Episode 2 : The Nine-tailed and the Counterpart

111 11 4
                                    

Episode 2 : The Nine-tailed and the Counterpart

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Episode 2 : The Nine-tailed and the Counterpart

Astra







Last month, naisipan kong pumunta sa mall mag-isa. Gusto ko lang mapag-isa at maramdaman na kaya kong gawin ang lahat ng bagay kahit mag-isa ako. Nag-enjoy ako. Naka-silent ang cellphone ko para kung sakaling may tumawag sa akin para alamin kung nasaan ako, hindi ko maririnig at hindi ko masasagot.

The most selfish day of my life, that's what I said to myself.

I did enjoy watching a movie all by myself. Eating alone, playing arcade alone---basically, I love that I did everything I want to do all alone.

Pero no'ng pauwi na, hindi ko alam kung anong nangyari. Para na lang akong biglang natanga. WIth no valid reason, bigla na lang akong sumakay sa isang jeep na hindi ko naman alam kung saan papunta. Buong akala ko jeep papunta sa amin 'yung sinakyan ko, pero hindi pala.

Nakarating ako ng Bulacan nang hindi ko alam. Basta binaba na lang ako ng jeep do'n dahil do'n ang last stop. Sinabi ko na hindi ako do'n nakatira, pero nagalit ang tsuper sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi ang bumaba. Kasalanan ko rin naman na sumakay ako sa jeep na 'yon.

Sinubukan kong sumakay ulit ng jeep, pero no'ng pasakay na ako, nakalimutan ko kung anong dapat kong sakyan. Nakalimutan ko kung anong location ng tirahan namin. Sumakit ang ulo ko that time, at the same time kinabahan ako at nakaramdam ng matinding takot dahil nakalimutan ko kung taga-saan ako, at kung anong dapat kong sakyan.

Buti na lang may isang tanod na lumapit sa akin. Napansin niya raw na parang malalim ang iniisip ko at baka kailangan ko ng tulong. Ilang oras na kasi akong naka-upo sa bench ng terminal ng jeep, pero hindi pa rin daw ako sumasakay.

"Hindi ko po alam kung anong dapat kong sakyan," sagot ko.

"Saang ka ba nakatira?" tanong niya sa akin kaya napatulala na lang ulit ako.

"Hindi ko po alam," saad ko.

 Alam kong nagtataka 'yung tanod sa akin, pero sinubukan pa rin niya akong tulungan. "May cellphone ka ba? Baka may p'wede kang tawagan para sabihin na nandito ka? P'wede kong sabihin ang exact address natin para masundo ka nila rito," sabi niya kaya napa-angat ulit ang tingin ko sa kaniya.

Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ko maaalala na may dala nga pala akong cellphone. Siguro dahil halos buong araw naka-silent ang cellphone ko kaya nakalimutan ko rin ang tungkol dito. 

Agad kong nilabas ang cellphone ko sa bag. May lagpas thirty miss calls do'n galing kay tita, Elmond at kay Elle. Alam kong nag-aalala na ang mga 'yon dahil kanina pa ako hindi sumasagot ng tawag. Lalo na ngayon dahil gabi na.

Fragments of the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon