Episode 3 : Put two and two together

Start from the beginning
                                    

Pagkatapos sagutin ni tita Tessa 'yung tawag, bigla siyang natahimik. Tiningnan niya kami ni Elmond at agad na niyakap habang humihikbi siya. Hindi ko pa alam kung anong nangyayari no'ng mga panahon na 'yon pero nakaramdam ako ng masamang kutob.

Sobrang bilis ng mga pangyayari.

Ang sabi nila, kasama raw ang mga magulang namin sa mga hindi nakalabas sa nasunog na hotel kung saan sila nagpunta. Na-retrieve nila ang bangkay ng mga magulang ko. Ayoko sanang maniwala na katawan nila ang mga 'yon dahil sunog ang balat at hindi na makilala, pero suot nilang pareho ang wedding ring nila.

Hindi agad ako naka-iyak no'n dahil hindi pa nag-sisink in sa akin ang mga nangyayari.

Hanggang isang gabi, no'ng burol nila mama at papa, nawalan na lang ako bigla ng malay.

Paggising ko ang unang pumasok sa isip ko ay ang mga magulang ko. Hinanap ko sila sa loob ng bahay. Tinawagan ko lahat ng mga kaibigan nila. Kita kong awang-awa sa akin si tita Tessa noon sa tuwing sasabihin sa akin ng mga kaibigan ng mga magulang ko na "condolence."

Hindi ko alam kung ilang araw akong hindi lumabas ng k'warto ko. Lalabas lang ako tuwing papasok sa school dahil ayokong huminto ang mundo ko dahil alam kong ayaw nila mama at papa 'yon. Kaya kahit mahirap, pinigilan ko ang luha ko na bumagsak sa tuwing papasok ako at nakikitang hinahatid ng mga magulang nila ang mga kaklase ko. Sa tuwing nakikita ko na sinusundo sila ng mga mama nila.

Tapos sa tuwing uuwi ako sa bahay, papasok agad ako sa kwarto ko at tsaka ako iiyak.

Gano'n ang naging takbo ng buhay ko hanggang sa mapagod ako.

Unti-unti kong nilabanan 'yung matinding lungkot na nararamdmaan ko kasi kailangan pa ako ng kapatid ko. Kailangan pa ako ni Elmond. Ayokong pati ako ay mawala sa kapatid ko. Kami na lang ang magkasama, kaya hinding-hindi ko ipaparamdam sa kaniya na nag-iisa siya.

Pagtungtong ko ng high school, tinuro sa amin ang theory kung paano nabuo ang universe. Simula noon, nadala ko na 'yung topic na 'yon hanggang sa senior high school kung saan ako mas lalong nagkaro'n ng interes na pag-aralan ang heavenly bodies, at theories na makakakuha ng atensyon ko. Isa na rito ang multiverse, ang theory tungkol sa mga parallel universe.

Naisip ko na what if kung totoo nga na may nag-eexist na ibang universe na katulad ng sa atin, ibig sabihin kaya no'n maaaring buhay ang mga magulang namin do'n? May pag-asa kaya na sa parallel universe, kasama namin ang mga magulang namin?

If there's an identical world to our world, there might be a chance na makita ulit namin ang mga magulang namin.

But I think it's not identical.

"You mean ako ikaw, at ikaw ako?" tanong ko habang nakataas ang dalawang kilay. Tinuro ko pa ang sarili ko at 'yung David.

Tumango naman siya.

"Yes. It may sound unbelievable for someone like you na hindi galing dito sa universe na 'to, but that's true," sabi niya. "The gate of our subdivision scanned your identity and guess what?"

May inabot siya sa akin na parang malaki pero manipis na tablet.

Nasa screen ng tablet 'yung mukha ni David. Nandito rin ang pangalan, edad, at iba pang information tungkol sa kaniya.

"When the gate scanned you, 'yan ang lumabas," sabi ni David kaya napatingin ako sa kaniya.

"What do you mean? Kung tama nga ang sinasabi niyo na ibang universe 'tong lugar na 'to, ibig sabihin hindi ako taga-rito. Hindi ba dapat walang information na lalabas no'ng ini-scan ang identity ko?" naguguluhan kong tanong habang tinitingnan 'yung nasa screen ng tablet.

Fragments of the UniverseWhere stories live. Discover now