Chapter 1

1 0 0
                                    


Tinanghali ako ng gising ngayon kaya late na'ko at kasalukuyang nag-aantay ng masasakyan na jeep papuntang school. Ng makarating ako sa eskwelahan ay nakita kong hindi na gaano karaming studyante ang papasok ng gate. Naglakad ako papuntang classroom noong makasalubong ko yung isang classmate ko rin.

"Late ka? First time ah." natatawang wika ni Vince

"Nilagnat kase si Zy tsaka di nakauwi si mama."

Pumasok na kami sa classroom kung saan nagsimula nang magklase ang teacher namin. Masamang tingin naman ang inabot ko kay Yra.

"Ba't late ka? Di nanaman dumating si mudrakels mo?" tanong niya

"Mhm, may lagnat din kase si Zy." sagot ko at umupo na

"Parang ikaw na ang nanay niyan ah, ano ba naman Tashia kailan ba naman magiging responsable si Tita?" napalakas ang boses ni Yra roon

"Girls, do you have anything to share with the class? And you Miss Romero, you're late kaya umayos ka." Mataray na sabi ng teacher namin

"Sorry po miss," kinurot ko naman sa tagiliran si Yra "ano kaba? Ang bunganga mo talaga napaka ano."

Inirapan niya lang ako at tinuon ang atensyion sa pagdidiskusyon ni miss. Aware naman ako sa inis ni Yra sa nanay ko, hindi siya umuuwi palagi at kung nasa bahay naman sermon at pagwawala lang ang ginagawa. Wala naman akong magawa kundi magtiis, wala naman akong malapitan o masungbungan ng sama ng loob kundi sa mga kaibigan ko lang. Hindi ko rin nakilala yung tatay ko magmula bata pa pero si Zy kilala ko yung tatay niya kaso isa rin yon sa pinaka-ayaw kong tao. Ayaw niya panagutan si nanay kase p*kp*k lang naman raw siya, napaka walang hiya.

"Jusko, hindi ba marunong mapagod mga teacher dito? Tangina, pinapagawa kami ng popsicle sticks na bahay na mas malaki pa sa bag mo Ches!" reklamo ni Luis

"Tamad kalang talaga gumawa! Di ka nga nakapasa sa test mo kay Sir Alparo eh, fyi ako nagcheck ng paper mo." sabi ni Cheska

"Seryoso kaba?" kabang tanong naman ni Luis

"Shempre! Ikaw nga yung pinakamababa sa lahat eh." asar pa ni Cheska

"Kukutusan kita pagnagsisinungaling ka, makinita mo talaga." sabi nito

Tinawanan lang namin sila, ewan ko ba kung bakit palaginh nag-aaway 'tong dalawa. Magkaibigan nga eh parang magsa-sparing din maya-maya.

"What do you have for lunch?" tanon naman saakin ni Zoren

"Uh ano kase, hindi ako nakapagbaon kase late na'ko kanina." sagot ko

"Let's go, treat ko." wila niya at lalakad na sana kami kaso

"Hoy! Zoren ah, treat-treat mo si Tashia kami hindi? Sama mo naman kami diyan, diba?" angal no Yra

"Oo nga naman pre." sang-ayon ni Luis

"May baon kayo diba? Yan yung kainin niyo." sagot ni Zoren at agad na naglakad kaya sumunod ako

Natawa nalang ako sa itsura nila Luis dahil parang lukot na papel ito. Ng makapasok naman kami ng canteen ay agad akong tinanong ni Zoren kung ano raw yung gusto ko.

"Chicken nalang yung akin tsaka rice." nahihiyang sabi ko

"That's all?" curios na tanong nito

"Oo, yon lang."

Tumango lang siya at nag-order narin tsaka nagbayad. Dinala namin ito pabalik sa room dahil wala narin namang pwesto doon sa canteen.

Pagdating roon ay agad kong narinig ang kantyaw nila Yra. Halatang naiinis ang mga ito.

Captivated Where stories live. Discover now