Pero may parte sa akin na natatakot na sabihin sa kaniya na anak niya nga si Ajani. Hindi nga ito ang reaksyon na inaasahan ko mula sa kaniya. Hindi ko inaasahan na magmakaawa siya sa akin na sabihin na anak niya si Ajani.

Sa totoo lang ay naaawa ako sa lagay niya ngayon pero may parte talaga sa akin na natatakot na ipaalam sa kaniyang kaniya nga si Ajani.

I shook my head and took a deep breath. "Hindi mo siya anak, Kiko," saad kong muli. This time, my voice was firmer and stronger. "He's not yours. . . sa akin lang ang anak ko."

Nagtaas siya ng tingin sa akin. At alam ko ang pagsusumamo niya. Tila ba natalo siya sa sagot. Tila ba hindi niya kinaya ang kaniyang narinig.

Halos halikan niya ang paa ko dahil naramdaman kong tumama na ang noo niya sa sapatos ko. Dinig na dinig ko ang mga hikbi niya at kinailangan kong kagatin ang labi ko ng napakariin para lang huwag maiyak.

"Tini. . . " nanginginig ang boses niyang saad sa akin. "Baby. . . anak natin siya. . . anak natin siya. Alam ko iyon."

"Sinabi ko na sa'yo. . . h-hindi mo siya anak," pagpupumilit ko sa kaniya. "Wala kang anak sa akin, Kiko. Malinaw sa kontrata natin na ayaw mong magkaanak sa akin. Malinaw na malinawa iyon. Kaya bakit mo inaako ang anak ko?!"

Matatawag na ba akong makasarili kung sabihin kong ayaw ko munang ibigay at ipakilala si Ajani sa kaniya? Alam ko naman na hindi niya lang ako minahal noon kaya siya umalis. Tanggap ko na iyon.

Pero kung sakali bang nalaman niyang buntis ako noon kay Ajani. . . ako ba ang pipiliin niya?

"Bitawan mo'ko, Kiko," madiin na saad ko sa kaniya. Nakayakap na kasi siya sa paa ko at nakasubsob pa rin ang mukha niya sa may sapatos ko.

"Please. . . please, Tini. . . gusto kong mayakap man kang ang anak natin. Alam kong sa akin siya. Alam kong anak ko siya. Alam ko. . ." pagmamakaawa niya sa akin. "Please. . . please let me hold my son, Tini. Let me kiss him. Let me love him."

Pakiramdam ko ay nanigas ako dahil doon. Hindi ko inaasahan ang mga sinasabi niya ngayon. Hindi ko akalain na gusto niyang mahalin ang anak namin.

"Para ano? para kunin siya sa akin?"Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita.

"Hindi, Tini. . . mamahalin ko siya. Hindi ko siya ilalayo sa'yo. . . please. Hayaan mo akong mahalin ang anak natin. Hayaan mo akong makilala niya bilang ama niya. Nagmamakaawa ako sa'yo. Alam kong nasaktan kita. Alam kong nawasak kita. . . pero huwag mo namang ipagkait ang anak ko sa akin. Hi di ko kaya, Tini. . . hayaan mo akong mayakap ang anak ko."

Pinilit kong tanggalin ang yakap niya sa mga paa ko at walang sabi-sabing tumakbo papunta sa gawi ng anak ko.

Iniwan ko siyang humahagulgol habang nakaluhod at nagmamakaawa na bigyan ko siya ng pagkakataon na mahalin ang anak niya.

Pagpasok ko sa simbahan ay nakita ko ang anak kong masayang kumakain ng celery. Nasa tabi niya si Father Marlon at may hawak hawak itong isang basong tubig.

Mabilis na naglakad ako papunta sa anak ko at niyakap siya ng mahigpit. Doon pa lamang tumulo ang mga luha kong kanina ko ko pinipigilan.

I cried silently while hugging and kissing my son's head. Pakiramdam ko ngayong yakap ko ang anak ko, parang nawawala ang sakit sa dibdib ko.

"Mama?" tanong sa akin ni Ajani nang mapansin niyang umiiyak na ako. Kumalas siya sa yakap niya sa akin at pinunasan ang mga luha ko gamit ang maliliit niyang kamay.

Nagmamadali ko ring pinunasan ang mga luha ko at pinilit ang sarili ko na ngumiti ng malapad para makita niyang hindi ako nasasaktan sa mga nangyayari sa akin. . . sa amin ng kaniyang ama.

Every Little Piece Of MeWhere stories live. Discover now