C1

8K 188 4
                                    

Frances Pov

Hi everyone! Isang mapagpalang araw I'm no other than Francese Therese Sy and most of my friends slash people call me frances. I'm half filipino and half chinese. My mom was a pure filipina and my father was a pure chinese. So enough for the brief introduction , isa nga pala ako sa mga kakandidato for the election as a president in student council ngayong taon. By the way , I just want to share that I ended up my 2 years relationship because I found out that he cheated on me.

I love him so much to the point na I can't forgive him for what he did to me , I started moving on these past few days but kabaliktaran yung nangyayari , I can't move on and this pain on my heart is giving me a hard time. I admit that mahal ko parin siya despite of the pain na binigay niya sa akin but tinitry kong iwasan siya for the sake of me na rin , ayoko na masaktan muli ng dahil sa kanya. 2 weeks palang nung magbreak kami but it feels like isang taon na ang lumipas para sa akin.

"Ut ut? Nako natulala ka na naman dyan! Siya nga pala bali balita dito sa school na tatakbo din bilang Vice President ng student council yang magaling mong ex ah? Did you know it?" Napatingin naman ako kay coleen habang nanlalaki ang mata sa gulat , what the?! Ano na naman kayang pakulo nung lalaking yun? Wala na ba siyang magawa sa buhay at ninais niya ding tumakbo sa election? Anong gagawin niya dun? Maghahanap ng babaeng magiging collection niya? Tsk! what an asshole!

"I don't really care  coco kung tumakbo man siyang Vp or President! It's his choice anyway at tsaka please lang coleen ayoko na siyang pag usapan pa nasisira yung araw ko eh. I just want to erase everything about him" napabuntong hininga na kinuha ko yung phone ko sa may bag ko at nag iscroll nalang sa  facebook ko , madaming notifications ang bumungad sa akin at isa na dun yung pag pa flood reactions sa akin ni jaydee.

Nakakailang gawa na siya ng account at lahat ng iyun pinangba block ko , I think this is the 15th times kelan niya ba ako titigilan? Hmp tama nga yung sinasabi nila na nasa huli ang pagsisisi kaya deserved niya tong lahat at hindi na ako papayag na sa kanya pa rin ang bagsak ko sa huli. Saktong pagtingin ko sa may pintuan ay bumungad yung taong pinaka ayaw ko makita araw araw.

"Hoy dong! Loko loka ka , Totoo ba ang balita na running for Vice President ka sa student council? Kung totoo bakit hindi pa for president yung tinakbuhan mo?" Napaiwas nalang ako ng tingin ng tignan niya ako nang may ngiti sa may labi. That freakin smile! Nakakainis siyang tignan. Akala  niya ba makukuha niya ako sa paganyan ganyan niya? Tsk never again.

"Okay na ako sa Vice President at tsaka ayoko naman sapawan yung Reyna ko no! Kita mong tatakbo din siya bilang President ng student council siguro it's good that I'll be her right hand nalang in case na manalo ako kasi for sure at naniniwala ako na siya ang mananalo bilang president" nagtilian naman lahat ng mga kaklase namin dahil sa sinabi niya , nakakakilig na yun? Tsk ang korni niyong lahat. Napatingin ako sa kanila at kasabay nun ay nagtama ang aming mga mata ni jaydee at kinindatan niya pa ako , ayan galawang cheater.

"Baliw nasa Green partylist ka diba? Edi dapat sa President mo ikaw boto para manalo para maisagawa niyo ng maayos yung pinaplano niyo para sa campaign. Lakas din ng amats mo ah" sagot naman ni amanda pero napangiti nalang si jaydee sa kanya sabay tumingin muli sa akin , napaiwas nalang akong muli sa kanya saka kunwaring binabasa ang comments na nasa facebook ko.

"Alam na nun ng president namin na si queen ang sinusuportahan ko sa campaign" ito na naman ang tilian ng mga para kati kating mga kaklase ko , bilis nila makalimot ah baka nakalimutan nila na nagloko sa akin si jaydee kaya naghiwalay kaming dalawa. Sabagay palong palo mga cheater ngayon di porket pogi sila ay may karapatan silang manakit ng kapwa nila. Hindi kailanman magiging okay ang magcheat sa partner.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now