Kabanata 6

856 72 3
                                    

"Dino!" sigaw ko nang makita ko siya. Tumakbo ako palapit sa kaniya. Kumunot ang noo ko nang makitang kaharap niya si Serra.

"What are you doing?" I asked. She faced me.

"I will play, you should too. Tumatakbo ang oras!"

Tumingin ako sa screen sa harapan. 39:58! Ang bilis ng oras! Luminga-linga ako. Sinong kakalabanin ko!? Nagulat ako nang may kumalabit sa akin. Si Kalil. He's a friend.

"W-why?"

Kinamot niya ang batok niya. "Let's play? Uh.. wala akong mahanap na ka-partner, e." he smiled shyly.

Tumango ako. "Okay.." wala naman akong mahanap na ibang partner. Si Yuan nakita ko kaninang kalaban si James, si Bobby naman kay Andrew, si Nery kay Levi, si Peppa kay Jamilla, at Dino kay Serra. I have no choice!

Umupo kami sa lapag. "Game na..?" he asked. I nodded. Huminga muna ako ng malalim. I'm so nervous. Hindi ko inakalang sa simpleng bato-bato pick nakataya ang buhay ko.

All I need is luck.

"Bato-bato pick!" parang nag-slow motion ang paningin ko sa sobrang kaba. Nanlaki ang mata ko. Nanalo ako! I used stone while Kalil used scissor. Tumingin ako sa nakadikit sa parteng malapit sa puso ko. Four na ang nakalagay doon, kay Kalil ay two na lang.

"Malas talaga ako sa ganito." Kalil laughed. I swallowed. Kapag natalo ko siya.. it means I killed him..

"Game na ulit?" he asked, I nodded.

Since kanina ang ginamit ko ay bato, siguro hindi niya maiisip na bato ulit ang gagamitin ko. It's decided then. I will use stone again!

"Bato-bato pick!"

Bumagsak ang balikat ko sa nakita. Talo ako. Nag-papel siya! Paano.. no. Sinuwerte lang siya. It's okay, I still have three lives. It's a tie. But I'm getting scared now. I saw Kalil smirked. It gave me goosebumps!

"Now, I can know what you will use. I can read your mind, Leriah!" he laughed. Shit. He's just bluffing, Leriah! Don't be carried away by him. Kanina nahihiya pa siya, pero ngayon!

"You're just bluffing." I said. He shrugged. "Let's play again." He nodded.

Since kanina ang ginamit ko ay bato.. siguro hindi niya maiisip na iyon ulit ang gagamitin ko, right? But fuck! Paano kung nababasa niya nga ang isip ko!? Papel siya kanina.. baka mag papel ulit siya. Anong gagamitin ko? Gunting o Bato? Fuck it.

"What now?" he asked. I looked at him. I'm so nervous now! I looked at the timer, 32:45! Medyo marami pang oras.. it's okay Leriah, take your time. Huminga ako ng malalim.

"Bato-bato pick!"

I.. lost again. I used scissor this time! But he fucking used stone! Nababasa ba talaga niya ang isip ko!? That impossible!

"Oh, what will you do now?" he smirked again! I glared at him. You need to think Leriah.. think. Use your freaking brain! Now.. I realized it's not all about luck.

"It's too early to celebrate, Kalil. I will win." I said but he didn't mind it! I have two lives and he has four. It's okay Leriah. You can win, you will.

"Serra Besinto, twenty-two years old, lose." nangilabot ang buong katawan ko sa narinig. Agad hinanap ng mata ko ang pwesto nila ni Dino.

"No! I can't lose! Please give me another chance! I don't want to die.. please." pagmamakaawa ni Serra. Lumuhod siya sa harapan ng screen. "Please!"

Binalot ang buong kwarto ng iyak niya. Nawala lang iyon nang makarinig kami ng malakas na pag-sabog. Natulala ako sa pwesto ni Serra. Sobrang lakas ng pag-sabog.. nahati ang katawan niya.. puro dugo.. Kapag natalo ako ni Kalil, ganiyon din ang mangyayari sa akin.. Natigil sa paglalaro ang lahat dahil sa nangyari kay Serra pero maya-maya ay pinagpatuloy pa rin nila ang paglalaro. Dino have six lives now. She won.

"Hey." wika ni Kalil. I faced him. "If you lose.. it's not my fault. I just want to survive, too. You're important to me.. but my live is more important."

I nodded. Alam ko naman.. pero gusto ko rin mabuhay. "Likewise." I said. I closed my eyes and think. Ang huling ginamit ko ay gunting, siya ay bato. Kung ako si Kalil.. ano naman ang gagamitin ko? That's right! He will think.. I will use scissor again, because I always repeat what I used. So he will use stone again. Oh my God! Then I will use paper!

"Bato-bato pick!"

Nanalo ako! He really used stone again!  His eyes widened. We're tie again!

"Its getting interesting.." he said with a low voice. Tumango ako.

"James Tan, twenty-two years old, lose." the voice in the screen said. And then we heard an explode. Hindi ko na iyon tinignan, I just can't!

Concentrate, Leriah.. Think carefully. Kung ako si Kalil, ano ang gagamitin ko ngayon? Gunting, bato, o papel? Kanina papel ako.. siya bato. Think. He will use paper! He will think, I won't think that he will use paper because I just used that! Then.. I will use scissor!

"Bato-bato pick!" Pinapanood ko ang bawat galaw ng kamay namin dahil sa kaba. My eyes widened, I won again! It's 4-2 now!

"I can read your mind, too!" I said. He looked tense now. Kung kanina ay nakakangisi siya, ngayon ay hindi na. Tumingin ako sa timer, 20:13! It's getting fast! Nakita kong palapit si Dino sa amin, kasama niya si Yuan. Parehas na silang panalo pero hindi sila masaya.

"Hey." bati ni Yuan nang makalapit.

"I killed.. Serra." bulong ni Dino. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon.

"It's.. it's not your fault."

"You know it's my fault Leri!"

(It's all Mikey's fault. Charot.)

Umiiyak na si Dino, si Yuan naman ay nakatulala lang. Humarap ako kay Kalil. If I win again this time.. I will have five lives, and win this game. But.. Kalil will only have one live. Should I feel guilty?

"Lets play again." Kalil said. Dahan-dahan akong tumango. This time I will use scissor again.. and he will use paper again for sure.

"Bato-bato pick!"

I won! Oh my God! I have five lives now! Shit. Shit. Shit. Hindi ko inakalang magiging ganito ako kasaya sa pagkapanalo sa bato-bato pick! It's 5-1 now!

"You won." he said and laughed. Bigla siyang tumayo. "Hahanap ako ng ibang kalaban. Hindi ako papayag na matalo."

Naglakad na siya palayo. Lumapit siya sa mga iba naming kaklase. He only have one live! Wait.. it means..

Twenty-two kaming naglalaro ngayon, ibig sabihin.. kalahati lang namin ang mabubuhay?

DO YOU WANT TO PLAY A GAME?Where stories live. Discover now