Chapter 18: The bet

Magsimula sa umpisa
                                    

Ibinagsak niya 'yong iniinom niyang kape at tiningnan ako ng seryoso. Nawala na 'yong palabiro niyang mukha kanina. 

"You can't say something without substantial evidence, Scarlett. This is a serious case at imposible na ang salarin ay isang nilalang na likha galing sa kwentong bayan."

Cooper is the only person I know who can help me. Kung gusto kong humingi ng tulong, I need to supply him evidences.

Pinagkatiwalaan ako ni Farah na 'di ko sasabihin kahit kanino kung nasaan siya ngayon. So, I sent her a quick text to get her permission to tell Cooper about her whereabouts and she approved.

"Farah . . . she's at my condo," dahan-dahan kong saad.

"Huh? Ang tagal na siyang hinahanap ng mga magulang niya. Bakit 'di mo sinabi na nasa condo mo lang pala siya?"

"She's scared." Napapikit ako. "Nabalitaan mo ba 'yong dahilan kung bakit siya nagtatago?"

"That she killed a nurse? Yeah pero imposible namang mangyari 'yon. 'Di nga kaya ni Farah pumatay ng langgam, e."

"Nabalitaan mo rin ba kung paano namatay 'yong nurse?"

"Yeah, blood loss and two fatal injuries . . . on the neck." Biglang bumagal ang kanyang boses at tumingin sa akin. As if he's just realizing this now. Jusko! Paano ba 'to naging crime investigator?!

"Did she saw the assailant?" 

"She is the assailant."

"Are you sure na siya talaga ang may kagagawan? Do you have proof?"

I sighed. "She confessed to me last night. Please, don't tell this to anyone. 'Wag mo ring sasabihin sa kanyang magulang. She's still in a state of shock."

I can see the confusion in his eyes kaya kinwento ko lahat sa kanya ang mga detalyeng sinabi sa akin ni Farah. He was unsure if he's going to believe me pagkatapos kong magkwento.

"So you're saying that she's a vampire?"

Tumango ako. "I'm serious. Hindi ako gumagawa ng kwento, Cooper."

"I'm still processing everything. I don't know kung paniniwalaan ko agad ang lahat ng 'to, Peklat."

It's okay, I understand. He must be also taking in the information I gave him.

Tumunog bigla 'yong phone niya at medyo nanlaki ang kanyang mga mata. "I have to go, Scar! I think they found a lead!"

Napatayo rin ako. "O-Okay, you can go."

"We'll continue talking after this, okay?" Ginulo niya ang aking buhok bago siya tuluyang umalis. It's a gesture that he does usually when we were still in college.

Pinanood ko ang papalayo niyang pigura. Sana nga mahuli na nila ang salarin ngunit bakit iba ang kutob ko?

***

Pagod akong umuwi sa manor at mabilis akong nag shower at nagpalit bago pumunta sa kusina para maghanda ng makakakain. Dahil tinatamad akog magluto ng pananghalian ko ay nag microwave na lang ako ng frozen pizza at kumuha ako ng dalawang can ng beer sa fridge. 

Nang matapos ko itong ihanda ay pumunta ako sa sala ngunit napagdesisyunan ko na sa master's bedroom na lang dahil masyadong malawak ang sala para sa akin. Mas ramdam na ramdam ko na mag-isa lang ako sa manor kung gano'n.

Inilapag ko ang mga pagkain sa center table at binuksan ang T.V. dito sa kwarto ko. I think I deserve to relax like this after a hard day at work.

Pumunta agad ako sa Netflix account ko, medyo matagal na rin no'ng huli ko 'tong binuksan. Natigilan ako nang tumambad sa aking screen ang isang pelikula kung saan ang leading man ay si Ivan.

Paint Me RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon