C13

1.1K 108 6
                                    

Jaydee's Pov

Wala namang ganap sa dinner na to , sadyang nag meet up lang yung mga players and coach tapos nag inuman pagkatapos kumain. Sa di inaasahang pagkakataon ay nasa harap pa talaga ako nakaupo nila frances at kielle kasi ayun nalang talaga yung bakanteng upuan na natitira like hindi naman masakit eh no?

Hinugot ko nalang yung cellphone ko sa may bulsa ko nang may nag notif , halos di ko naman mapigilang hindi umiyak ng isend ng tita ko yung picture ni mommy na ibinurol na kanina.
Napatayo nalang ako , I can't hindi ko ata kayang hindi iiyak tong sakit na nararamdaman ko.

"Dong saan ka na naman pupunta?" Tanong nila sa akin nang biglaang tumayo ako sa aking kinauupuan. Napakagat ako nang ibabang labi ko bago siya sinagot.

"Dyan lang sa labas , gusto ko lang magpapahangin saglit , huwag mo na akong sundan gabb gusto kong mapag isa ulit kahit ngayon lang" sabi ko kay gabb akmang tatayo na kasi siya at mukhang sasamahan na naman ako , ayoko naman na pati siya ay malungkot din. Nagpunta nga kami dito para mag celebrate eh pero hindi ko ata kayang magsaya ngayon.

"Sige balik ka kaagad ah! At mag iingat ka gayung gabi na jaydee? If something happens call me lang? We will be there for you?!" Sabi naman nila Kuya abbiel tinignan naman ako ni ate sela na tila bay naaawa siya sa akin , nginitian ko nalang siya at iika ikang lumabas ng restaurant.

Naglakad lakad lang ako kahit masakit pa yung paa nang sa ganun ay makapag isip isip ako ng matino , ayokong magpalamon sa lungkot pero hindi ko mapigilan na tumulo yung luha ko ngayon. Nakarating ako sa isang lugar kung saan may bench at naupo na ako doon , nakatingin lang ako ngayon sa langit at nagpupunas ng luha ko.

"Andaya mo mom! Masyado pa akong bata para iwan mo ako , sino nalang yung makakapitan ko ngayon? Sino nalang yung magpapalakas ng loob ko sa tuwing pinanghihinaan ako? Sino nalang yung makakakulitan ko at magpapasaya sa akin kahit na ikaw mismo ay malungkot , mom! I can't hindi ko kayang tanggapin na wala kana ngayon , wala na akong kakampi mom! Wala na ako nalang ang nag iisa ngayon mom!" Halos mawalan ng hininga na saad ko , wala namang mga tao na dumadaan kaya malaya kong sabihin ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa ngayon.

"Hanggang ngayon para isang panaginip pa rin , it's almost a month na but ang sakit pa din na malamang hindi kana babalik at hindi na kita makikitang muli?! Mom pwede bang kunin mo na din ako , isama mo nalang ako nang sa ganun ay matapos na lahat ng sakit na nadarama ko. Pagod na ako mom." Naiiyak na sambit ko , sa sobrang bigat ay halos hindi na ako makahinga gayung grabe na kasikip yung dinadala ko at naninikip na yung dibdib ko , nakaramdam naman ako na may kamay na humawak sa may balikat ko kaya napatingin ako kaagad at nakita ko si coleen na umupo sa tabi ko.

"Wag kang mag alala hindi kita sinundan kung yan ang iniisip mo , sadyang nakita lang kita dito habang naglalakad ako kaya nilapitan na kita , gusto ko lang sabihin sayo jaydee na hindi ka nag iisa kung yan ang inaakala mo ngayon, nandiyan sila ate abby , gabb at lara lagi sa tabi mo hindi ka nila iniwan kahit kailan at lastly gusto ko lang sabihin sayo na hindi mo kailangan magmukhang strong lagi para lang mapa impressed yung ibang tao o yung kaibigan mo kung sa tingin mo ay nasasaktan ka iiyak mo yan! Ipakita mo na nalulungkot ka or nasasaktan." Mahabang sabi niya na siyang naging dahilan din upang kahit papaano mabawas bawasan yung kirot ng puso ko na patuloy na wumawasak sa akin.

"Ilabas mo yung totoo mong nararamdaman jaydee at wag mong sarilinin yung problema mo ayun lang naman , mauna na ako dahil alam kong kailangan mo ng privacy ngayon" mahabang sabi ni coleen sa akin bago tumayo at maglakad na pabalik muli sa restaurant.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now