"Wala tayong magagawa ngayon. Paano kung bigla siyang nagkamalay tapos magsumbong sa pulis o kaya sa militar, edi mas lalo tayong napahamak?" 


Napatango-tango na lang ako sa isip ko nang marinig ang sinabi ng lalaking nasa tabi ko na nakabantay. Akalain mong may mabilis din palang mag-isip sa kanila. Tsk! 


"Bilisan na lang natin bago pa tayo abutin ng alas-dose sa daan. Sigurado ako na tatawag na sa'tin si boss maya-maya."


Napailing na lang ako sa nangyayari. Ewan ko kung anong scene ito at napapatawa na lang ako sa kabaliwan ng boss kuno nila. Marami kasi akong nakikitang loopholes sa kiddnaping plan ng mga hinayupak na 'to at pinipigilan ko lang na mag-react ng sobra baka mahalata nila na may malay na ako. Syempre gusto ko pang makarinig ng joke sa kanila para naman hindi boring ang biyahe namin. 


Sa patuloy nilang pagdadaldalan ay halos alam ko na ang buong kwento ng kidnapping na 'to. Seryoso? Anong trip nila at sa harap pa mismo ng mga biktima sila nagkukwentuhan? Ano sila beginner?! My god!


Actually, ang unang mali nila ay hindi nila masiyadong napag-isipan kung anong consequences ang mangyayari sa kanila kapag pumalpak ang plano na 'to. Mukhang hindi pa nga yata nila alam kung anong klaseng pamilya ang mga Eckheart para kidnapin ang little prince ng pamilya. Sa nakikita ko sa buong sitwasyon ay wala nga talaga silang nalalaman. 


Bukod sa tago ang mga pribadong impormasyon ng pamilya ay protektado din ng iba't-ibang sektor ang mga transaction ng Eckheart. Ang alam lang ng ilan ay miyembro sila ng A.R.F at ang nangungunang supplier ng mga armas sa buong Atlante maging sa ibang bansa. 


Pero alam ba nila kung anong posisyon ni Vance sa mafia ng mga Lucretius? Alam ba nila kung gaano kadelikado at nakakatakot ang supporting male lead na si Vance? Kung nasa Earth pa rin ako ngayon at binabasa 'to ay baka mapasigaw na lang ako ng 'mga bobo nilalang!'


'Whoo! Kalma, Carnelia! Hayaan mo na lang silang isipin ang mga problemang kahaharapin nila at mas mabuting magpokus ka na lang sa problema mo ngayon!'


Pinakalma ko lang ang sarili bago mabilis tinandaan sa utak ang mga dinaanan namin sa pamamagitan ng pagbibilang ng oras at pagtantsa kung gaano na kami kalayo mula sa slave market. Right now, this car is driving straight for 45 minutes, then turn right, after ten minutes turn left... 


Tahimik lang akong nagbibilang hanggang sa tuluyan ng huminto ang kotse na sinasakyan namin. Hayys! So we're here huh? Mabuti naman dahil nasakit na ang puwet ko sa halos dalawang oras naming pag-upo.


Nanatili ako sa pwesto ko nang maramdaman na may kamay na bumuhat sa'kin. Syempre todo pigil hininga naman ang peg ko at baka masapak ko bigla kung sino 'tong amoy kanal na humahawak sa'kin. 


"Ipasok niyo na 'yan! Huwag niyo silang gagalawin hangga't wala pang utos si boss." dinig kong utos ng lider ng mga kidnapper gang na 'to. 


Mabilis naman na kumilos ang mga lalaki habang sinisiguro na walang mga nakasunod sa kanila. Huwag na kayong magtaka kung paano ko nahuhulaan ang mga kinikilos ng mga lalaking 'to dahil ganito talaga ang mga scene na kadalasang nangyayari sa mga nobela. Pustahan tayo mamaya ay ibabagsak lang nila ang katawan ko sa sahig at hindi kami papakainin buong araw. 


This scene is not a new thing for a person like me! Naranasan ko pa ngang makidnap ng mga rebelde dati dahil sa katangahan ng mga kasama ko sa platoon, kaya easy peasy lang sa'kin 'to bwahahaha! Ehem! Kailangan ko nga pa lang protektahan ang kapatid ni Vance kaya madadagdagan ang difficulty level ng mission ko na'to. 


Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon