Chapter 2

0 0 0
                                    

TW: physical abuse

Pagka-uwi ko ay agad kong narinig ang iyak ni Zy kaya agad akong pumunta sa kwarto niya. Nakita ko roon si Mama may hawak na sinturon habang pinapagalitan at pinapalo si Zy.

"H'wag mong sasabihin na walang pera na ibinilin sayo ng ama mo ha!" sigaw niya rito

Lumapit naman ako sa kaniya para tumigil na pero pati ako ay tinulak niya palayo.

"Ikaw?! Nasaan na ang pera ng tatay nito?!" turo niya kay Zy "H'wag niyo akong lolokohin dahil sinabi ng putanginang yon na meron siyang ibinilin dito!" galit na sigaw niya

"Ano ba ma?! Itigil mo naman yan oh, wala kaming nakuhang pera galing kanino!" balik ko sakanya

Sinabunutan niya'ko at sinampal habang patuloy na nagmumura. Tinignan ko naman si Zyron na umiiyak lang sa gilid habang nakatingin saamin.

"Kung hindi kase dahil sa'yong gaga ka, hindi niya kami iiwan!" ilang sampal pa ang inabot ko bago niya'ko pinakawalan non

"Bakit ma? Bakit ba hindi mo matanggap na ayaw niya sayo?! Bakit palaging ako ma?!" naiiyak na wika ko

"Tigilan mo ang kaartehan mo Anastasia, umalis kana at hanapan mo'ko ng pera. Mga walang kwenta kayo." sabi nito sabay labas ng kwarto

Agad ko namang nilapitan si Zyron at pinatahan. Niyakap niya ako habang tinitignan ko ang mga marka ng sinturong pinalo ni mama.

Nasa 'Market Shop' na'ko ngayon, bale nagtratrabaho na'ko. Dito ako nakakakuha ng pera dahil wala naman akong maasahan kay mama. Hindi man kalakihan ang sweldo pero mabuti rin kase bawat linggo may pera ako.

"Tashia! How's the life going, girl? Parang pasan mo ang langit ah, may nangyari ba? Chika mo dali, nakikinig ako." rinig kong sabi ng katrabaho ko

"Ah wala naman, iniisip ko lang yong test bukas." pagsisinungaling ko

"Osige, teka, test ba talaga o bebus yan?" natatawang tanong niya

"Bebus? Ano yon?"

"Bebus, boylets, lalake! May crush ka'no? Chika mo nayan kase." lumapit siya tsaka inusog ako

"W-wala naman akong ganon."

"Oh sure kana dyan? Sige na kase!" pagpipilit nito

"Sige na nga! Ano kase uh, m-may humalik kanina sa'kin." nahihiyang wika ko

"Who's the lucky guy?!! Ikaw Tashia ah!" tukso nito

"Senior sa campus namin, boyfriend ng lahat." pagbibiro ko

"Oh my god! Jackpot girl, kaso baka may kaagaw ka riyan."

"Wala noh! Hindi ko naman siya gusto tsaka kanina ko lang nakilala." sagot ko

"Kakakilala mo palang hinalikan kana agad?! Galing mo naman pumili, Tashia!" sigaw nito na ikinatingin ng mga costumers saamin

"Shh! Ang ingay mo tsaka hindi naman seryoso yon kaya hayaan mo na!" sita ko

"Diyan nagsisimula ang lahat sa hayaan mo na Tashia! Basta updat mo'ko ha!" natatawang sabi nito at umalis na sa harapan ko

Sa totoo lang hindi ko maalis sa isip ko ang mga nangyare kanina. May humalik saakin, chismis, away, at si mama. Ansakit sa ulo ng araw na'to.

Maaga akong nakapasok ngayon dahil dumating si Tiya Mercy para mabantayan niya si Zy. Wala yung professor namin for 2 hours kaya may time kami para lumibot. This time kasama ko sina Luis at Yra, asaran lang ng asaran ang ginawa ng dalawang to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Captivated Where stories live. Discover now