Episode 3 : Put two and two together

102 11 1
                                    

Episode 3 : Put two and two together

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Episode 3 : Put two and two together

Astra






My mother is a doctor, my father is a detective.

Bata pa lang ako namulat na ako sa halos lahat ng katotohanan sa mundo.

At the age of 8 alam ko na agad kung alin ang totoo sa kasinungalingan. I know how to distinguish the right and wrong.

But one day, lahat ng pinaniniwalaan ko tila nagbago lahat sa isip ko.

Natatandaan ko pa, Wednesday noon. June 15, 2011. Walang pasok noon dahil malakas ang ulan. Na-cancel ang school classes kaya nanatili lang kami sa bahay. It's a quality time to bond as a family. We're watching a movie while it's raining cats and dogs sa labas ng bahay, hanggang sa may marinig kaming ring ng telepono.

Someone called our father. Sinagot niya 'yung tawag. Wala pang limang minuto, binaba na agad niya 'yung tawag.

"Kate we have to go," sabi ni papa kay mama. Tulad namin ni Elmond, nagtataka rin si mama kung bakit tila nagmamadali si papa. Pero imbis na itanong at iparinig sa amin ang sagot kung bakit kailangan nilang umalis, nagsuot na lang din si mama ng blazer.

"Stay here. Babalik din kami agad. Hintayin niyo ang tita Tessa niyo, papupuntahin ko siya rito," sabi ni mama bago niya kami halikan ni Elmond sa pisngi.

That time akala ko may kailangan lang silang puntahan na emergency gaya ng dati dahil 'yun ang trabaho nila. I'm really proud of my parents dahil marami na silang naging achievement sa professions nila. Saksi kaming magkapatid sa dami ng mga tagahanga nila mama at papa dahil pareho silang magaling sa mga trabaho nila.

Nang maka-alis sila, nanatili kaming nanonood ni Elmond. We're unbothered without knowing that something terrible will happen that day.

Gaya ng sinabi ni mama, dumating nga sa bahay namin si tita Tessa. Siya ang nagbantay sa amin. We watched with her actually. Kapatid siya ni mama at hanggang ngayon wala pang asawa o nobyo kaya may oras siya para magbantay ng mga bata.

Ilang oras na ang nakalipas pero hindi pa rin tumitila ang ulan. Hindi pa rin bumabalik sila mama at papa. Akala ko normal na araw lang 'yon dahil gano'n naman minsan. Late na silang nakakauwi sa bahay dahil busy sila sa trabaho. But despite of that, they make sure na may oras sila para sa amin ng kapatid ko, kaya hindi ak nagrereklamo na kahati namin sa oras ang mga trabaho nila.

After a one loud thud of thunder, biglang nagring ang telepono.

Tumayo si tita Tessa mula sa pagkakaupo para sagutin 'yung tawag.

Those two calls, one from my father, and one from my aunt, are still haunting me up to this date. Dahil sa dalawang tawag na 'yon, nagsimulang magbago ang buhay namin ng kapatid ko. Dark days came, cloudy years existed in our lives. Those calls made me sick for weeks, crying for months, until I get tired and eventually lost all tears. Kaya siguro kapag malungkot ako at pagod ngayon, hindi na ako maka-iyak. Kasi naiyak ko na lahat no'ng bata pa ako.

Fragments of the UniverseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang