"Because I think this is the right time para makihalubilo ka sa iba at sure naman ako na di ka nila pababayaan kasama naman ninyo si Alexis." Sabi niya tsaka lumapit sakin at hinawakan ako sa ulo,"Basta mag-iingat ka at mag enjoy." Sabi niya sakin ng nod lang ako dito tsaka gumiti.

"Baba na ko nagugutom na ko e." Sabi ni Dad sakin.

Paglabas ni Dad inayos ko na ang mga gamit sa maleta ko, susunduin kasi ako ni Jasper mamayang 4 kasi doon kami sa kaibigan ng Papa niya pupunta, naka private plane kami pupunta doon sa island nila Emerson ang akala ko resort lang yun, yun pala island pero may iba daw mga terorista doon at di lang kami pero di naman daw ganun karami kasi private island daw yun.

Di ba yayamanin

Nag-aayos lang ako ng gamit ko ng biglang nag ring ang phone ko kaya naman tumayo ako at kinha yun sa study table ko.

...Jasper Calling...

Si Jasper lang pala, pinundot ko ang answer tsaka ito nilagay sa tenga ko at lumapit na ulit sa kama para ayusin ang mga dadalhin.

"Hi." sabi ko dito.

"Exited?" tanong niya habang natawa.

"Hindi naman." sabi ko tsaka sinara ang maleta.

"Talaga ba." sabi nito sa kabilang linya pero parang nasa tabi ko lang ang nagsasalita.

Kaya naman tumayo ako at humarap sa pinto at doon ko Nakita si Jasper nakasandal siya sa pintuan habang nakatingin sakin.

Pinagsingkitan ko siya ng mata tsaka tumayo at pinatay ang tawag.

"Bakit nandito ka na?" takang tanong ko dito.

"Napaaga ang alis natin aalis na tayong mamayang 12." sabi niya tsaka tumingin sa mga gamit ko.

"Si Mom ang nag-empake ng mga yan." sabi ko dito.

Tumingin lang siya sakin na nakangiti tsaka umupo sa kama ko.

"Teka lang pano ka nakapasok dito?" Tanong ko dito.

"Pinapasok ang ng Mom mo, sabi ko nga no need na pero ang kulit ng Mommy mo sabi niya puntahan daw kita dito." Natatawang sabi niya.

Magsasalita pa sana ako ng may magsalita sa pinto.

"Ms Scarlette kakain na daw po." Sabi ng maid namin.

"Sige susunod na kami." Sabi ko tumungo lang to sakin tsaka umalis.

"No need kumain na ko sa bahay bago pumunta dito sa inyo." Sabi niya habang nililigid ang paningin sa buong kwarto ko.

"Di pa nga kita niyaya nagsalita ka na." Sabi ko dito kaya namna napatingin siya sakin na nakangiti.

"Alam ko naman na yayayain mo ako e." Sabi niya tsaka tumawag.

"Tsk yabang mo." sabi ko tsaka tumawag lumapit ako sa mesa ko tsaka nilapag ang phone ko, "Sure ka dito ka lang?" tanong ko ulit.

"Ayos lang ako don't worry isa pa 1 hour na lang aalis na naman tayo." Sabi niya tsaka ngumiti sakin.

"Ok." Sabi ko tsaka siya ti tiningnan ng masama.

"Bakit?" Natatawang sabi niya.

"Wag kang gagala dito ha." Sabi ko tsaka siya tinuro.

"Hahahah di talaga ako gagala baka dito pa lang sa kwarto mo maligaw na ko." Sabi niya tsaka humiga, "Matutulog lang ako saglit" sabi nito tsaka pumikit.

My Sweet TeacherWhere stories live. Discover now