19

460 31 20
                                    

xix.

"Ayos ka lang?" tanong ni Jay sa akin nang nasa library kami pareho.

Hindi ako makasagot, nalulungkot ako, nanghihinayang ako, at disappointed ako! Sobrang baba ng scores ko sa quiz kanina sa Business and Accountancy subject, isa sa mga major ko.

"Hey, it's fine. A low scores on an exam won't degrade you as a person, so cheer up!" pagpapalakas nya ng loob.

Dumating na rin si William saka tumabi kay Jay, "Nako! Na stress ang beauty ko sa haba ng pila!" aniya. "Oh kumain na kayo habang wala pa yung librarian."

Umupo si Benjamin sa tabi ko, "Oh? May beauty ka pala? Patingin nga."

"Tingin mo mukha mo, isa kapang nakaka asar!" gigil niya.

Nakanguso parin ako, Jay keeps on staring me kaya yumuko nalang ako para hindi ko makita. Kasama namin mga kaibigan niya oh? Hindi ba siya nakakaramdam na naiilang na rin ako?

"Malulusaw yan." tawa ni Benjamin.

Pauwi na noong dumaan si Jay sa may room namin saka ako tinignan, umiwas ako ng tingin upang iwas issue na din.

"Do you want this?" turo ni Jay sa isang mocha donut.

"Naur." sagot ni Jake. Umiling din ako.

"What about this?" sa isang matcha donut.

"Naur!" sagot ulit ni Jake. Pinipigilan ko ang sarili kong tumawa, umiling ulit ako.

"This?" sa isang vanilla donut.

Tumango ako. "Naur! This one-"

"Ano kaba! Naur ka ng naur jan walang knorr cubes dito!" inis na sabi ni Jay.

Tumawa ako ng malakas, inubo naman si Benjamin dahil natawa sya habang humihigop ng mikmik. Si William ay humahalak na rin.

Napag isipan kasi nilang mag bonding daw sa isang lakeshore sa may dulo, kaya bumibili na sila ng makakain. Hindi sumama si Ethan dahil patuloy parin ito sa panliligaw yata ka Yvette.

"Consistent yung lokong 'yon, grabe inlove na inlove." kumento nila.

Iniabot sa akin noong babae ang box nguni't agad iyong kinuha ni Jay, "Miss nandito ako, ako yung bumili kaya sa akin mo iabot." aniya.

"Ah? Akala ko kasi alalay niyo kaya-"

"What did you say?" Natakot yata ang tindera sa tono ng pananalita ni Jay.  "Do not insult someone right on my face especially if that person is important to me."

Iniwan na ni Jay ang sukli sa sobrang inis niya, sumakay na kami sa van nila at dumiretso na sa may lake shore. Sobrang ganda ng mga tanawin na nadadaanan namin. Nakakawalang stress.

Buti nalang at half day ngayon kaya naisipan nilang mag yaya, pinagpaalam na rin naman nila ako kay Nanay at Tatay, pumayag naman ang sila as long na uuwi ako bago sumapit ang dilim.

Sobrang ganda ng tanawin nang makarating kami roon, agad naman sinet up ni Ni-ki ang camera niyang dslr saka agad kaming nagpicture. Ang polaroid din ay nilabas at isa isa kaming nagtake ng pictures gamit iyon.

Gusto kong tumulong sa pag aayos ng mga gamit nguni't kaya na daw iyon ng tatlo. Inaya ako ni Ni-ki sa may dulo kung saan mayroong mga dandelions at pinicture-an ako roon.

"Mukha kang nagde-debut, Karen." aniya.

Napaka galing ni Ni-ki pagdating sa mga camera, tipong mukha siyang pro pagdating dito.

Tinawag na kami ni Benjamin para magmiryenda saglit, at nang matapos ay tumugtog na ng violin si Jake, at ng gitara si Jay. Kumakanta sila habang ako ay nakiki jamming sa ganda ng boses nila.

"Banda kami kung di mo alam." ani Ni-Ki.

Tumango ako, they seems and feels like they are really a band. Mga talented ang mga taong ito. Why am I being friends with them if I have nothing?

Nagtatawanan sila habang naglalaro ng board games, tumayo ako para bumalik sa mga dandelions. I just find them pretty, sobrang ganda nila kahit na medyo maliliit lang at mukhang soft.

"You like dandelions?" tanong ni Jay habang sine-set up sa di kalayuan ang speaker.

Tumango ako, "Yep, ang ganda nila."

"Kasing ganda mo." aniya.

Hindi parin ako sanay, it feels like he's just making fun of me. But I can really feel the sincerity of his words. Tumugtog ang Dandelions by Ruth B. Naglakad siya palapit sa akin saka inilahad ang kamay niya, looks like asking for my hand.

Dahan-dahan ko itong inabot. Dinala niya ako sa gitna ng mga dandelions saka unti-unting isinayaw. We looked straight at each other's eyes.

And I've heard of a love t
hat comes once in a lifetime~

And I'm pretty sure that
you are that love of mine~

Ngumiti siya sa akin, hindi ko rin mapigilan ang pagngiti at ang bahagya kong pagtawa.

"The sun will soon set." aniya habang nakatingin sa araw. "Patapos na ang araw, malapit na kitang isauli sa parents mo." aniya. "Ayoko pa."

Cause I'm in a field of dandelions
Wishing on every one that
you'll be mine, mine~

"You're so soft as dandelions." dagdagpa niya, but I keep being silent. Nangingiti lang ako.

And I see forever in your eyes
I feel okay when I see you smile, smile~

"I love it when you smile." umirap ako habang pinipigilang ngumiti. "Huwag mong pigilan, please." panunukso niya.

Wishing on dandelions all of the time
Praying to God that one day you'll be mine
Wishing on dandelions all of the time, all of the time~

"If the dandelions will remind me of you, then I'll take the dandelions with me forever."

"Hoy respeto naman saming walang dalang shawty!" sigaw ni Benjamin.

Umirap si Jay at naglaho ang ngiti, bumitaw na ako kay Jay at nahihiyang tumalikod sakanila. Hindi ko alam ang gagawin ko, basta gusto ko nalang umuwi.

Inupakan ng mahina ni Jay si Benjamin na humahalakhak na ngayon, tawang tawa ito at nakahawak na sa tiyan. Tumatawa na rin si Jake at William, si Ni-ki naman ay inaasar din ang kaibigan.

Bumalik na ako doon kasama ang speaker na dala ni Jay, tumakbo sa akin si Ni-ki upang habulin ang ranbow sa likod ko. Kinuhanan niya ako ng litrato at ipinakita sa akin. Sabay-sabay naming pinanood ang sunset bago na kami nagligpit ng gamit upang umuwi dahil sumisilim na rin.

Ibinaba nila ako sa tapat ng bahay, kumaway sila kay Nanay at iniabot ang 2 box ng donuts na hindi namin naubos kanina.

Nagbihis na ako at kinuha ang cellphone sa bag ko nang may napansin ako. It's a polaroid of me and Jay dancing in the middle of the field of dandelions. I smiled at ibinalik iyon sa loob ng bag.

It's the kind of photograph that I want to keep forever.

Possessive You (Enhypen Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon