C80

711 90 21
                                    

Jaydee's Pov

Kay bilis ng oras kapag kasama mo talaga yung taong minamahal mo ano? Kasalukuyang pauwi na kami ngayon ng manila at dadalhin ko pa si Frances sa pinaka favorite place namin ngayon which is sa Rooftop Bar sa may BGC.

Doon ko sasabihin ang lahat , kahit anumang mangyari ay matutuloy pa din naman ako sa states.

Kahit sabihin niyang pinapatawad niya ako ay hindi na pwede , mahal ko siya pero mas kailangan ako ni Jie, si jie na walang ginawa din kundi mahalin lang ako ng totoo.

She's dying at ang maibibigay ko lang sa kanya ay ang presensya ko , mahal ko si queen pero alam kong mas may taong mas deserve siya kumpara sa akin.

"Queen okay ka lang ba? Ang tahimik mo ngayon nagugutom kana ba? Wait lang ah? Malapit na tayo sa rooftop bar! Unting tiis nalang" sabi ko sa kanya habang nakatingin lang sa may front mirror , ayaw ko kasing tignan siya sa may gilid kasi nga baka magdisgrasya pa kami.

"Hindi pa naman ako gutom jaydee but im really happy today! Sana ay magtuloy tuloy yung kasiyahang nadarama ko ngayon! Thank you for setting up all of this jaydee , sobra kong naaappreciate yung ginawa mo ever since nung nagkabalikan tayo! Alam mo napipicture up ko na yung future na magkasama tayo? Yung darating yung time na ikakasal na tayo pati sila ate lara din at ate brei , Yung sabay tayong mag aalaga ng first ever baby natin? Yung magtuturuan tayo sa paghuhugas ng tae nito ha ha ha , yung sabay tayong tatlo na gagala sa park para ipasyal siya , sabay nating susuungin yung problema na darating sa atin at mapagtatagumpayan natin yun? Argh sobrang excited na ako sa hinaharap! Ikaw ba love excited kana din ba?" Mahabang sabi ni queen habang nakangiti siya ng abot langit , napaiwas ako sa kanya saglit dahil nalulungkot ako.

Nalulungkot ako sa part na hindi ako yung taong makakasama niya sa pinaplano niyang hinaharap.

"Yeah I'm excited na din queen!" Excited na akong ilabas tong sobrang bigat na nararamdaman ko , this will be the last moment for us! I can feel it.

Nagtuloy tuloy lang siya sa pagkukuwento at mas humihigpit yung pagkakahawak ko sa mga kamay niya , gusto kong pahintuin yung oras ngayon para mas mahaba pa ang oras na makasama ko siya.

Maya maya ay nakarating na kami sa may rooftop bar sobrang ganda ng view ngayon na nagpamangha sa aming dalawa , magki Christmas na nga talaga at kasabay nun ang nalalapit na din na birthday ni Frances.

Naupo na kaming dalawa bali magkaharapan kami at lumapit na sa amin yung waiter at binigay sa amin yung menu card , pinagmasdan ko lang si queen na mag order ng mga paborito niyang pagkain, inorder niya na din yung paborito kong pagkain dahil alam naman na niya yun.

Naghintay lang kami ng ilang minuto at nagkwentuhan lang ganun , maya maya ay dumating na yung pagkain at kasabay nun ay ang pagbigay ng waiter sa akin nung bulaklak na pinareserved ko which is the purple hyacinth.

This flower means forgiveness.

"Hmp? Ano to jaydee?!" Medyo naguguluhang tanong niya sa akin napapangiti siya na ewan sa akin , mukhang alam niya nga ang meaning ng bulaklak na ito.

"A beautiful flower queen? Hahaha anyway let's eat na kasi i know na nagugutom kana kanina pa" Pag iiba ko ng topic sa kanya tinignan niya lang naman ako ng may pagtataka at tumango nalang saka inilagay sa may gilid yung bulaklak na ibinigay ko sa kanya.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now