Mabilis kong kinuha yung necklace na ibinigay sa akin kaninang umaga ni jaydee at tsaka itinapon iyon sa may bandang sulok ng aking kwarto.

"Queen?? What's the matter? Nandito lang si mommy at daddy ah? Alam kong nasasaktan ka ngayon but please tell us para nang sa ganun ay makatulong naman kami sa pinagdadaanan mo anak" malungkot na sabi ni daddy , hindi niya binuksan ang pintuan kahit nakabukas naman ito at hindi naka lock.

They really respect my privacy that's why I also love them as my family.

"Not now dad! I just want to be alone , just give me more time and I'll explain it all to you" tugon ko sa kanya saka pinigilan ang malakas na paghikbi ko , alam kong pag sinabi ko sa kanila ang totoo ngayon ay baka sugurin pa nila si jaydee sa bahay nito.

"Okay honey? We'll wait for you! Ilabas mo lang lahat hanggang sa mawala na yung sakit" sabi naman ni mommy pabalik sa akin , hindi na ako nakapagsalita pang muli dahil bumuhos na naman yung luha ko.

Tumayo na ako upang kunin sana ang cellphone binuksan ko na yung bag ko at nang makuha ko na yung phone ko ay may dumikit na isang litrato.

Picture naming dalawa ni jaydee iyun at ako ang nasa unahan at siya naman ay nasa likuran , may maliit na sticky notes siyang hawak kaya tinignan ko iyun ng mabuti.

The first word na nakalagay dun ay SORRY , binuklat ko naman ang bag ko at ibinuhos lahat ng laman , bumungad sa akin ang sari saring litrato.

Habang tumutulo ang luha ko ay pinagmamasdan ko pa din yung bawat litrato , sa second pic na nakita ko ay nakalagay ang LETTING

Sa ikatlong picture ay nakasulat ang YOU na aking ikinapagtaka sapagkat nakaturo siya sa akin , tinignan ko ang ibang natitirang litrato at nakasulat yung GO at yung panghuli ay nakalagay yung FOR.

Sa kabilang wallet ko naman ay may nakaipit din na mga litrato ito yung nasa may bandang kubo na kaming dalawa , how come na hindi ko man lang napansin yung mga sticky notes na hawak niya?

Ang unang word na nakita ko ay Be Happy at yung kasunod na picture ay Without Me.

"Sorry for letting you go! Be happy without me" nang mapagbuklod buklod ko na ang mga words , napalakas muli ang paghagulgul ng iyak ko dahil doon.

So it was all your planned jaydee? Talaga bang hindi mo na ako hahabulin at hahayaan mo nalang ako?

Napadako naman ang tingin ko sa may sulok at nakita ko yung necklace na nahati na sa gitna dahil sa malakas na pagkakatapon ko dito kanina.

Lumapit na ako doon at unti unting kinuha yung necklace, may nakita akong puti sa gitna nun at pinunas ko na muna yung basa kong kamay sa damit ko upang hindi mabasa yung papel kung kukunin ko na.

Napaupo ako sa may kama habang kinukuha ko yung papel na nakaipit sa gitna, maya maya ay nakuha ko na ito at tsaka ibinuklad ko na iyun.

"Queen? I just want to say I love you for the last time , I'm sorry sa nagawa ko sayo , you deserve someone better and that's not me! Take care!" Maliliit ang mga nakasulat pero nagawa kobg basahin iyun, hindi ko maiwasang hindi masaktan sa aking nabasa.

So this is it? Your last note? Ang daya mo jaydee! Bakit parang lagi nalang akong nagmumukhang naghahabol sayo.

Bakit lagi nalang na ako yung napag iiwanan? Bakit laging ako jaydee? Wala kana bang paninindigan huh? Yung mga pangako at pangarap natin paano na? Paano na ako kung magwawakas na ang pagmamahalan natin ngayon.

Kailan ba ako mananalo sa  pagmamahal mo? I take all that freakin risk but? Hindi ako maswerte sa huli ako lagi yung nasasaktan sa ating dalawa.

________

Author's Pov

Sa kabilang dako ay tuloy pa din ang pag iyak ni jaydee habang inaasikaso lahat ng mga dadalhin niya para bukas sa states.

Ngayong gabi palang ay magtutungo na siya sa bahay nila Jie upang bukas ng umaga ay sabay sabay na silang umalis.

Batid niyang buong week na natutulog lang si jie at minsan lang ito na hindi natuturukan ng sleeping pills.

Napagdesisyunan na kasi ng daddy ni jie na ganun na lang ng sa ganun ay hindi niya na makita ang kanyang anak na nag sa suffer pa sa sakit nitong bone marrow cancer.

Unti unti na ding nasisira ang mga organs nito na mas nagpapa suffer sa kanya.

"Jaydee anak? Alam kong galit ka sa akin dahil sa mga nagawa ko but itong gagawin mo? Masaya ako na by sacrificing the things that makes you happy , mapapasaya mo din si Jie! She loves you anak as well as she needs you" biglang bungad ng daddy ni jaydee sa kwarto ng kanyang anak ,nagpunas lang naman ng luha si jaydee at patuloy pa din sa pag aasikaso ng iba niyang dadalhin.

"This is the time na din para sabihin ko sayo ang totoo jaydee? Sorry for not loving your mom! She's like Jie at ako yung nasa posisyon mo , in order to make her live and happy! I decided to be with her! Kahit na mayroon akong mahal na iba,. I know i felt sorry and guilty dahil alam kong mahal na mahal mo si frances but buhay ni jie ang nakataya ngayon" sabi ng daddy niya na ikinagulat niya , tumulo lang ng biglaan ang kanyang mga luha sa kanyang nalaman.

Napapaisip siya ngayon na history repeats itself , hindi na siya umimik pa sa halip ay hinayaan niya nalang na kusang bumagsak yung luha niya sa kanyang mga mata.

Wala na siyang magagawa pa , ayan ang nasa utak niya ngayon, lumabas na ang kanyang ama at siya naman ay isinukbit na yung mga gamit niya.

Napatingin nalang siya sa amy frame which is yung picture nilang dalawa ni Frances at napapikit siya para magwish.

"I wish na mahanap mo yung taong magmamahal sayo queen gaya ng pagmamahal ko sayo? Paalam at hanggang sa muli" mahinang sabi niya tsaka naglakad na palabas ng kanyang room.

Kakarating lang din ng driver na pinapunta ni Mr. Matsumoto at tinulungan na siya kaagad nito para maipasok sa loob yung gamit ni jaydee.

"I'll go na dad! Please tell mamita na dadalawin ko siya soon, mag ingat ka dito dad!" Walang emosyong sabi ni jaydee , mabilis namang lumapit ang kanyang ama upang yakapin siya ng mahigpit.

"I'm sorry dahil nararanasan mo ulit yung naranasan ko dati , I'm really sorry anak!" Humihikbing aniya ng kanyang ama. , Napangiti naman si jaydee at napailing nang magtama ang mga mata nila ng kanyang ama.

"It's my choice dad!" Huling sabi nito at tsaka nagtungo na sa may kotss at kumaway pa sa daddy niya nung buksan niya yung windshield.









A/N: :(

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now