CHAPTER 3

185 68 49
                                    






Isang linggo nalang at pasukan na namin ang dali lang nang panahon hindi mo namamalayan. Naging masaya rin naman ang summer ko dahil sa mga kaibigan ko na dinadamay pa talaga si mama ko natatawa nalang ako sa tuwing maalala iyon.

"Aalis kana talaga pwede naman kahit ilang oras lang ang trabaho mo eh mamimiss kita klaire sige na nga magiging busy kana talaga dahil college kana mag-iingat ka palagi ah"

"Babalik naman ako rose kung pwede hihi"

"Nako pwede yan ganyan lang yan si manager pero mabait yan" napangiti naman ako sa kanya.

Kailangan kopang alamin lahat nang schedule ko sa ngayun kung may vacant man ako ay sa shop parin ang punta ko wala talaga ata akung oras mag trabaho pa sa restaurant nato.

"Alis na ako rose mag-ingat ka rin ah" umiyak pa ito at niyakap ako nito kaagad kaya niyakap ko rin siya mamimiss ko ang babaeng to kahit sa kaunting panahon na nagkasama kami ay naging magkaibigan na kami lahat nang problema ko ay sinasabi ko sa kanya maging ang problema niya ay sinasabi rin sa akin, hindi naman ako malulungkot dahil hindi pa ito ang huling pagkikita namin.

Nang makarating ako sa shop ay nakita ko ang sasakyan ni ate ella pinakatitigan ko iyon at may napansin akung tao sa loob kaya naman hindi na ako tumingin pa baka sabihing stalker ako nako!

"Klaire"

"Ate ella?" pa tanong kong ani nang makita kung balot na balot ito pati yung ulo niya naka sun glass rin siya. Kaloka hindi ko siya halos makilala ano bang nangyari.

"B-bakit po?"

"Sorry talaga pero pwede mo bang gawin to?" tiningnan ko ang video at mga model iyon na nagpapagarbuhan tsaka nang makita ko ang isa pang video ay nanlaki ang mata ko hindi ko kayang gawin yun! Umiiling-iling ako sa kanya.

"Please klaire hindi ako pwede kaloka kasi nakalimutan kung may sched pala ako ngayun"

"Pero po hindi ko po talaga kaya gawin yun"

"Ganon ba" matamlay itong umupo sa upuan tsaka may biglang pumasok mag tatanong na sana ako kung ano ang order niya pero pinigilan ako ni ate ella at sinabing kapatid niya daw ito.

Nang tingnan ko siya ang lalaki ay hindi ko alam kung naka tingin ba ito sa akin o ano ba kasi nakasuot parin ito nang katulad kay ate ella pero habang tumatagal ay para akung kinakabahan na ewan ano ba ang nangyayari sa akin? Feeling ko rin ay nakatingin siya sa akin na mas nagpalala sa lakas nang pagkakabog nang puso ko umayos ka klaire! Hindi ko na napigilan at tumayo ako kaagad ang basa na nang kamay ko dahil sa kaba nagulat ata si ate ella pero nawala rin at hinawakan ang kamay ko.

"San ka pupunta?"

"Magbibihis po"

"Hindi na kailangan hindi ka muna papasok ngayun may pupuntahan tayo" tumingin ako sa lalaki at nasisigurado ko sa pagkakataong ito nakatingin ito sa akin.

"S-sige po" hinila ako kaagad ni ate ella sa sasakyan at hinintay ang kapatid niya.

"mael sasama kaba?" umiling lang ito at naglakad palayo nakita ko rin ang pagtaas nang kilay ni ate ella bago paandarin ang makina.

Hindi ko alam kung saan to pero ang mga nakikita ko ay puro nagsisilakihang mga building nang makalabas kami sa sasakyan ay hinawakan ako kaagad ni ate ella at pumunta kami sa kaliwa at may nakita akung elevator doon.

Nangmakarating kami sa 10th floor ay hinawakan na naman ako ni ate ella at pumasok kami sa isang kwarto hangang-hanga ako dahil napaka garbo nang loob ang gaganda rin nang design at naisip kung model nga pala at isang celebrity itong si ate ella kaya  mas lalo akung humanga sa kanya nakita ko yung picture niya ang ganda niya at bagay na bagay sa kanya ang pulang pula niyang labi.

The Vampire King's Affection [ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon