Chapter 15

192 24 3
                                    

COLEEN'S

Sobrang liwanag... Patay na ba ako? Lord wag po muna ngayon may pangarap pa a-

"Coleen. Buti naman nagising kana wait lang tatawagin ko lang yung nurse" napatingin ako kay Robin na nag salita sa gilid ko at lumabas na nang kwarto para tumawag nga nang nurse

Akala ko patay na ako buti na lang nag salita sya. Napatingin naman ako sa paligid at nakita kong nasa clinic na ako. Tinapik tapik ko pa pisngi ko dahil baka nananaginip lang ako pero hindi. Salamat sa kanya niligtas nya ako

Nang makabalik sya kasama na nya ang nurse na sinasabi nya at chineck ako. Tinanong pa ako kung masakit ba daw ulo ko, at sinabi ko lang ang totoo na hindi naman... Medyo lang


May ilang bilin pa sa akin yung nurse at sabi may gamot daw ako na iinumin kung sakaling sumakit ulit ulo ko. Tumango lang ako ng tumango sa mga sinasabi sa akin, naintindihan ko naman, hindi yung tango lang ako nang tango pero hindi pala naintindihan. I really understand what the nurse was saying

"Thank you" saad ko kay Robin nang makaalis na yung nurse. Tatayo na sana ako pero bigla akong nadulas kaya napahawak ako sa braso nya, buti na lang at inaalalayan nya ako. Mabuti na kang din at magaling siyang mag balanse kasi kung hindi pareho kaming matutumba

"Are you okay?" Tanong nya kaya tumango na lang ako at balak nang lumabas ng clinic para makauwi na. Nag pasalamat ulut ako sa kanya bago tuluyang lumabas ng clinic. Natuyo na rin naman ang damit ko kaya hindi na bakat ang mga balat ko sa blouse

Except sa dumi na kumapit na sa damit ko, nandito pa rin... Well hindi naman matatanggal yun kung hindi lalabahan kaya hinayaan ko na lang at lumakad na parang walang nang yari. Pinagtitinginan pa ako ng mga estudyante kaya binilisan ko na lang mag lakad para makalabas na ng campus na ito. Nakayuko at sa dinadaanan lamang naka focus

Malapit na ako sa sasakyan namin, nakita ko na yung gulong nang mabangga ako sa isang tao. Nauntog ako sa tyan nya. Ang tigas naman, kaya napahawak ako sa ulo ko na medyo kumirot


Hindi pa nga magaling na untog pa



"Buti naman nakarating ka dito" saad ni Gabb. Sa kanya pala ako nauntog, nakita ko pag tunghay ko ang mukha nya. Kagaya ng dati pinagbuksan nya ulit ako ng pinto sa backseat pero sya sa shotgun seat


Pagkarating palang dumiretso na agad ako sa CR ng kwarto namin para makaligo na, binaba ko lang yung gamit ko sa study table tapos nangtungo na nang banyo


"Shocks" saad ko nang makalimutan kong mag dala ng towel at pamalit


"Paano na ako makakalabas nito" dagdag ko pa


"Are you done ?" Rinig kong tinig ni Gabb mula sa labas ng CR.



"You forgot to bring you towel, I'll hang it sa door para makuha mo" dagdag pa nya. Hayssst buti naman napansin nya na wala akong dalang towel papasok, kung hindi... Lagot na

Agad ko naman kinuha iyon para maitapis sa aking katawan at makapagbihis na. Bago ako lumabas sumilip muna ako kung nandoon ba si Gabb o wala. Good thing wala sya doon kaya nakapagbihis ako ng maayos nag pabango na rin ako at siniguradong wala ng natitirang amoy mula sa kanina


Baka palayasin pa ako ni Gabb kapag nangyari yun dagdag na naman sa pagkagalit nya sa'kin.



Katulad nang nangyari kagabi, ganun na naman ang set up namin ni Gabb. Sa sofa sya natutulog at sa kama ako. Kinabukasan same pa rin sabay kaming pumasok pero hindi pa rin nagpapasinan

The Definition of HomeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin