Chapter 27

159 15 2
                                    

COLEEN'S

A week past mula noong pumunta kami dito sa bahay na hindi ko naman alam kung, bakit?. Isang linggo na dito kami natutulog, gumigising, kumakain at iba ba. In short, we stayed here for a week. Hindi nya pa sinasabi sakin ang rason kung bakit? at ano ang ginagawa namin dito? simula noong dumating kami hanggang ngayon.

Ayaw ko rin naman na muna  s'yang pangunahan o kulitin sa pagtatanong nang paulit ulit tungkol dun kasi kahit naman ako mayayamot kapag paulit ulit na akong tinatanong. Kaya hinayaan ko na lang muna, alam ko naman na magsasabi at magsasabi din sya sa 'kin hindi pa lang siguro ngayon ang tamang oras. Nag hahanap pa siguro sya nang tyempo.

Sa loob nang buong linggo na iyon ay masaya kaming gumala nang gumala, nilibot namin ang buong syudad, hindi ko alam kung saan ito basta alam ko lang nasa parehong bansa parin kami. Dito malaya kami na gawin ang gusto naming dalawa. Nagkakasundo kami sa mga lugar at bagay na gusto kong puntahan or i-try. We spend time to each other, kasi wala naman nang ibang pagtutuunan nang atensyon namin kung hindi ang isat isa lamang. Para kaming bagong kasal na babagong nagsisimula at babagong nagsasarili, yung malayo sa mga magulang at walang ibang kasama sa bahay kung hindi kaming dalawa lang.

Hindi kami gaanong gumagamit nang phone, dahil sabi nya iwas muna sa phone... "Bebe time" daw. Natatawa na lang ako kapag lagi syang nag sasabi nang ganun. Ang cute nya kasi kapag nang hihingi sya nang bebe time. Although sinasadya ko na lang talaga minsan na asarin sya at hindatyin na sabihin nya 'yon kasi nga na ccute-an ako sa kanya. Naka pout pa sya minsan at nagpapa cute akala mo bata.

That whole week went very well. Sobrang sweet and clingy ni Gabb. I didn't expect na ganun sya ka sweet sa isang taong mahal nya. He didn't let me na mapagod, kahit na saglit pa lang naman akong nag lalakad lakad dito sa mini garden, magdilig lang ako saglit nang mga plants, pinagpapahinga or pinapaupo na nya agad ako dahil baka daw napapagod na ako or something like that. Masyado na akong na s-spoiled dito, minsan ang exaggerated lang nya  talaga sakin pero hinahayaan ko na lang ang kulit ehh kapag hindi ko sinunod kukulitin naman ako nang kukulitin. Ngayon ko na nakikita yung mga nakatagong side ni Gabb na sa una ay hindi mo talaga aakalain na may ganoong ugali pala sya.  And thats make me happy, natutuwa lang ako na isa ako sa tao na nakakita nang ugali na yun ni Gabb.

Feeling ko nga napakalimited nang ugali nyang yun ehh, pili lang ang taong pinapakitaan nya nun. He's soft inside, defense mechanism nya lang yung pagiging napakaseryoso nang muka dahil sa nakikita ko sa ngayon is mahina talaga sya. I know it has a reason kung bakit sya mahina but still insisted to be strong in other people's eye.

Sobrang caring nya at hindi ko inaasahan ang mga iyon, ewan ko... Basta ibang iba sya sa dati. He even cook for lunch and dinner, kahit pwede naman na sa mga fast food na lang or umorder na lang kami. He insisted to cook talaga. Dati breakfast lang... ngayon may pa lunch at dinner na. Wala kasing ibang taga luto, walang maids, at iba pa... kaming dalawa lang talaga. 

Here, he can express his self, no judgements and eyes everywhere. Lugar kung saan masasabi kong comportable sya. Nagiging bata kami na parang walang pino problema, sa lugar na ito. It was peaceful and i can say na this was my safe haven. May mga puno puno sya at malaking lawa sa harapan ng bahay. Malawak pa naman ang space sa harap bago ang lawa mismo na malawak din.

"I never thought in my life that i would be this happy" saad nya at tumingin sa akin

Kasalukuyan kaming nakaupo sa damohan at nakaharap sa malawak na lawa sa ilalim ng mga kumikinang na bituin. Nakasandal ang kamay nya sa damuhan bilang suporta sa katawan nya at ako naman... Ito nakahilig sa kanya at nakasandal ang ulo sa kanyang balikat.

Bigla syang may inilabas na canned beer sa tabi nya kaya nagulat ako ng may bigla syang ininom. Tinignan ko ito nang nakakunot ang dalawa kong kilay.

"Where did you get that?" Tanong ko at umalis na sa pagkakahilig sa kanya para matignan ito.

"Kanina pa 'to dito 'di mo nakita?" saad nya kaya tinignan ko sya ng masama at pinagkrus ang braso ko sa dibdib.

"Mag tatanong ba ako kung nakita ko na yan kanina" saad ko at inirapan sya

"Just a little... Parang ang sarap lang pagmasdan ng mga bituin kapag may iniinom ka eh tsaka medyo malamig, pampainit na din" pagpapaliwanag nya at nakangisi pa nang nakakaasar... niyakap ako, nang lalambing para payagan, tsk. Okay lang naman sakin na mag inom sya ehh. Ang akin lang kasi....

"Bakit  hindi ka nag aalok, andaya mo ikaw lang. Gusto ko rin 'no!" saad ko at hinampas sya sa dibdib, nagtatampo kaya napatawa sya. At humiwalay na sa pagkakayakap para abutan ako nang isang can.

"Here, 'di mo naman kasi sinabi agad eh. Buti nalang mayroon pa" nakangising saad nya at binigay sa akin ang isang canned beer. Sabi nya konti lang bakit may reserba pa sya? But nvm...

Nagtagal pa kami doon at naisipan lang na pumasok na sa loob ng makaramdam na nang lamig

"Baby... " tawag ko sa katabi ko, nilingot lang ako nito at tinaasan nang dalawang kilay 

"Pasok na tayo sa loob, nilalamig na ako"

Agad syang tumayo at inalok sa akin ang kanyang kamay para alalayan akong makatayo. Pinatong nya din sa balikat ko yung jacket na dala dala nya, para daw hindi ako gaanong malamigan. Pinauna na nya akong pumasok sa loob dahil lilinisin pa daw nya yung mga lata nang ininom namin.

Sa sobrang sarap nang pagmumuni muni namin sa labas kanina hindi na namin na malayan na nakarami na pala kami ng naiinom at malalim na rin ang gabi... Kaya ayun, medyo nahihilo na ako. Ewan ko lang sya, high tolerance 'yon eh kaya mukang okay pa sya.

Nagshower na ako at nag toothbrush para mawala na yung lasa ng beer sa bibig ko at para na rin hindi ako gaanong lamigin sa pagtulog, hot water kasi yung pinangshower ko eh.

Nag iisa lang ang nakatayong bahay dito at iyon ay ang tinutulugan namin ni Gabb dito. Pinasadya nya daw 'to para magkameron sya nang mapayapang paligid. An escape place, kapag sobrang lungkot or galit sya dito sya pumupunta para mag labas nang mga hinanakit. Nagbabato nang mga bato sa lawa at sinisigaw ang lahat nang galit sa loob nya. Tunay nga na napakaganda nang bahay na ito.

Kumpleto rin dito. Kung anong meron sa palasyo meron din dito. Mas maliit nga lang... may caretaker ito, kapag hindi sya nakakapunta dito may naglilinis naman, pero hindi pa rin dito tumitira. Pumupunta lang para maglinis. Mabuti na lang at hindi sya ninanakawan nun eh halos mga mamahalin din ang mga gamit dito. 

Hindi ko na namalayan ang pagpasok ni Gabb sa kwarto namin dahil na katulog na ako. Nabanggit nya rin sa akin kanina habang nagkukwentuhan sa ilalim nang buwan at bituin na bukas na bukas ay babalik na kami sa palasyo. Mamimiss ko ang lugar na ito, kahit na sabi naman sa akin ni  Gabb anytime pwede akong pumunta dito kung gugustuhin ko.

Wait...

ako lang ang pwedeng bumalik? hindi ba sya sasama kung halimbawa gusto kong pumunta dito minsan? ngayon ko lang na realized na pwedeng may gusto syang iparating sa sinabi nyang iyon o kaya naman ay ako lang mismo ang nag iisip nang kung ano ano

AHHHH! basta

--------------------------

UD

hello po.

Im having a second thought if I'll finish this story or just do a new one, that's the reason kung bakit sobrang tagal kong naka pag update ulit. Until now i am still thinking about it.

Advance Happy New Year














The Definition of HomeWhere stories live. Discover now