23

390 26 12
                                    

xxiii.

Inirapan ko lang si Jay sa banat niya, uso pa ba yun ngayon?

Bigla niyang nilakasan ang pag palo sa may clay kaya tumalsik sakanya ang konting dumi, bahagya akong napahalakhak dahil doon. Hindi man niya nagawang punasan ang dumi sa may bandang mata niya dahil marumi din ang kamay nito.

Kinuha ko ang panyo ko saka pinunasan iyon, but when I was done wiping the dirt saka ko lang narealize na sobrang lapit pala namin sa isa't isa.

Kumalabog ng matindi ang puso ko, tipong mararamdaman niya iyon kung patuloy akong magiging malapit sakaniya. Agad akong lumayo at umayos ng upo, nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagkagat niya ng labi at pagpipigil ng mga ngiti.

Ilang minuto pa ay hindi na niya ulit hinahawakan ang clay kaya napatingin ako sakaniya.

"B-Bakit hindi mo pa ginagawa yan? Nagsasayang ka ng oras." puna ko.

Bumuntong hininga siya, "Kinakalma ko muna ang sarili ko, baka kasi ikaw ang mai-hulma ko dito." kindat niya.

Ngumiwi ako sa banat niya at kumuha ulit ng panibagong clay para gumawa ng sarili ko, kung hindi man matapos ni Jay ang ginagawa nya dahil sa kapabebehan niya atleast ay may maipapasa kami.

Nag unat-unat ako saka tinignan na ang ginagawa ni Jay, seryoso na siya ngayon sa pagkukulay ng ginawa niyang flower base. Not bad, dahil para talaga iyong flower vase.

"Don't stare at me too much, I will be out of focus." sambit niya nang hindi akon nililingon.

Umirap ulit ako saka na pinagpatuloy ang ginagawa kong bulaklak, maliit lang ito pero mukha talaga siyang bulaklak. Proud ako sa sarili ko dahil nakagawa ako ng ganito all by myself.

Nauna akong natapos kaysa kay Jay, nguni't patapos na rin siya kaya hinintay ko na bago namin ipa check sa teacher. His straight nose, his serious eyes focusing on what he was doing makes him attractive.

"Did you fell inlove already?" tanong nya habang nakangiti.

Nag iwas ako ng tingin, "Saan?"

"Sa akin." hindi ko inaasahan ang sagot niya kaya napangiwi ako sakaniya.

"Hindi kita type no! Letche, kapal ng mukha." sabi ko.

Nagtaas niya ng kilay sa akin at sumeryoso ang aura nya, did I offend him? Bakit? Totoo naman eh, hindi ko naman talaga siya type.

Natapos ang subject namin saka na kami nakapagpass noong ceramic, iluluto daw muna iyon ng teacher namin bago ibigay sa amin para maiuwi.

Sinabayan ako ni Jay saka nakanguso parin itong naglalakad sa gilid ko, marami ang humihila sakaniya para pigilan siya maglakad pero hindi siya nagpa-awat.

"Bakit mo ba ako sinusundan? May mga naghahabol sa'yo oh." sabay turo ko sa mga babae sa may lobby na parang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil rineject sila ni Jay.

"Hayaan mo sila, hindi ko naman sila priority eh." aniya. "Because you're the one I want to prioririze forever." aniya.

Umirap ako at naglakad palayo, hindi iyon nakakakilig. Ang cringe! Hindi ba sya nandidiri sa mga pinagsasabi niya o ano?

Nakita kong nakasunod lang ang tingin ni Jay sa akin hanggang makapasok na ako ng kanto namin. Naglakad na ako pauwi saka agad na pumasok sa loob ng bahay nang makita ko si Nanay na nakahilata sa may kusina. Sunog na sunog na ang kanin na isinaing niya kaya agad ko itong pinatay at binaba ang bag ko.

Pinulsuhan ko si Nanay at naramdaman ko ang mahinang magpintig ng puso niya. Lumabas ako sa bahay at dumiretso sa bakery na umiiyak,

"T-Tito Allan!" tawag ko sa kusina.

Lumabas siyang nagmamadali, "Bakit Kamille? May nangyari ba? Bakit ka umiiyak?"

"T-Tito, si Nanay po kasi eh!" iyak ko ulit.

Agad naman itong tumakbo palabas ng bakery at lumipat sa amin, nakita niya parin ang nakahilatang si Nanay habang ako ay hindi matigil sa pag iyak. Binuhat ni Tito Allan si Nanay sa may sofa,

"Tumawag ka ng tricycle sa may kanto!" utos ni Tito.

Agad naman akong tumakbo sa may kanto pero walang namamasada, agad kong tinawagan si Jay para humingi ng tulong.

"Hello? Namiss mo ba ako-"

"Jay! Tulong please, please, please."  iyak ko.

"Ano nangyari? Nasaan ka? Pupuntahan kita." sambit niya.

Sobra nang tumutulo ang luha ko, Nanay really did overworked herself. Alam ko iyon, mula sa umaga ng pagtitinda niya, sa tanghali nang pag ta-trabaho sa bahay, at pag aalalaga sa amin, halos wala na siyang pahinga pati na rin si Tatay na maagang nagta-trabaho at gabi na rin umuuwi.

"S-Si Nanay kasi eh-"

"Alright, wait me there." aniya.

Tumakbo akong bumalik sa bahay, pinapaypayan ni Tito Allan si Nanay kaya napatingin sa akin si Tito,

"Nasaan na ang tricycle?"

"T-Tito wala na po kasing available kaya tinawagan ko na po si Jay..." sagot ko.

Tumango siya, "Dapat mabilis na maihatid sa hospital ng Nanay mo kundi, hindi ko na alam ang mangyayari." aniya.

Lalo akong napahagulgol, hindi ko pa kayang mawala si Nanay. Hindi pa pwede! Hindi pa! Lumapit ako kay Nanay at hinawakan ang kamay niya, mahina parin ang pintig ng puso niya kaya lalo akong nag alala.

Dumating si Jay at agad naman nilang binuhat si Nanay papasok ng van. Mabilis na pinaandar ng butler ni Jay ang van upang agad kaming makarating sa may hospital.

"Anong walang available? Kita niyo nang delikado na ang pintig ng pulso noong tao." naiinis na sabi ni Tito.

"Sorry sir, pero first come first serve po sa emergency ngayon." ani ng nurse.

Hindi parin ako matigil sa pagluha, bakit ba hindi nila unahin si Nanay! Bakit hindi kami priority dito!

"Excuse me, sir." singit ni Jay. "I believe that this is a hospital, and inside the hospital they are curing people. And in a hospital, there is an emergency room, which means the emergency room also curing people." kalmadong sabi niya noong una. "But what the hell are you saying na first come first serve if there is no one inside of that stupid room?!"

"Sir, binayaran po kasi yan for reservation noong VIP-"

"I'll double the reservation payment, also get us one VIP room when she's ready to change her room na. Here's my card, charge it all here." aniya sabay pakita ng isang black card.

Namumugto na ang mga mata ko, hindi ko na alam kung anong mangyayari pero pagod na rin ako. Nagpapasalamat ako ng marami dahil tinulungan kami ni Jay.

Napatingin tuloy ako sakaniya, "I can't pay you immediately." I said. "That's a huge money."

He just smiled, "Pinababayad ko ba sa'yo? Sa inyo? Hindi, besides I am worried also about Tita. Lalo na kung hindi siya ipa-prioritize ngayon, kailan pa?" aniya.

I slowly smiled and opened a soft spot for him. Thank you, Jay. Thank you for a person like you.

Possessive You (Enhypen Series #2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu