Chapter 26

69 8 0
                                    

Kat's Note: Last chapter!Next is the epilogue, kaya kapit lungs!

Pyxis

Nagkatinginan kami ni Carter saka dali dali niyang hinawakan ang kamay ko at naghanap ng pwedeng weapon sa mga infected. Nakakita siya ng tubo na gawa sa metal kaya agad niya itong kinuha.

Pagkalabas, naabutan namin si Gregory. "Thank heavens you're safe!Papunta na ang mga sundalo mula sa facility, susunduin na nila tayo. They'll come thirty minutes from now and wait outside for 10 minutes. Pag wala nang lumabas, pasasabugin na nila ang lab. For now, let's control the number of the infecteds entering the premises while I go to Peter to save the vaccines," saad niya na agad naming tinanguan ni Carter. Dali dali siyang umalis at saka ko napansin na may dala dala palang kahoy si Gregory nang ihampas niya ito sa infected na sumugod sa kanya.

Lumihis kami sa pinuntahan ni Gregory at nagpatuloy sa paglalakad. Hawak pa din ni Carter ang kamay ko habang sa kabila ay nakahanda ang tubong metal sa mga infected na sakaling susugod.

"Carter, we need to go outside," pagpapaalala ko.

"I know," saad niya saka mas hinigpitan ang paghawak sa kamay ko.

Nahagip ng mata ko ang isang metal na tubo, mas manipis ngunit mas mahaba sa hawak ni Carter. Agad ko itong kinuha. Ayokong maging pabigat sa kanya kaya naman lalaban din ako kung sakali man.

Nakarating kami sa second floor at laking panlulumo ko nang makita ang sitwasyon rito. Gaya nga ng iniisip ko, may vaccine man, mataas pa din ang porsyentong kainin ang mga normal na tao ng infected. At yun ang nangyari rito.

Napatakip ako ng bibig habang pinipigilan ang sariling wag sumuka habang tinitingnan ang mga nagkalasog lasog na katawan. Halo halo na ang katawan ng mga infected at hindi. May nga nakikita akong humihinga pa, pero sa estado ng katawan nila tingin ko ay hindi na sila aabot pa.

Nagpatuloy kami ni Carter sa paglakad. Maingat pero may pagmamadali lalo na at malapit na ang pagdating ng mga sundalo mula sa facility. Hindi kami pwedeng maiwan. May pangako kami kina Yez.

Nakarating kami sa hagdanan papuntang ground floor. Hindi namin pwedeng irisk ang sarili namin sa pagsakay sa elevator dahil mataas ang tsansang sira na iyon sa mga oras na to kaya pinili naming dalawa na maghagdan nalang.

Palakad palang sana kami nang makita namin ang mga grupo ng infecteds na sumusugod papunta sa amin. Mula ito sa magkabilang gilid namin at wala sa hagdan. Kaso sigurado mahahabol pa din kami nito sa dami nila kung sakali mang tumakbo kami. Kung lalaban naman kami, tingin ko hindi kami makakasurvive dahil sa dami nila.

"Pyxis, takbo," bulong ni Carter.

"Ha?" naguguluhan kong tanong.

"I'll distract them. Now go."mas lumamig ang boses ni Carter. Napaluha ako sa mga sinabi niya. Hindi ko siya pwedeng iwan. Sabay kaming aalis.

"Sasama ako. Lalaban tayo,"

"You know that we won't make it if we both fight. Go now Pyxis, go!" sigaw niya saka tinulak ako pababang hagdan. Gumulong ako pababa pero mabilis nakatayo. Tiningnan ko si Carter habang pilit nilalabanan lahat ng infected na papunta sa kanya.

Umiiyak man, wala akong choice kundi iwanan si Carter at tumakbo palabas. Pagkakita sa akin ng mga sundalo, dali dali nila akong pinaakyat sa taas ng truck. Naabutan ko doon si Gregory, Peter at iilan nalang tao sa research lab.

"Pyxis, nasaan si Carter?" Gregory asked. I looked at him with swollen eyes enough for him to deduce what happened. Napayuko nalang siya habang nagaantay ang mga sundalo.

Napatingin ako sa facility. Umaasa na baka makalabas pa si Carter. Siya naman kasi ang nagsabi na hindi masama ang umasa. To hope for the best. Baka, buhay pa siya di ba?

Napapikit ako habang pilit nagdarasal. Sana ibigay Niyo na to sakin. Kahit si Carter nalang. Namatay na yung mga magulang ko, wag naman si Carter. Utang na loob wag po si Carter.

Parang sobrang bagal ng oras habang nagaantay sa mga normal na tao na may lumabas pa. Ang ilan kasing infected, pinagbababaril ng mga sundalo.

Hindi parin nawawala ang pag-asa ko, pero unti unti na itong nauupos. Bawat minutong lumilipas na walang Carter na lumalabas parang unti unti akong nawawalan ng pag-asa.

"3...2...1," bilang ng mga tao na kasama ko sa truck. Tuluyan nang gumuho ang pag-asa ko dahil sa natitirang segundo, wala pa din si Carter. Bigla akong nabingi sa mga pangyayari habang naghahagis ng bomba ang mga sundalo. Wala na. Wala na talaga si Carter.

Wala akong nagawa kundi humagulgol habang nakatingin ngayon sa nasusunog na lab. Magmula ngayon, kailangan ko nang mabuhay ng walang Carter sa tabi ko. Bagay na nakasanayan ko na simula pa noon.

----

Sweet Treats[COMPLETED]Where stories live. Discover now