Chapter 14

178 27 6
                                    

COLEEN'S

Nagising ako noong madaling araw dahil kailangan kong magbanyo. Wala pa ako sa sarili ko nang pumasok ako ng CR at umihi, papabalik na ako sa kama ng maynakita akong natutulog sa sofa.

Kaya naman napatingin ako sa paligid. Nagtataka pa noong una kung bakit nasa ibang kwarto ako tapos bigla kong naalala na lumipat nga pala


Hindi sya tumabi sa akin. Inaasan ko na naman yun pero hindi ko alam na dun pala talaga sya matutulog. Hindi kaya sumakit ang katawan nya bukas? Hindi yata sya sanay na dun natutulog


Nakahiga na ako pero hindi ako makatulog. Nakailang paikot ikot na ako sa higaan ko pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kaya naman umupo na muna ako at isinandal ang katawan sa headboard. Kukuhanin ko na sana ang phone na nasa side table ko pero may nahawakan akong tray kaya pagkakuha ko ng phone ko ay inilawan ko iyon para makita


Tray nga sya, na may nakalagay na mga pagkain. May takip ito kaya dahan dahan kong binuksan yon para hindi makagawa ng ingay dahil madaling araw na at rinig na rinig ang ingay kahit sobrang hina pa noon



Nagutom ako sa nakita ko kaya naman lumipat ako sa study table dahil may mas maliwanag na ilaw doon, para doon ko makain ang pagkain na ito. Sigurado naman akong akin to dahil wala na naman ibang tao sa kwarto na ito kung hindi ako at si Gabb lang at sa aming dalawa ako lang naman ang hindi pa nag di-dinner kaya sure na ako


Gutom na rin ako kaya siguro hindi ako makatulog ulit kaya kinain ko na. Kung hindi naman talaga para sa akin to... Mag dadahilan na lang ako bukas, wag lang akong magutom


Nang matapos na akong kumain ay inayos ko na ulit ito at ibinalik sa pinagkunan ko, ayoko na naman lumabas pa ng kwarto para dalahin ito doon sa baba, dahil baka magising si Gabb kapag nag bukas ako ng pinto tsaka natatakot na ako



Pagkatapos nun ay nahiga na ulit ako at nakatulog na, busog na ehh kaya inantok na ako


Kinabukasan pag gising ko ay bihis na si Gabb at nakaupo na sya sa sofa nagbabasa na ulit ng libro nya. Ready na syang pumasok ako na lang yata hinihintay kaya bumangon na ako kaagad para maligo at mag ayos ng sarili para sa pagpasok


Tama nga. Ako na lang hinihintay nya pero hindi man lamang ako ginising para hindi na sya naghintay ng ganun. And as usual sabay kami sa sasakyan hindi pa rin nag uusap



"Look who's here" hindi pa ako nakakatapak sa loob ng room namin ay iyon na agad ang bungad sa akin ng kaklase kong brat, may mga alalay pa sya na dalawa tig isa sa gilid nya


"So you are the so called 'princess' who married my prince Gabb" saad nya nang makalapit na ito sa akin. Ginamit nya pa yung daliri nya para gumawa ng quotation mark sa hangin ng banggitin nya ang salitang princess


"The courage to do that" dagdag pa noong nasa kanan nya na babae sabay irap



Sakinala na kung gusto nila





Hindi ko naman ginusto na makasal doon ah. Ni hindi pa rin nga kami masyadong mag kakilala. For me we're still a stranger to each other


"Excuse me "  naka tungong saad ko dahil nakaharang sila sa daanan. Ayaw ko makipag away dahil hindi ako ganoong tao, kung kaya kong iwasan iiwasan ko na lang. Kung madadaan naman sa magandang usapan bakit hindi?. Pero sa tingin ko... Ang sitwasyon ngayon ay iba, lalo na sa mga ganitong ugali nila. Mahirap... Hindi sila papayag



"Where do you think your going? Huh?" Saad nya at bigla akong hinigit sa aking kwelyo. Wala pang ibang tao sa room kung hindi kami apat pa lamang maaga kasi kami nakarating sa school kaya kakaunti pa ang mga estudyanteng nasa mga room kahit na tanghali na feeling ko tanghali na kami ni Gabb kanina


Walang ibang nakakakita sa amin kaya walang umaawat or nang sisita. Kinaladkad nila ako papunta sa CR ng school. Bigla nalamang ako binato ng babaeng nakahawak sa kwelyo ko na naging dahilan para matumba ako sa sahig. Nilock pa nila ang pinto para walang ibang makakapasok




Akala ko sa pilipinas lang may mga bully, pati pala dito. Kahit saang bansa meron. Sa pilipinas hindi ko nararanasan ang mabully kahit na mahirap lang kami doon. Walang tumatapak sa katauhan ko, masaya ako doon. Bakit ngayon? Bakit nandito ako sa posisyon na to? Nabubully. Pinagkakaisahan.



