Chapter 16

157 21 0
                                    

GABB'S

Dinala ko sila... Ay mali mali. Pumunta ako sa isang hindi matao na lugar para makapag unwind. Pinasunod ko sila sa akin para may kasama ako.



Naupo lang ako sa isang bench at sinandala ang dalawang braso sa sandalan nito at tumingala. Hindi sila nagtatanong kung bakit kasi alam nila na kailangan ko ng makapag isip isip




Naki upo na rin sila sa bench at dalawa kada isang bench ang itsura namin. Nagkukulitan silang tatlo at hinahayaan lang ako sa kung ano ang ginagawa ko



"Baka makita tayo dito tapos sabihin cutting" saad ni Daryll. Kabado yan? Parang hindi sanay ahh jk




"Lol. Acting like you don't want to skip class" panglalaglag sa kanya ni Lara. Itong dalawa talagang to hindi natatapos isang araw ng hindi nag kakasagutan. Pero tama ka dun Lang natumbok mo ang nais kong sabihin




"Shhhh quite. Gabb's concentrating" saad ni Dana kaya napatingin sa akin ang dalawa na naghahampasan na kasi trip lang nila. Parang mga bata



"He's not concentrating Dana, may iniisip lang yan" Daryll




"Ganun na din yun" Lara



"You know guys, i think..."



"What? You think what?" Saad ni Daryll at pinaglalaruan sa kamay yung bulaklak na pinitas nya habang naglalakad kami kanina papunta dito, may nadaanan kasi kami na maraming bulaklak kaya pumitas sya ng isa at inilagay sa tenga at lumakad na parang nag papagent




"Ahmm... Nothing" pagbawi ko. Kaya ko na bang sabihin? Naguguluhan pa ako




"You know what Gabb... Just admit it. You're jealous" agad akong napatingin kay Daryll na seryoso na ngayon. Ngayon lang yata to nagseryoso ehh kaya mukhang maganda ang sasabihin. Try natin makinig

"Admit to yourself na nagkakagusto kana kay Coleen at hindi mo kaya na iniiwasan ka nya" may point sya, sa loob ng ilang araw na pag iwas nya sa akin... Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Hindi naman dapat diba? Dapat ba ?



"After all, she's your wife isn't she?" Dagdag pa nito. Tama... Oo nga... Kinasal kami pero labag yun sa loob nya... Sa akin din naman labag pero.... Noon yun, this is unexpected




"So you mean? She's mine na?... Like my property?" Naguguluhan pa ring tanong ko



"Yes. But not the property na bagay. Property na, mamahalin mo... Yung... Basta it's hard to explain" saad ni Dana sa akin. Wait so may karapatan ako na magalit at magtampo?. Arggghhh diko alam




"Ngiti mo dyan, katakot ka. You look like a dog na ready nang mangagat" saad ni Lara


"Pffft... Panget tol. Sabihin mo parang nagpipigil ng pag tae" pagsegunda naman ni Daryll tapos sabay silang tumatawa ngayon



"Tumigil na nga kayo masaya na sya kasi nalaman nyang may karapatan na syang mag selos. Yieeee " saad ni Dana na nangaasar na. Paki ba nila masaya na ako kahit doon lang. Wait... Masaya na nga ba ?



"Aish. Okay i admit, im jealous. Kasi naman lagi silang mag kasama tapos ang saya saya nya pa kapag magkasama sila. Tapos kapag ako hindi nya man lang ako mapansin, ako na minsan nag initiate na makipag usap pero hindi naman na humahaba yung usapan namin"




"Seloso mo naman masyado" saad ni Lara



"Baka kasi ang akala nya mahal mo pa yung ex mo. Edi ba nga sabi mo narinig nya yung sinabi ni kaycee noong tumawag sayo" pagpapaalala sa akin ni Daryll. Na kwento ko na kasi sa kanila ang nangyari at pinagmulan ng hindi namin pag papansinan ni Coleen





The Definition of HomeWhere stories live. Discover now