Chapter 18 pt. 2: Satur-Date

Magsimula sa umpisa
                                    

Lalong nabadtrip si Yoongi nang halos laruin na namin lahat ng games dito sa arcade pero sa lahat ng 'yon... sad to say pero... TALO SIYA! Wahahaha!

"Tinatawa-tawa mo dyan? Kanina ka pa." Walang emosyong sambit ni Yoongi habang nilalantakan yung fries sa harap niya.

Matapos libutin ang bawat sulok ng Quantzone eh pumunta naman kami sa McDewlibee dahil nagutom na si bebe ko at para na rin siguro pakalmahin ang nagwawalang ego niya dahil siya, na arcade king at undefeated player, ay natalo ng isang Cherry Fortaleza. PFT! Take note, first timer Cherry Fortaleza! Maganda na Winner pa! Talaga naman!

"Meheh! Let's take a recap, shall we?!" Nakangising saad ko saka nagpangalumbaba sa harap ni Yoongi.

Tumaas lang ang kilay nito. "Stop."

Lalong lumawak ang ngisi ko.

"Naka-pitong round tayo ng tekken..." Simula ko at hindi pinansin ang pagtutol ni bebe. Nagdilim naman ang mukha ni Yoongi.

"Don't push it, Cherry." Psh. Pikon si bebe ko.

"Lahat... ako nanalo. Wahahahahah!" Tuloy ko pa. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

Natawa na lang ako dahil ang sama talaga ng loob niya kanina pa. Dapat daw hindi na lang niya 'ko dinala sa arcade. Hahahaha! Bitter ang lolo mo!

"Akala ko ba ayaw mo ng arcades. You seemed to be enjoying this." Nakasimangot pa ring sabi ni Yoongi dahil kanina ko pa siya inaasar kung gaano ako kagaling na player at kung gaano naman siya kabulok.

"Sinong may sabing ayaw ko sa arcades?!" Tangging tanong ko pa. "I so love arcades kaya! Lalo pa't best player ako at laging high score! Wahaha! I'm so great right?! Hahaha! Balik tayo don ulit, ha?!"

***

"Balik tayo don ulit, ha?!" Tumatawa pa ring sambit ni Cherry bago muling bumalik sa pagkain ng in-order niyang spaghetti.

Napapangiti na lang ako habang pinapanood siyang kumakain. Hindi mawala ang ngisi sa labi nito. "Grabe yon, no, Yoongi! Biruin mo, sa lahat ng nilaro natin, ni isa, wala ka man lang naipanalo?! Hanggaling ko nga naman talaga! Natalo ko ang Arcade King! Kailangan ng remembrance nito!" Masiglang nilabas ni Cherry ang phone niya at itinapat sakin ang camera nito. Napasimangot naman ako. Ano na namang balak nitong babaeng 'to?

"Lights, camera, action!" Mukhang in-on niya yung video settings at umilaw ang flash ng phone niya. "Today, October 15, 20xx, ang first ever date namin ni Yoongi! Yippiee! Magdiwang tayo! Eeep! Kinikilig ako!" Irit pa nito saka itinapat niya ang camera sa mukha niya bago muling i-focus sakin. Tawa pa rin siya ng tawa. I can't help but laugh at her silliness! She's f*ckin, cute! D*mn it! "Uy! Tumatawa ang bebe ko!" Hindi niya pa rin inaalis ang pagkakatutok ng phone camera niya sa mukha ko. "Dinala nga pala ko ni Yoongi sa arcade ngayon!" Excited niyang kwento sa ngayo'y nakatutok na sa kanyang camera. "Super enjoy ako! Lalo na't ang weak pala ni Yoongi sa Tekken! Wahahaha! Ipapakita ko sa inyo ang poging-pogi na si Yoongi Min na wala man lang naipanalong round laban sakin. Eto po siya, mga kababayan!" Nakangising saad pa niya saka dahan-dahang itinatapat sakin ang camera habang ginagaya niya ang tunog drum roll. "Dugudugudugudugu! Aww! Bakit nakasimangot si Yoongi bebe!?" Nakangusong tanong nito, hindi pa rin inaalis ang focus ng camera sakin, pero halata mong tuwang-tuwa siya na nakasimangot ako. "PFT! Okay lang yan Yoongi, kahit loser ka, crush pa rin kita! Wahaha!" Asar niya pa sakin.

"Ang daya."

Nakita kong kumunot ang noo ni Cherry. "Anong madaya?"

"Crush mo pa lang ako... pero mahal na kita."

Feeler Much?! [BTS Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon