06

584 37 14
                                    

vi.

"Madalas ka bang naglalakad pauwi?" tanong niya habang naka focus ang paningin sa may daan.

"O-Oo eh, kaya minsan ginagabi na rin ako." sambit ko.

Tumango siya sa akin, nag para ako nang nasa tapat na kami ng bahay. Pinapapasok ko muna siya sa bahay para makapag miryenda saglit, sinuri niya ang may halamanan ni Nanay saka sumunod sa akin sa loob. Inalis niya ang sapatos niya at lumantad ang puting puting mga medyas nito.

Nadumihan lang ito nang tumapak siya sa may hagdanan namin, nahiya ako doon. He just smiled and said,

"It's fine."

Pinagtimpla siya ni Nanay ng juice at binigyan ng tinapay na bagong bili sa bakery tapat ng bahay. Masaya namant kumain si Jake at nakipag kwentuhan kay Nanay.

"Naku hijo, first time magdala ng lalake dito sa bahay." daldal ni Nanay.

Nabilaukan ako sa sinabi niya, agad akong inabutan ng juice ni Jake at baso pa niya ang gamit. Wala akong choice dahil nabilaukan ako ay kinuha kona iyon at dagling ininom.

"Bakit ba nagmamadali kang kumain ha, Karen? Hindi ka naman aagawan ng pagkain ni pogi!" aniya pa.

Tumawa si Jake kaya napatingin kami sakaniya, "Huwag po kayong mag alala, magkaibigan po kami ni Karen."

Awts, pain, pighati, lumabay. Friendzone.

I admit it, crush ko si Jake. He has the qualifications and standards that I want sa future jowa ko, but I didn't even confessed ay rejected na agad ako.

"Ah? Ganoon ba? Nakakalungkot naman." sambit ni Nanay kaya inawat ko na siya.

Sumisilim na at uuwi na raw si Jake, hinatid ko siya sa may gate at saktong papasok si Tatay. Sinuri niyang mabuti ang kasama ko bago inilipat ang paningin sa akin. Napalunok ako, nagmano si Jake sakaniya saka na nagpaalam na aalis na.

Nang mawala na ito sa paningin namin ay siyang pagtawag sa akin ni Tatay, "Karen." aniya sa madilim na boses.

He never did want me to be with boys, lalo na kung kaming dalawa lang ang magkasama. He' strict and very intimidating not just in looks but in the way he teach me a lesson.

Pumasok ako sa loob ng bahay at yumakap kay Nanay, nag aargumento sila patungkol kay Jake.

"Hinatid lang niya ang anak mo! Anong problema mo?"

"Hinatid? Silang dalawa lang? Alam mong ayaw kong hinahawakan ang anak natin!"

"Mabuting bata iyong si Jake!" sagot ni Nanay.

Hindi ako makahinga sa sitwasyon, maybe it's really a bad thing t he with boys lalo na kung ako lang mag-isa. I understand Tatay for being protective to me lalo na't nag iisa akong anak nila.

Sa gabi ay sa akin tumabi si Nanay, she keep on telling me that it's fine as long na hindi ko maiwawala ang scholar ko at di pababayaan ang studies ko. But honestly, I have no intention of dating anyone not even Jake, my crush.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school, wala akong makausap ni isa because I have no friends, kaya umupo muna ako sa may bench saka nagbasa ng libro patungkol sa accountancy. This is my dream since I was a kid at hindi nagbago iyon.

Habang nagbabasa ako ay bahagyang nagpapanic ang mga estudyante, there are some who's heading towards the gymnasium kaya napapunta din ako upang malaman ang nangyayari.

"Si Jay at si Jake nagsusuntukan!" sambit ng lalake malapit sa may entrance.

Nang pumasok ako ay nakita kong nasa loob ng boxing ring ang dalawa, they are both topless and you can see clearly their shoulder muscles and triceps.

Possessive You (Enhypen Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon