts at naka short na din ako para diretso nalang sa court.

Ayoko na kasi na pag pupunta pa ako ng school ay doon palang ako magbibihis ang hustle lang pag ganun.

Natapos na ako sa paglagay ng mga kakailanganin ko at tsaka isinukbit ko na yung bag ko sa may balikat ko tapos lumabas na ng room ko nakapag almusal na din naman ako kaya diretso alis nalang ako.

Pagkababa ko ay nakita ko si tita yen na palakad lakad at hindi mapakali kaya agad ko na siyang nilapitan upang tanungin kung ano ang bumabagabag sa kanya.

Mag aalas 8 palang naman at medyo maaga aga pa ako sa pag alis dahil 9 pa naman yung start ng laban namin.

"Tita yen? Okay ka lang po ba? Bakit mukhang problemadong problemado ka dyan may nangyari po bang hindi maganda?" Napaharap naman siya sa akin at halatang halata sa mukha niya nag labis na pag aalala at nakikita ko din na sobra siyang pinagpapawisan habang nakatingin sa akin.

"A-ah jaydee? A-ano kasi yung d-daddy mo" nauutal na sabi niy ata hinawakan yung dalawang kamay ko, ramdam ko ang pag nginig ng katawan niya ngayon.

"Ano pong nangyari kay daddy tita yen?! Kumalma po muna kayo at para makapagsalita kayo ng diretso" napatingin naman ako sa relo ko at 8:20 na nga ang bilis naman ng oras parang kakababa ko lang at 20 minutes na agad ang lumipas.

"Tita yen? Ahm need ko na kasi umalis at may laban pa kami mauna na po ako ah dahil anong oras na din at tinatanong na ako ng mga ka teammates ko kung nasaan na ako 9 am kasi yung laban namin sa finals---" ani ko dahil nakatanggap na ako ng text at mga tawag galing kila taylor nandoon na daw kasi halos lahat ng mga ka teammates ko at pati sila coach.

Nandoon na din daw sa court yung mga makakalaban namin na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung sino.

"T-tumawag sa akin yung s-secretary ng d-daddy mo at ang sabi ay na aksidente daw ang dad mo at ngayon ay kritikal ang lagay sa hospital" nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi ni tita napailing iling naman ako paanong nangyari yun?

"Ano?! Paanong nangyari yun tita eh mayroong veteranong personal driver si daddy?" Nag aalalang tanong ko sa kanya sobrang galing ni Kuya Tryke at bihasa na siya sa pag dadrive kaya malabong magkaroon ng car accident.

Naaalala ko dati nung nawalan ng break yung sasakyan na minamaneho niya at kami nila mom and dad tatlo ang magkasama ay nakagawa pa din siya ng paraan para maging safe kami.

"Nagpumilit daw yung dad mo na magdrive kahit lasing siya at hindi na siya napigilan nung personal driver niya kaya ayun ang nangyari., Hmmp Jaydee? nagbook na ang mamita mo ng ticket papuntang pilipinas---" naiiyak na ani ni tita ,. Ano binook ako nila ng ticket para umuwi?! No way hindi ako uuwi para sa kanya.

"Tita yen hindi ako pwedeng umuwi ng pilipinas dahil may laban kami ngayon at kailangan ako ng teammates ko---" pagdadahilan ko pero sa totoo niyan ayoko siyang makita , malaki padin ang galit ko sa kanya dahil sa ginawa niya at nung time na libing ni mommy at hindi ako nakapunta.

"Kailangan ka din ng dad mo dong?! Nagsabi na mamita mo na mukhang hindi na kakayanin ng dad mo---" pinutol ko naman ang sasabihin ni tita nang magsalita ako at napatalikod nalang sa kanya.

"Simula nung mapadpad ako dito tita wala na po akong kinikilalang ama ,. Pasensya na po tita hindi ako pwedeng bumalik ng pilipinas , mauna na po ako tita ako na bahala kay mamita tatawagan ko nalang siya" naglakad na ako ng paunti unti ,. Syempre malungkot ako dahil sa nalaman ko pero karma niya narin siguro yun dahil sa mga pinanggagagawa niya sa amin sa past.

"Jaydee please? Alam kong malaki ang kasalanan ng daddy mo sayo at lalong lalo ma sa mommy mo pero please kailangan ka niya ngayon bago pa mahuli ang lahat,. Kahit ako malaki ang galit ko dahil sa ginawa ng daddy mo sainyo ng mommy mo pero kahit pag balik baliktarin ang mundo tatay mo pa din siya at walang magbabago doon,." Hinawakan naman ni tita yung balikat ko na dahilan upang mapahinto ako sa paglalakad.

"Kung sakaling magbago ang isip mo ito yung plane ticket mo dong? 9am yung binook na ticket sayo. , Pag isipan mo ng mabuti hindi kita masisisi kung ano man yung magiging desisyon mo" nilagay niya sa may bulsa ko yung plane ticket at tsaka tinapik tapik yung balikat ko.

Naglakad na ako palabas ng bahay at dumiretso na ako sa may sasakyan ko inihagis ko nalang sa may likod yung bag ko at napasapak nalang ako sa may manibela.

"Kailangan ka niya ngayon bago pa mahuli ang lahat"  napapikit nalang ako at napatigil ako sa pag iisip ng biglang may tumawag sa phone ko.

Incoming call....... Coach West

"Jaydee?! It's already 8:45 damn where are you now! I told you yesterday to come early right?! All of the player as well as our opponents are already here and you're the one who are not here yet" medyo galit na sabi ni coach west , napabuntong hininga na lang ako at pinaandar na yung sasakyan ko i need to make decisions na.

"Coach West? Im sorry I can't make it today i got a call from my grandmom and my father was in the hospital in the Philippines and he was in a critical condition , I'll need to go and fly back to the Philippines right now , I'll promise I'll make it to the game 2 coach" medyo emotional na saad ko,. Damn i know madami siyang kasalanan sa amin ni mom pero mukhang hindi ata kakayanin ng konsensiya ko na hindi siya puntahan ngayon na nalaman ko na ang lagay niya.

"Damn it! Okay jaydee,. Just make sure to come back but when your dad is already okay,. Got it?! I'll update you later , keep safe and be strong garcia?!" Napangiti nalang ako sa sinabi ni coach at ibinaba ko na nga iyon , binilisan ko na ang pagpapatakbo ng sasakyan ko upang makaabot ako sa flight ko na alas nuwebe.

A few hours later

Nakarating na ako sa pilipinas at agad na akong nagtungo sa may hospital na sinabi ni mamita , nag taxi lang ako ngayon dahil wala naman susundo sa akin.

Yung sasakyan ko sa airport ay ipinakuha ko nalang kay tita yen dahil hindi naman pwedeng magpark lang yun doon dahil hindi ko naman alma kung hanggang kelan ako dito sa pilipinas.

Nakarating na ako sa may hospital at sinalubong ako ni mamita na luhaan ngayon at nakatingin lang sa may emergency room.

"Apo?! Im glad that you make it , kanina pa kita hinihintay dito sa hospital , your dad--" naiiyak na sabi niya at napayakap nalang ako sa kanya at hinagod hagod yung likod niya.

"Wag na po kayong umiyak mamita , don't worry everything will be okay baka kayo naman ang sumpungin niyan , maupo na muna kayo sa may upuan" inalalayan ko na si mamita sa may upuan at binigyan ko na din siya ng bottled water.

Napatingin nalang ako sa may orasan dito sa may emergency room its been 6 hours na at hindi pa nakakalabas yung doctor at si dad sa emergency room mukhang malubha nga ang lagay niya.









Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now