Chapter 53

3K 56 0
                                    

MABILIS NA BINUKSAN ko ang pintuan ng bahay sa pag-aakala kong si Kiko ang dumating pero pakiramdam ko ay nanigas ako at pakiramdam ko ay sumakit ang dibdib ko nang makita ko kung sino ang nasa pintuan ng bahay.

My world stopped spinning and my whole body stiffened. Same with the person who was standing infront of me, but it only took her a couple of seconds. She immediately hugged me and kissed my head.

"Oh my, God! Tini!" masaya at nanginginig na saad niya sa akin. Pakiramdam ko ay tila sinasaksak ang dibdib ko sa halo-halong emosyon. "Oh my, God!" pag-uulit pa niya.

Nagulat ako nang marinig ko ang hagulgol niya. Kumalas siya sa yakapan namin at hinaplos ang mukha ko. Her teardrops fell while touching my face. "Oh my, God. Ikaw nga talaga . . . I missed you, sister," she mumbled like she was talking to herself.

My teardrops fell when I felt her soft palms touched my face once again. "Ate Angeleena. . . " mahinang tawag ko sa pangapan ng babaeng unang minahal ni Kiko. Ang babaeng hindi ko magawang kamuhian.

How could I hurt her when she was always warm with me?

Tumango siya sa akin at tila natutuwa na nginitian ako. "Ang ganda ganda mo pa rin. Namiss kita!" saad niya sa akin at niyakap ulit ako.

Nanigas na naman ako sa kinatatayuan ko habang niyayakap niya ako. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa ngayon. I was happy because I saw her again, I was sad because of our past and painfully enough, I was scared. . . scared because even though Kiko said that he loved me. . . I couldn't trust him fully. Natatakot akong nandito na naman si ate. . . ganito rin kasi noon.

Masaya kami ni Kiko pero. . . noong dumating si ate ay bigla na lamang ako nawala sa buhay ni Kiko.

Nawala ang pag-iisip ko nang halikan ni ate ang noo ko. I shook my head and smiled warmly. "Ate. . . pasok ka," nag-aalangan na saad ko.

Tumango siya at ngumiti pero alam kong may ideya na siya kung ano mang mayroon sa amin ni Kiko ngayon. Lalo na nang makita na niya ang malaking litrato ko sa dingding.

She smiled warmly at me once again.

"Ate kukuhanan lang kita ng maiinom——" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may batang masayang tumakbo sa gawi namin.

"Mommy!" malakas na sigaw ni Nico at niyakap ang kapatid ko. "Mommy!" masayang saad ni Nico.

Natatawang binuhat ni ate si Nico at hinalikan nito ang pisngi ni Nico. Ngumiti ako dahil doon at tsaka pumunta sa kusina para ipaghanda ang kapatid ko ng merienda.

Nanginginig pa rin ang buong katawan ko pero natigilan ako nang makita ko si Ajani na lumuluha habang may hawak-hawak na celery at umiiyak sa gilid.

Mabilis na tinungo ko ang gawi ng anak ko at umupo para magkatapat kami. "Why are you crying, baby?" tanong ko.

Ajani sniffed and took a bite of his food. He pouted and looked away. I smiled because of that pero hindi ako pwedeng magpadala sa ka-cute-an ng anak ko. "Bakit ka umiiyak?" tanong ko ulit.

"I heard kuya Nico. . . sabi niya "mommy", Mama. Aalis na ba siya?" tanong niya sa akin.

Ngumiti ako dahil doon at binuhat ang anak ko. Isinayaw ko ng marahan ang anak ko. "Hindi, anak. . . " mahinang saad ko para pakalmahin kahit na ang totoo ay natakot ako sa tanong ni Ajani sa akin. 

Natatakot din ako na baka kunin ni ate si Nico. Mahal ko na ang bata. . . alam kong anak na ang turing ko sa kaniya at malulungkot ako kapag kinuha siya sa amin pero alam ko rin naman na wala akong karapatan para pigilan man si ate kung sakali.

Every Little Piece Of MeWhere stories live. Discover now