"A--ahmm, let me try young master. You need to calm down, okay?"




Napatingin ako kay Lady Heavenhell nang magsalita siya at talagang hinawakan niya pa ang kamay ni boss na may hawak na baril! Oh my! She's so brave!




Nakita namin na kumatok si milady sa may pinto atsaka malambing na nagsalita.




"Cabell, big sis is here. Can you open the door and let me in?"




'W--wow! She sounds so nice! But young master Cabell is not like a kid that can be coaxed by anyone.'




"My lady, young master Cabell will not listen even if you do––" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig na bumukas ang pinto.




Us: "O_O"



'Wha--what the hell?!'




Ako lang ba ang hindi makapaniwala na si young master Cabell na tinalo pa ang babae sa sobrang hirap suyuin ay binuksan ang pinto nang ganon lang?! Take note, hindi man lang nagtagal ng isang minuto bago magbukas ang pinto, samantalang kami ay kanina pa nandito ay wala man lang natanggap na kahit anong salita. Maski 'get lost' na word ay wala!




Kinalma ko na lang ang sarili bago tumingin kay boss na tahimik na naghihintay sa may tapat ng pinto. Mukhang magkakilala na si Young master Cabell at Lady Heavenhell kaya dinala ni boss si milady dito.




Ibig sabihin kahit kanselado na ang kasal ni milady at boss ay nagkikita pa rin sila? Well, hindi naman nakakapagtaka kung magkita pa sila dahil noon pa man ay kahit saan magpunta si boss ay lagi kong nahuhuli si Lady Heavenhell na nakasunod.




Pero lately ay napapansin ko na may nagbago na sa routine namin ni boss. Noon kasi ay palaging ako ang nag-uutos sa mga tauhan sa pagtataboy kay milady pero ngayon ay hindi ko na siya nakikita sa paligid.




Kaya naman nagulat ako nang makita ulit siya sa birthday banquet ni Lord Caventry. She's a goddess that day like no one else comes close to her elegance!




Ang pinaka-nakakabilib pa sa ginawa ni milady ay yung performance niya! Damn! That song got me shocked! Lagi nga akong lumilingon kay boss baka sakaling may makitang reaksyon sa mukha niya, but as usual ay para lang siyang bato na nakatingin kay milady habang kumakanta.




'Heh! Ano kaya ang feeling na kantahan ng babae tapos yung lyrics ay nakalaan talaga sa'yo? Hmm... Pa-experience naman oh! Ayaw ni boss, kaya mabuti sa'kin na lang mangyari hehehe!'




Napatigil ako sa pag-iisip nang bumukas na ang pinto at doon lumabas si milady habang buhat-buhat si Young master Cabell. Holy cow! Kakaiba na talaga ang mga nangyayari at kahit ako na matalino ay nabobobo!




"I'll bring him to the kitchen, where is it?" tanong nito kay boss D. Napatahimik na lang ako at ang ibang tauhan at hinayaan silang makapag-usap.




"You'll cook?" seryoso na tanong ni boss.




"Yeah." bored na sagot ni milady.




"Alright, let's go."




Nakatulala lang kaming lahat hanggang sa mapagtanto namin na wala na pala sila boss sa harap namin.




'Damn! What a show!'





HEAVENHELL'S POV




Nang makarating na kami sa kusina ay halos tumulo ang laway ko sa pagnganga nang makita kung gaano kalaki ang lugar. Geez! Parang sa laki nito ay nasa main kitchen kami ng isang five star restaurant!




Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWo Geschichten leben. Entdecke jetzt