Binuhusan nila ako ng tubig na pinagbababaran ng map. Madumi iyon at naaamoy ko pa ang iba't ibang uri ng amoy. Halo halong amoy dahil sa kung saan saan na  naipunas ang map. Hindi ako makasigaw dahil binusalan nila ako ng medyas na gamit na at itinali ang kamay na para bang hinoldap. Sobrang laki ba ng kasalanang nagawa ko sa kanila para gawin nila sa akin to? Hindi ko naman ginusto na makasal doon sa prinsipe na hinahangad nila ahh bakit naman nangyayaro sa 'kin to?



Nasusuka na ako sa amoy ko pero hindi ko mailabas. Tinatawanan lang nila ako at binantaan pa na layuan ko ang prinsipe nila. Kung pwede ko ngang layuan bakit hindi diba? Kung alam ko lang na ganito ang aabutin ko hindi na sana ako pumayag dyan sa kasunduan na yan. Hinayaan ko na lang sana silang mag hanap ng ibang paraan para mabayaran yung katangiang paglilikod sa kanila ng lolo ko



Hindi yung ako naman ang nahihirapan ng dahil sa kanya... Sa kanila



Hindi pa sila nakuntento at pinagsasampiga pa nila ako isa isa bago tuluyang lumabas. Wala na akong ibanh nagawa kung hindi umiyak. At magtanong kung bakit ganito. Naiwan ako ditong nakatali at may pasak ang bibig. Basa at hindi mo magugustuhang amuyin.




Narinig kong tumunog na ang bell na hudyat na magsisimula na ang klase pero nandito parin ako. Hindi ako makaalis dahil ganito ang itsura ko at nakatali pa rin. Sinusubukan ko namang alisin ang pagkakatali ng kamay ko sa likoran pero mahirap... sobrang higpit nang pagkakatali at para bang wala nang balak pakawalan ako noong mga nagtali nito sa akin




Mahigit isang oras na akong nandito. Wala na naman akong mailuha kaya tumigil na ako sa pag iyak. Wala din naman akong mapapala kung iiyak ako ng iiyak dito. Walang makakarinig sakin. May mga studyante na pumapasok dito sa CR. pero pinag titinginan lang nila ako, pinagbubulungan at kung ano ano pa. Nandidiri...


Nawawalan na ako ng pag asa na baka may tutulong sa akin nang may narinig akong tumatawag ng pangalan ko mula aa labas hindi ko kilala kung sino iyon pero sinubukan kong sumigaw kahit may naka takip sa bibig ko.


"Coleen!" Tawag pa ulit nito kaya mas sinubukan kong lakasan ang sigaw at sibubukan din gumawa ng ingay kahit nanghihina na ako



Narinig nya siguro ang ingay mula dito sa loob kaya sya pumasok, dahil may nakita akong sapatos na papalapit na sa akin. Pabagsak na ang katawan ko kaya iyon na lang ang nakita ko


Naramdaman ko pa ang pagbagsak ko sa sahig at buti na lamang ay hindi gaanong napaumpog ang ulo ko sa sahig



Niyakap nya ako na para bang wala syang paki alam kung marurumihan sya. Sinusubukan nya rin ako gisingin sa pamamagitan ng pag tapik ng pisngi ko at pag aalog sa'kin pero tuluyan na akong nawalan ng malay ang huling naaalala ko na lang ay lumulutang ako















































Dahil buhat nya ako. Hindi ko kilala kung sino ang tumulong sa akin. Inaaninag ko ang pag kumukha nya pero nasisinagan ng araw ang mata ko kaya hindi ko mawari kung sino ba talaga ang may mabuting loob na ito

---------------------------------------------------------------------

UD



Lapit na monthly exam namin kaya, I'm not sure kung kailan next na UD. But here's an UD for now☺️. Have a great day a head. Stay safe.

The Definition of HomeWhere stories live. Discover now