Chapter 20: Stalker

21.5K 1.1K 350
                                    

Nag-shower muna ako bago bumaba para maghanda ng pagkain. Naabutan ko sa baba si Ivan na may kausap sa phone kaya hinayaan ko muna siya para makapaghanda na ako. Medyo pagod ako kaya imbes na mantika ang ilagay ko sa frying pan ay inuna ko ang toyo. Grabe, ang sabaw ng utak ko!

Magluluto sana ako ngayon ng pork chop at gulay pero bakit toyo 'yung nilagay ko? Inalis ko 'yung pan at hinugasan saka binalik ulit at nilagyan ng mantika. Naka-marinate naman na 'yung pork kaya sunod ko 'tong nilagay no'ng uminit na 'yung mantika. 

Sunod kong hiniwa 'yung mga gulay na iluluto ko at saka ito hinugasan. Napahikab ako at kinusot ang mga mata ko habang nagcho-chop ng sibuyas.

Hindi ko napansin na napalakas pala 'yung apoy kaya nagtaka ako sa naamoy ko, parang may nasusunog.

"Sh*t!" Mabilis kong binaliktad 'yung pork kaso sunog na. Ang shunga mo naman, Scar! Napalingon ako saglit kay Ivan na naglalakad na papalapit habang nakakunot-noo.

Grabe, nakakahiya!

"Is everything okay?" tanong niya at lumapit sa tabi ko. Tiningnan niya 'yung niluto ko at saka mahinang tumawa. "Definitely not okay."

Namula tuloy ako sa kahihiyan.

"Doon ka muna, ako na bahala rito." Mahina ko siyang itinulak palayo.

Umupo naman siya sa stool ulit, tulad ng ginawa niya kaninang umaga at pinanood na naman niya ako. 

Buti na lang apat na pork 'yung ni-marinate ko kaya may makakain pa kami. Pinalitan ko 'yung dalawang sunog saka in-adjust 'yung apoy. Bumalik ulit ako sa pag-chop at hindi ko sinasadyang mapahikab ulit.

"Ako na." Inagaw ni Ivan 'yung kutsilyo sa kamay ko. 

"Kaya ko nama—"

"Just sit there, ako na bahala rito."

"It's okay, you're my guest, I should co—"

"Mukhang pagod ka. Sige na, ako na bahala rito." Itinulak niya ako paalis sa kusina ko at siya na ang nagluto.

Napatahimik tuloy ako. Ako ang pumalit sa pwesto niya kanina at nagpahalumbaba ako habang nanonood sa kanya. He looks like a professional chef. O 'di kaya para siyang nag a-advertise. Kung mukha lang naman niya ang nasa advertisement, 'di na ako magski-skip.

Hala, ano 'yan, Scarlett? Ano na naman pinagsasabi mo?

"Thank you," I said dahil ang tahimik. 

"For?"

"Saving me from my ex again." 

"It's my duty as your fake husband." He shrugged saka niya binaliktad 'yung pork. 

"Bakit ka nga pala may dalang maleta?" tanong ko at nilingon saglit 'yung maleta niya sa sala. 

Hindi siya sumagot agad. Abala sa paghuhugas ng chopping board at kutsilyo. I watched his broad back. Medyo kita ko ang back muscles niya dahil medyo hapit sa katawan niya 'yung polo niya at bawat galaw ng kanyang braso ay bumabakat ang matitipuno niyang braso.

"I'm bored," he answered.

"Huh?"

"My house is too big."

"Kaya ka lumayas?"

"Sabi mo malungkot ka," he shrugged again. "That's why I'm here. If that's okay with you."

Kumabog na naman ng mabilis 'yung puso ko. Natigilan sa sagot niya.

"B-Bakit? Bakit mo 'to ginagawa?"

Paint Me RedWhere stories live. Discover now