Kabanata 10

750 63 7
                                    

Natulala lang ako matapos iyon. Nag-layo layo rin kami sa isa't isa. We don't trust each other now.. just fuck happened. Narito ako ngayon sa kwarto, ang iba ay nasa kusina, nasa sala, nasa banyo. Mabuti na lang at wala pang game. Napabaling ang tingin ko sa pinto nang bumukas iyon.

"Hey." wika ni Yuan. Umupo siya sa kalapit na kama. I smiled at him.

"It became quite here.." he said.

"Naniniwala ka ba na.. isa sa atin ang mastermind nitong game?" I asked. He chuckled.

"Ewan.. gusto kong huwag maniwala, pero hindi ko alam.."

We stayed like that for how long, pero umalis na rin siya dahil may aasikasuhin daw siya. Sino kayang nag-nakaw niyong ginto? Bakit? Totoo kaya na isa sa amin ang mastermind? Lumabas na ako ng kwarto at nadatnan ang mga kaklase na nakatulala. Bumuntong hininga ako. Lumapit ako kina Peppa na nasa kusina. Umupo ako doon sa bakanteng upuan at nangalumbaba. Walang nag-sasalita sa amin, tangin mga pag-hinga lang ang maririnig. Hanggang sa..

"The third game will now begin.. this way please."

Napatayo kaming lahat doon at dali-daling pumunta sa sala kung saan nang-galing ang tunog. Lahat kami ay nadito na, thirteen.. Saan nang-galing iyong boses? Wala namang screen! This way? Saan?

"This way please.." biglang may lumitaw na pinto sa isang pader. What is this? Wala namang pinto diyan kanina..

"Please proceed. The third game will start.."

Si Kalil ang nanguna at binuksan ang pinto. Sinilip ko iyon.. gubat? Gubat! Dahil sa nakita ay nag-takbuhan kaming lahat papasok doon sa pinto. Nasa gubat talaga kami.. anong gagawin namin? Makakauwi naba kami?Umaga pala ngayon.. Napansin ko mayroong lamesa sa gitna.. may mga sumbrelo doon na tila gawa sa bakal. Tapos iyong mga puno.. may nakadikit doon na parang baril!? Anong lalaruin namin? Bakit may mga baril!? Nag-simula na akong kabahan..

"Hello everyone! Did you had fun in our hotel!?"

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses, pero wala! Walang screen ngayon, tanging mga puno lang at iyong lamesa sa gitna. Walang umiimik sa amin. Kalapit ko si Peppa at Yuan, sa gilid nila ay sina Bobby at Nery. Si Dino ay nasa likod lang namin. Si Jamilla at Yana ang mag-kalapit, tapos sa harapan ay si Lance at Kalil. Layo-layo naman sina Vincent, Rein, at Neil.

"Im glad you all had fun!"  biglang tumawa iyong boses. "Do you want to play a game!?"

Nangilabot ang buong katawan ko nang sumigaw iyon. Fuck shit nanginginig ang katawan ko! Kinakabahan ako sa laro ngayon! Napa-upo kaming lahat nang gumalaw ang lupang inaapakan namin. What the hell? May lindol ba?

"Are you okay?" hinawakan ni Peppa ang kamay ko at itinayo ako. I smiled at her.

"I'm okay. Thank you." Tinitigan ko ang lahat para tignan kung ayos lang sila, mabuti naman at walang nasaktan!

"Theres a screen now.." mahinang sabi ni Yuan. Binaling ko ang tingin sa harapan. What? May screen na nga! Saan nang-galing? Sa lupa?!

"Before we start the game, please get one each." wika niyong boses. May lumabas na arrow at nakaturo doon sa lamesang may mga sumbrelo na tila gawa sa bakal. Kumuha kaming lahat niyon. I looked at it carefully. Doon ko napansin na may screen pa lang maliit doon sa taas ng sumbrelo. Napalunok ako. Of course bomba iyon!

"Bakit hindi mo pa sinusuot?" nagulat ako sa tanong ni Yuan. Inagaw niya iyong sumbrelo mula sa akin, at isinuot iyon sa ulo ko. Ang bigat sa ulo!

"Thank you.."

"So now that everyone already put that thing.. I will now announced what you will play." Napatingin ako kay Dino nang hawakan niya ang kamay ko. Pinisil niya iyon, medyo nawala ang kaba ko dahil doon. "You will play Pinoy Henyo!"

Pinoy henyo? Diba iyon 'yung hinuhulaan ang salita? Nabaling ang tingin ko sa screen sa harapan nang may lumabas na salita doon.

PINOY HENYO Mechanics!
1. Magkakaroon ng salita na nakalagay sa sumbrelong isinuot ninyo.
2. Of course kailangan mong malaman kung ano iyon.
3. Paano mo malalaman ang salitang nakalagay sa sumbrelo mo?
*Itatanong mo sa ibang players!
4. Remember, may timer!
5. Kapag natapos ang oras, kailangan ninyong isigaw ang salitang nakalagay sa sumbrelo ninyo.
6. To end the game, you need to finish the three rounds.

"Paano kung mali ang naisigaw namin?" tanong ni Yana.

"Of course sasabog itong sumbrelo na suot natin!" sigaw ni Lance sa kaniya. Bigla na namang tumawa ng nakakakilabot iyong boses sa screen.

"No.. hindi iyan sasabog kapag nag kamali kayo."

"What!? It means walang mamamatay sa amin?"

"Look carefully at the trees, there's a gun there." That's right, iyon din ang napansin ko kanina pa. Totoo ngang baril iyon. "Kapag nag-kamali ka nang isinigaw, that gun will automatic shoot you! Exiting, right?"

Sa totoo lang, nadadalian ako sa game na ito. Itatanong mo lang sa mga kasamahan mo kung ano ang nakasulat sa sumbrelo mo, kaya naming lahat na maka-abot sa third round ng walang namamatay.

"It's easy." Vincent said.

"That's right.. this game is very easy."

"I'm nervous." wika ni Dino. Bigla siyang inakbayan ni Nery.

"Wag kang kabahan Dinola! Madali lang naman!"

"That's right! This is good, walang mamamatay sa atin." sambit ni Bobby.

"Get ready players.. the game will begin in 3...2– oh, wait!"

"What!?" galit na sigaw ni Lance. Biglang tumawa iyong boses galing sa screen.

"Before we start the game.. let me ask a question.. do you trust each other?"

I swallowed hard because of that. Nervousness runs through my body! Walang naka sagot sa tanong na iyon, natahimik ang lahat. Of course we trust each other! No..

"Okay then, the game will now begin!"

Nag-karoon na ng timer sa screen, may nakasulat din doon.

9:59 Remaining time
First round
Category : Animal

Lumapit agad ako kay Dino. "Anong.. nakalagay sa akin?" tanong ko.

"Pusa.. 'yung akin ano?"

Tumingin ako sa sumbrelo niya. "Aso."

We both smiled at each other. I knew it, this game is easy! We can survive! Lumapit si Peppa sa amin, nakangiti siya.

"We will survive for sure!" sambit niya at biglang nag-tatalon talon. Napangiti ako dahil doon.

"Leriah." tawag sa akin ni Vincent. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa amin. Humarap ako sa kaniya.

"Why?"

"Anong.. nakalagay sa akin?"

Tinignan ko ang sumbrelo niya, "Lion." I said while smiling. Nakahinga siya ng maluwag dahil doon.

"Thank you."

Nang matapos ang oras ay isinigaw na naming lahat ang hayop na nakasulat sa sumbrelo nang nakangiti. Ngunit napawi iyon ng dahil sa tunog ng baril. Nag-talsikan ang dugo sa paligid. Lumantad ang katawan ni Lance sa harapan namin, nakamulat pa ang mga mata at nakaawang ang bibig.

"Lance Xavier, out!"

Who lied?

DO YOU WANT TO PLAY A GAME?Where stories live. Discover now