Kabanata 14

657 56 5
                                    

"The fourth game will begin here! We will play Bloody Falls!"

"Fuck it." bulong ni Yuan.

"They won't let us rest.." natatawang wika ni Dino.

Tumawa rin si Kalil. "Bloody falls.. anong laro iyon?" Humarap siya sa amin. "Familiar ba sa inyo?"

We all shooked our head. What the hell is bloody falls? Its giving me goosebumps.

"Bloody.." bulong ni Vincent. "Are we going to kill each other?"

Tumawa si Neil. "Maybe.."

"Please come to the falls, everyone!"

What are we going to do? Lalakad na ako nang maalala si Peppa. Lumapit ako sa kaniya at inilahad ang kamay ko. She looked at me and smiled weakly. Tumayo siya pero hindi niya tinanggap ang kamay ko. Alam ko ang nararamdaman niya.

Lumabas kami sa bahay at pumunta sa falls. May malaking papel na nakasabit sa mga puno. May nakasulat doon.

BLOODY FALLS
How to play it?
You need to make the falls red. There's a red paint and you will throw it to the falls. Easy, right? You have 1 hour to finish the game. If you can't finish the game within the time limit... you lose.
1. Remember, to win the game you need to make the falls red. Thats why its bloody falls.
2. There is no such rule in this game.. do whatever you want to win.
3. There's a knife and gun beside the red paint, feel free to use it. It will make the game exciting!
4. If you lose, you die.

"Be ready! Bloody falls will begin in 3..2..1.. Enjoy!"

Nagmadali kaming lumapit sa mga pintura. May kutsilyo nga doon.. at baril, madami. Pero hindi na namin iyon pinansin at nagmadaling bumuhat ng pintura.

"Let's do this." wika ni Yuan.

"Kailangan nating umakyat sa pinakang falls at doon magbuhos ng pintura.." Wika ni Vincent. Sumang-ayon kaming lahat. That's true. Kung dito kami magbubuhos sa sapa ay aabutin kami ng ilang oras bago maging pula ito lahat. Pero kung sa fall namin ibubuhos ay dadaloy ang pintura pababa at mananalo kami!

"But.. the paint is too many.. at.." wika ni Yana at tumingin kay Jamilla. "Hindi makaka-buhat si Jam.."

Napabuntong hininga si Jamilla dahil doon at yumuko. Sa bandang huli ay napagpasyahan namin na mauunang umakyat sa tuktok ng falls ang mga babae at ang mga lalake naman ang magbubuhat ng mga pintura paakyat doon. Hindi naman kalayuan ang tuktok ng falls kaya't narating din namin iyon agad. Pero pagdating namin doon ay agad nanlamig ang buong katawan ko dahil sa nakita.

"Fuck.." bulong ni Dino. Nanghihina rin ako sa nakita pero mas inuna kong lapitan si Peppa. Nakatulala lamang siya pero tulo nang tulo ang mga luha sa kanyang mata.

"Peppa.." naiiyak na tawag ko sa kaniya at niyakap siya. Tumingin ulit ako doon sa harapan. May lamesa doon at may nakalagay na malaking screen. Sa screen na iyon ay may picture. Picture ni Nery na nakahandusay at walang buhay. Puro siya dugo at butas ang kanyang kaliwang bahaging dibdib. Dahil siguro sa pagkakabaril noon, kita na ang kaunti niyang laman.. Natulala ako doon. Bumalik lang ako sa wisyo nang marinig ko ang hikbi ni Peppa.

"Shh.. I'm here.." I hugged her tight.

"Ano.." napatingin kaming lahat kay Rein nang magsalita ito. "May nakasulat sa katawan ni Nery.."

Dahil doon ay lumapit kami doon sa screen. Inalalayan ko si Peppa na makatayo.

"Saan?" Dino asked. Tinuro ni Rein ang bandang braso ni Nery na duguan. May nakaukit doon na salita. Puro dugo iyon kaya hindi masyadong pansin, tila iyon inukit gamit ang kutsilyo.

Binasa ko iyong nakaukit. "Hint.."

"Paano nila nagawa yan kay Nery? Patay na siya tapos.. inukitan pa nila ng ganyan sa katawan! Parang pinatay lang nila ulit siya.."

Hinagod ko ang likod ni Peppa para patahanin siya.

"50 minutes and 18 seconds.."

"Naka 10 minutes agad!" sigaw ni Yana.

"Bakit ang tagal nila?" tanong naman ni Jamilla.

Nasa tuktok kami ng falls at malawak iyon. Kailangan namin ng marami na pintura para maging red ito lahat. Sa nakita ko kaninang pintura sa baba ay sapat na iyon. Kaya naming maligtas lahat dito ng walang patayan na magaganap.

"Sa wakas!" rinig kong sigaw ni Jamilla kaya napatingin ako sa gawi nila. Nandoon na sina Yuan, Bobby, Vincent, Kalil, at Neil. May kanya-kanya silang buhat na pintura. Limang pintura kada sa kanilang lima. Ibig sabihin ay may 25 kaming pintura.

"Nadala nyo lahat?" tanong ni Dino. Pagod silang tumango. Pero agad ding nabato dahil sa nakitang screen sa harapan.

"Holy.." bulong ni Kalil. Ilang mura naman ang narinig kong sabi ni Bobby.

Pinakita rin namin sa kanila ang salitang nakaukit sa walang buhay na katawan ni Nery sa screen.

"Hint?" kunot-noong tanong ni Vincent.

"I think para mas mapabilis ang tapos ng laro?" Sambit ni Yuan. "Pero ano doon ang hint?"

Natahimik kaming lahat dahil doon.

"43 minutes and 59 seconds.."

Bigla kaming natauhan dahil doon at nagtulong tulong na magbuhos ng pintura. Dahil malawak ang falls ay naghanay hanay kami doon at nagbuhos ng tig-iisang pintura.

11 kami at mayroong 25 na pintura. Dahil nakabuhos na kami isa-isa noon ay mayroon na lang kaming 14 na pintura. Nagbuhos ulit kami isa-isa sa mga parte na wala pang pintura, ibig sabihin ay mayroon na lang kaming 3 na pintura.

"Kaunti na lang ang walang pintura at may tatlo pa tayong pintura kaya sasakto lang ang lahat.." sabi ko.

Masayang tumango si Yuan dahil doon. "Let's end this shitty game!"

Umalis na muna kaming mga babae doon at hinayaan na ang mga lalake na sila ang magbuhos doon. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko, si Peppa iyon.

"Hmm?"

"Leriah girl.. do you trust me?"

I nodded. "Of course!" She smiled widely and hugged me.

"Love you bff!" sigaw niya. Napangiti ako dahil doon. At least medyo bumabalik na siya sa dati. Sana si Dino rin..

"Dinola!" nagulat ako nang tawagin ni Peppa si Dino. Lumapit ito sa amin pero tahimik lang siya.

"Why?" she asked. Inakbayan siya ni Peppa.

"Ano ba kayong dalawa! Hindi ako sanay na ganito kayo, parang dati lang kayo lagi mag kasama! Feeling ko nga third wheel ako lagi sa inyo."

Tumingin sa akin si Dino at nginitian lang ako, ginantihan ko ang ngiti niya.

"Fuck you!" nagulat ako dahil sa ingay na narinig namin. What happened? Akala ko mananalo na kami?

Lumapit sa amin ang nag-aalala na si Rein. "Kulang daw ang pintura.." Tila naiiyak na sambit niya.

"Iisa na lang daw ang pintura doon.."

"35 minutes and 30 seconds.."


Pasensya na ghoster si author T^T naging busy lang talaga huhu love you all

DO YOU WANT TO PLAY A GAME?Where stories live. Discover now