"Dito tayo-" natampal ko ang kamay ni Yra na humatak sa braso ko dahil sa sakit

"S-sorry, masakit lang kase." mahinang sabi ko sabay ngiti sakanya

"Patingin ako ng braso mo, Tashia." wila niya sabay pilit hablot ng braso ko

Pagtaas niya ng pakpak ng uniform ko ay tumambad sa kanya ang pasang braso ko. Tinitigan nila ito ni Yohan ng ilang segundo bago tumitig sa mukha ko.

"Tashia ano to?!" tanong ni Yra

"W-wala yan nabangga ko lang sa pinto." lie

"Gaga! Walang nagkakapasa ng ganyan pagna-bangga sa pinto!"

"Sino'ng gumawa niyan, Tashia?" seryosong tanong naman ni Luis

"Wala nga kase!" sigaw ko sakanila at naglakad palayo

Rinig na rinig ko ang pagtawag ni Yta sa pangalan ko pero ayoko namang problemahin pa nila ang problema ko, hanggang kaya ko ay sosolohin ko.

Pumunta ako sa bathroom cubicle kung saan nag-uunahang malaglag ang luha ko. Ewan ko ba kung bakit nasasaktan pa'ko sa paulit-ulit na sumbat at pananakit ni mama eh dapat nga masanay na'ko. Hindi ko rin alam kung bakit sobra yung galit niya saakin pero wala eh, kahit anong pilit ko na itanong sakanya yon, wala parin akong makuhang sagot.

Naghilamos ako ng mukha bago lumabas pero nagulat naman ako sa nakasalubong ko. Si Garret na mukhang naiirita, dumapo naman saakin ang tingin niya pero binalewala ko iyon at maglalakad na sana nang...

"Anastasia Celine Romero, right?" rinig kong tanong niya

Nakatingin naman ako sakanya, nagtataka kung pa'no niya nalaman ang pangalan ko.

"Your name's Anastasia, right?" tanong niya ulit

"Oo, bakit?" kabang tanong ko naman

I felt him pull my arms and gave me a hug. I looked up to his face and he's already smiling but looking somewhere else. Tinitigan ko kung saan nakabaling ang atensiyon niya at nakita ko roon si Elen na nakatingin sa kinatatayuan namin ni Garret. Sinubukan ko siyang itulak pero masyadong mahigpit ang paghawak niya saakin. Rinig ko naman ang bulong ng mga kasama ni Elen.

"Jeez! Binusted kalang para sa poor piece? Nakaka-dissapoint naman siya, Elen!" sarkastiko niyang wika

Nagpatuloy silang maglakad at noong wala na sila sy binitawan na'ko ni Garret. Aalis na talaga ako ng hapitin niya bigla ang braso ko.

"Ano nanaman?!" inis na sigaw ko

"Give me your address, susunduin kita bukas." seyosong saad niya

"Alam mo kung bored ka go somewhere fun, hindi yung ako yung tri-tripan mo." sabi ko sakanya

"Just give me your address." ulit niya

"I'm sorry, hindi ako interesado." I flipped him off and gave him a sarcastic smile before walking away

Bwesit niya balak pa ata ako idamay sa away magjowa nila ni Elen na yon. Kahapon ko lang rin narinig sa mga kaklase namin na baka raw 'rebound' lang ako ni Garret kase nagka-lq raw sila. Ewan ko ba sa kanila, porket mga kilala sa school andami ng drama sa life!

Pagbalik ko sa classroom ay nakita ko naman si Zoren na naga-abang sa labas.

"Hey." sabi niya

Hindi ako nagsalita at dumiretso sa loob ng classroom. Bahala rin siya sa buhay niya, akala mo naman kung sino para sitahin ako kahapon. Naiinis ako sa mga tap ngayon, ewan ko ba kung bakit.

Nagsimula na yung klase namin pero hindi parin ako maka-focus, ilang beses rin ako natanong ng teacher pero buti lang at nakapag-review ako kaya nakasagot ako sa ilang tanong niya. Nakita ko naman ang tingin ni Yra saakin at halatang parang naga-alala ito saakin kaya binigyan ko nalang siya ng ngiti. Hindi ko sinasadyang masigawan sila ni Luis kanina pero ayaw ko lang talaga silang problemahin ako.

Bangag ako buong ara, may mga subjects din na wala akong maintindihan dahil nga sa gusto ko ng matulog. Maghahating gabi na'kong nakauwi kagabi kase nag-overtime ako dahil extra kita rin yon. Pagkatapos ng klase ay agad akong naglakad papuntang labasan ng school ng makasalubong ko ang isang grupo ng mga babaeng studyante.

"Anastasia Celine? Your name doesn't even suits you just like how you don't suit with Garret." sabi ng isa rito

"Excuse me, hindi ko kayo kilala." wika ko at naglakad nalang palayo

"You're just a piece of toy to him, you bitch!" pahabol na sigaw pa ng babae

Hindi ko alam na ganito na pala ako ka popular ngayon dahil sa nangyari kahapon. Andami ko ng problema sa bahay dadagdag paba to? Nakita kong nakatingin sila Yra saakin pero hindi na ako nag-abala na kausapin sila. Nilapitan naman ako no Zoren at inaya akong sumabay nalang sa motor niya.

Noong nasa labas na kami ay kita ko ang nakatayo na si Garret na may kasamang mga lalake sa likuran niya. Nakita ko siyang naglakad patungo saamin ni Zoren kaya agad naman akong lumayo.

"Tashia!" tawag niya saakin

Lumingon ako sa kanya ng hinila niya ako kaya nalapag ko bigla ang katawan ko sa kanya. Ramdam ko ang matipuno niyang katawan kaya agad naman akong lumayo at nang tignan ko ang mukha niya napakaseryoso nito pero bigla nalamang akong mas lumayo dahil may humila sa braso ko mula sa likod. Tinignan ko kung sino iyon at nakita ko si Zoren na nakatitig sa mukha ni Garret.Linibot ko ang akinh paningin sa paligid at nakita ko ang mga titig ng ibat-ibang estudyante saamin.

"Zoren, tara na." pukaw ko sakanyaLumingon siya saakin at hinila na ako para lumakad pero hinawakan ni Garret ang kabilanv braso ko

"She's coming with me." matigas na wika niya kaya napalingon si Zoren

"Ano bang gusto mo ha? Saakin niya gusto umangkas pre, umalis kana." sagot naman niya

"I didn't heard her say that." balik naman ni Garret

"Sige sabihin mo Tashia kung kanino ka sasabay." sabi ni Zoren

"Uh, ano, k-kay Zoren ako sasabay." pagsalita ko naman at hinablot na si Zoren palayo

Narating namin ang motor niya at agad akonv sumakay roon at pinaandar niya naman ito. Nadaanan namin ang mga studyante na panay ang tingin saaming dalawa pero nahagip ng mata ko si Elen at Garret na nakatitig saakin sa magkaibanv pwesto.

Dyusko ano ba ang napasok ko?!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Captivated Where stories live. Discover now