Chapter 26

212 23 1
                                    

COLEEN'S

" Booo" panggugulat ko sa kanila at umakto na parang batang nang gugulat. Saglit na napatingin sa akin ang dalawa ngunit pansin parin sa mga muka nila ang pagkaseryoso. Ano ba kasing pinaguusapan nang dalawang 'to? Ayaw mag share, napaka damot. 



" Bakit ba napaka seryoso nyong dalawa?" hindi ko na napigilan kaya nag tanong na ako



"A-ahh, wala lang HAHAh" saad naman ni Robin at nagsimula nang tumawa. Luhh, baliw.



 Napatingin naman ako kay Gabb na diretsong lamang na nakatingin sa harapan. Hinigit ko ang kakaunting  tela  na nahawakan ko sa laylayan ng damit nya, na dahilan nang pag lingon nya sa akin. Para bang wala ito sa sarili nya dahil nang tumingin ito sa akin ay tinaasan lang ako nang dalawa nya kilay, na parang hindi nya narinig yung tanong ko. Siguro nga hindi nya talaga narinig.



"Bakit kayo  seryoso " pag uulit ko nang tanong para sa kanya, ngunit wala akong nakuhang kasagutan kung hindi tanging ngiti nya lamang na hindi pa aabot sa kanya dalawang tenga. Hinawakan nya naman ang kamay ko na nakahawak sa tela ng damit nya. I squeezed it to tell him na no matter what is it, im here para supportahan sya. Kung ano mang bagay ang bumabagabag sa kanya handa akong tulungan sya para kahit papaano ay malimutan nya 'yon.



He grab my hand tightly sabay hinila ako papaalis. I just wave my hand to Robin na naka pamulsa na ngayon. Kinawayan rin aki nito at ngumiti  sakin pabalik bago sya tuluyang nawala sa paningin ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito.



Basta sumama na lang ako sa kanya nang hilahin nya ako. Alam ko naman na hindi nya ako pababayaan. Feeling ko pa nga safe ako kapag kasama ko sya. I trust him, to the point na kahit nasa bingit na kami nang kamatayan kapag sinabi nyang sya ang bahala at gagawa sya nang paraan, mawawala ang kaba ko na mamamatay na pala ako. It's hard to explain but... that is how i trust him. No matter what happens. Pero kapag na reach ko na ang limit ko... dun na unti unting mawawala ang tiwala ko.



"Where are we going?" hingal na tanong ko sa kanya, tumakbo ba naman sya tapos hawak hawak yung kamay ko edi nadala nya ako, ang bilis pa naman nyang tumakbo dahil sa haba nang biyas nya. Sinuotan nya ako ng helmet kaya mas lalo akong nagtaka. Saan ba talaga ako dadalhin nito? I have no idea. Hindi parin naman kasi nya ako napapasyal sa ibang lugar o sa labas nang palasyo. Madalas ay dito dito lang sa loob, paikot ikot. Halos mag iisa at kalahating taon na akong nandito pero tanging itong palasyo at school lang namin ang nalilibot ko.



Hindi  parin sya sumasagot sa mga tanong  ko na ' kung saan kami pupunta ' ' saan mo ako dadalhin?' iningles ko na tinagalog ko pa pero hindi parin nya sinasagot yung tanong ko. Patuloy lang sya sa ginagawa nya. Ano ba ako dito? Anino? Multo? Invisible? Bingi ba sya?



Sumakay sya  sa motor nya na kanina nya pang kinakalikot, pinunasan nya muna tapos pinakintab. Lahat na yata nang pwedeng ilagay at ipang linis sa motor nya gagamitin nya eh. Pang sinauna yung motor nya pero sobrang angas nang dating at talagang bagay na bagay sa kanya. Minodify nya siguro ito dahil sobrang porma nito.



Nilingon nya ako at sinabing sumakay na, inalalayan nya pa akong makasakay dahil medyo nahihirapan akong maka angkas. Hindi naman sya hindi pa ako nakaka angkas sa motor, kundi dahil sa suot ko.



"Careful" saad nya. Pansin kong may concern sa boses nito dahil nag iiba iba ang tono nang pananalita nya minsan dipende sa sitwasyon. Minsan napakababa kapag nang t- tease sya, minsan normal kapag conversation, at madalas naman ito, yung concern. It always made me smile. Simple gesture, pero napapasaya na nya ako dun. i don't know why. Basta i found it... sweet? I think sweet. Am i madly inlove with him now? Is it normal pa ba? Baka hindi na akma 'tong nararamdaman ko. Pakisabi naman please... 



Nang makasakay na ako ay hinawakan nya ang aking pulsuhan sa tig isang kamay ko. Ano ba yan, normal pa ba na kiligin kahit alam mong matagal na kayo?Ako lang ba ha? Ako lang ba? rold send help po... Papatayin yata ako nito sa kilig. 



He slowly wrap my arms around his waist



"Hold on tigth, lest you fall" shitt, hulog na hulog na po ako sayo ano ka ba!



Inner self, kalma ka lang



Sya na  ang gumawa para sa 'kin nang paghahawak nang kamay ko sa bewang nya. Nahihiya parin akong humawak sa kanya kahit lalo na at may nangyari pa sa amin kagabi. Naalala ko na naman 'yon. Shit!! nakakahiya, nakita nya ang aking whole body. Lalo na tuloy akong kinapitan nang hiya nito, dahil sa mga naiisip ko



"Hey, baby... you okay? namumula ka" pagpuna nya sa akin at nakita kong nakatingin sa side mirror. Nakalimutan kong kita nga pala ako dun and yes, sobrang pula ko na, para  na akong kamatis na sobrang hinog dahil sa kapulahan ko.



"Y-yes, im okay" saad ko na lang at tinakpan ang muka ko. Ewan ko pero hiyang hiya na ako sa sarili ko ngayon. After kong kumalma nang kaunti ay inalis ko na ang kamay ko na nakaharang sa muka. Kahit hindi ako tumingin alam kong kanina nya pa akong tinititigan mula sa side mirror. Nagtama ang tingin namin kita sa mata nito na nagtatanong. I just nod at nag aalangan pang kumapit muli sa kanya... kaya sya na ulit ang gumawa nun para sa akin.



I heard him chuckled pero hinayaan ko na lang dahil mayroon parin akong nararamdamang hiya. I burried my face on his back that made him to shook his head. Pinatakbo na nya ang motor nang napakabilis kaya mas na payakap ako sa kanya nang mas mahigpit, natatakot parin naman akong mahulog 'no? baka hindi nya mapansin na  magpagulong gulong  na pala ako dyan sa kalsada na parang espasol. Pero alam ko naman na hindi nya ako pababayaan. Ako lang ang may helmet sa aming dalawa kaya malakas ang loob ko na iiwas sya sa alam nyang mapapahamak sya. 



"Are we there yet?" pagtatangong ko. Paulit ulit. Siguro pang 20 ko nang tanong ito, at sya naman paulit ulit din ang sagot na...



"Not yet"



Mahaba pa  ang byahe at medyo na kakatulog na ako.Hindi ko alam kung malayo pa ba kami or pinapaikot ikot nya lang ako dito sa lugar na 'to. Feeling ko kasi nakailang kita ko na yung mga dinadaanan namin. Dahan dahan nang lumuluwag ang pagkakayakap ko sa kanya dahil nakakaramdam na ako nang antok. Nakakaantok kasi yung hangin, medyo malamig. Naramdaman nya yata  'yon kaya binagalan nya ang pagpapatakbo, nakita ko rin ang mabilis na pagsilip nito sa side mirror. 



"Malayo pa ba?" inaantok na tanong ko sa kanya 



"Malapit na" feeling ko naka ngiti sya nung sinabi nya iyon, napangiti na lang din ako nang marinig ko yung ' malapit na' dahil sa wakas ay makakapag pahinga na ako. Hindi ko lang sure kung talagang malapit na, baka sinasabi nya lang 'yon para hindi ako mainip kahit ang totoo ay may kalayuan pa 



Ilang segundo pa at nakarating na nga kami.Katulad kanina tinulungan nya akong makababa at sya din ang nag alis nang helmet ko, pagkatapo nun ay napatingin na ako sa paligid. Nawala ang aking pagkaantok sa aking nakita. Isa syang bahay na maliit lamang kasing laki lang nang bahay namin sa pilipinas, maganda ang disenyo at halatang hindi tinipid ang pagpapagawa dito. Pagpasok naman sa loob ay kompleto na ang mga gamit maganda din ang interior design at kahit saan ka lumingin ay pwede kang mag picture. Sa paglilibot nang aking mata ay biglang natamaan nito si Gabb na nakatayo na ngayon sa may pinto.



Naka pamulsa ito at may bitbit na masayang ngiti sa kanyang muka. I rush myself to him, tsaka sya niyakap.



"I love you" bulong nya sa tenga ko, inilayo ko nang kaunti ang aking muka at tinignan sya nang mata sa mata



"i love you too" saad ko at bigla nya akong sinunggaban nang halik, pero agad din namang tinigil. Ngayon ay nakaakbay sya sa akin at ako naman ay nakahawak ang braso sa kanyang bewang pareho kaming nasa may pintuan at tinatanaw ang loob nang bahay.

-------------------------------

UD

Late update















The Definition of HomeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum