Episode 6 : Unforeseen turn of events

70 9 1
                                    

Episode 6 : Unforeseen turn of events

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Episode 6 : Unforeseen turn of events

Astra






Ilang minuto akong nakatitig sa cellphone habang naglalakad pauwi sa amin.

Mas iniintindi ko pa kung paano ako nakabalik dito, kaysa sa kung anong sasabihin ko kila Elmond pagbalik ko sa bahay.

Sabihin ko kaya na nag-out of town ako? Na gusto ko ng quality time with myself? Maniniwala kaya sila sa akin kung 'yun ang palusot na sasabihin ko sa kanila?

"Hays." Napa-iling na lang ako bago ako mag-iba ng daan. Imbis na maglakad pauwi sa amin, naglakad ako papunta sa gawi ng bahay nila Elle. Hindi ko alam kung nando'n sa bahay nila 'yon ngayon dahil weekday at may pasok, pero pakiramdam ko mas okay kung doon muna ako kaysa sa bahay.

Mag-iisip muna ako ng katanggap-tanggap na dahilan bago ako umuwi sa amin.

Kung pupunta naman ako sa school, hindi na rin ako aaboty dahil anong oras na. For sure last class na ngayon kaya wala ring saysay kung hahabol pa ako.

Habang naglalakad, nakatingin pa rin ako sa cellphone ni David. Pero 'yung isip ko, lumilipad naman sa kung saan-saan. Tila hobby ng utak ko na mapadpad sa malayo hanggang sa tuluyan ko ng makalimutan kung anong pinakaproblema ko.

At the back of my mind, gusto kong sundan kanina 'yung version ni Riki sa universe na 'to. Gusto kong malaman kung saan siya papunta, at anong klase ng buhay meron siya rito. Gusto ko rin siya maka-usap at maging kaibigan gaya no'ng version niya sa kabilang mundo.

Pero naisip ko, ang weird ko naman masyado kung susundan ko siya. Oo nga't kilala ko ang counterpart niya sa parallel universe, pero ibang tao pa rin siya rito at hindi kami magkakilala sa mundo na 'to.

G'wapo pa rin siya sa universe na 'to pero hindi naman ako tanga.

No'ng 10 years old ako, muntik na akong maligaw nang tuluyan dahil may sinundan ako na akala ko sila mama at papa. Alam ko at tanggap ko na noon na wala na ang mga magulang namin, pero siguro dahil miss na miss ko na silang pareho, sinundan ko pa rin sila hanggang sa makita ko mismo ang mga mukha nila. No'ng araw din na 'yon, sinabi ko sa sarili ko na never ko na ulit hahanapin ang mga magulang namin.

Salitang bata lang ang mga salita na 'yon dahil hanggang ngayon, hinahanap-hanap ko pa rin ang amoy at presensya nila.

Buti na lang sinundan ako ni tita Tess noong araw na 'yon. Nahanap niya ako sa may park na. Malayo sa school kung saan niya dapat ako susunduin.

Ilang beses niya akong pinagsabihan na huwag ko na raw uulitin 'yon. Tumatak sa isip ko na may mga tao na kahit pilit nating hanapin, hindi na natin makikita. Kailangan na lang nating tanggapin sa sarili natin na wala na sila at hindi na babalik pa sa buhay natin. Kaya gano'n ang ginawa ko.

Fragments of the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon