Episode 11 : Down on one's luck

63 4 1
                                    

Episode 11 : Down on one's luck

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Episode 11 : Down on one's luck

Astra







The place still looks the same no'ng huli ko 'tong makita.

'Yung malaking family picture frame, at kung gaano nito kahawig ang bahay namin. Ganitong-ganito ito nang huli ko 'tong mapuntahan.

If I remember it right, ito 'yung parte ng studio ni David na kamukha ng bahay namin. Dito kami unang nagkita. 'Yung lugar na sinasabi niya no'ng huli rin kaming nagkita bago siya mawala.

"Wow, parang nagkaro'n ng general cleaning at major revisions sa bahay ng tita mo ah," sabi ni Elle habang nililibot ang lugar. "So, nasa parallel universe na tayo? Ito na ba 'yon?" tanong niya bago tumingin sa akin.

Biglang bumukas 'yung pintuan na nasa kanan. Lumabas mula roon ang isang lalaking may kausap sa cellphone. Hindi niya agad kami napansin dahil nakatingin siya sa sahig at sa pintuan ng kwarto na sinarado niya.

Pagkasara niya sa pintuan, lumingon na siya sa gawi namin kaya bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Tuloy pa rin siya sa pakikipag-usap sa kung sino man ang kausap niya sa kabilang linya.

Nanatili naman kami ni Elle na tahimik. Halata ko sa mukha ni Elle na saglit din siyang nagulat sa biglang paglitaw ni David sa harapan namin.

"Okay. I'll wait for you in the airport. Hintayin niyo na lang ako do'n ni Papa," sabi ni David bago niya ibaba ang tawag. Nanatili sa amin ni Elle ang paningin niya, bago dumapo sa akin ang mga mata niya. "Kanina pa ba kayo rito?"

***

Manghang-mangha si Elle habang nililibot niya ang paningin niya sa studio ni David. Nakikita ko tuloy ang sarili ko sa kaniya no'ng una rin akong mapunta rito.

Pababa kami galing sa ikatlong palapag ng studio. 'Yun ang parte ng studio na kamukha ng bahay namin. Although sikreto na may ikatlong palapag ang studio dahil area at kwarto ni David ang parte na 'yon ng studio, wala siyang nagawa dahil do'n kami biglang napadpad ni Elle.

"Oh! Long time no see," saad ng lalaking sumalubong sa amin pagbaba namin sa first floor. May hawak siyang tuta sa braso niya. Kulay brown ang malago nitong balahibo.

"Ang cute!" sabi ni Elle bago lumapit kay gumiho. Inagaw niya mula rito 'yung tuta na hawak ni Linn. "What's your name cutie?"

"Linn," sagot ni gumiho kaya napatingin si Elle sa kaniya. Inirapan siya nito kaya mahinang napatawa si gumiho. "Akala namin hindi na ulit namin kayo makikita," sabi ni gumiho nang lingunin niya ako.

"I thought so. It's been weeks," sabi ko kaya biglang kumunot ang noo ni gumiho.

Napatingin ako sa likod kung nasaan si David. Nakita ko siyang nakatitig lang sa akin. "Weeks?" tanong niya kaya tumango ako.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko. Para kasing may sinabi ako na hindi kapani-paniwala.

"It's been a month since we left your world," sabi ni David kaya kumunot na rin ang noo ko.

Fragments of the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon