Tumango ako sa kaniya na mas ikina-lapad ng kaniyang ngiti. "Ah sige...mauna na pala ako may aasikasuhin lamang ako saglit"

"Sige salamat ulit Corazon"

"Halika nga rito" nakangiting sambit niya nang aayang yakapin ko siya. Dahan-dahan naman akong lumapit at hinayaan ko nalang ang sariling maging komportable sa pagitan naming dalawa.

"Alam kong may pasanin kang problema, Marina... Subali't tandaan mong nandito lang ako para sa'yo. Handa akong tumulong hangga't kaya ko. Huwag kang mag-alinlangang lumapit sakin ha?" aniya habang magkayakap kami. Mas lalong humigpit ang kaniyang pagyakap kaya hindi ko na rin napigilang maiyak.

"Tatandaan ko 'yan" tanging naisagot ko na lamang sa kaniya.

Tinapik-tapik niya pa ang aking balikat bago kumawala sa pagkakayakap. Hindi pa rin naaalis ang matamis niyang ngiti. Mabuti na lang nandito ka ngayon Corazon kung hindi baka mawala nako sa katinuan dahil sa lahat ng nasaksihan ko.

Nagpaalam na siya sa akin kaya pumasok na'ko sa loob ng aming kwarto. Kasabay ng dahan-dahan kong pagtulak ng pinto ay ang paglangitngit nito. Mag-isa nanaman ako.

Naglakad lang ako papalapit saking higaan saka sumalampak doon. Tuwing sumasagi sa isip ko lahat ng nangyayari naalala ko lang kung paanong magmakaawa si ginoong Alfredo sa akin. Magmula sa pakikinig ko sa pribado nilang usapan ni Mauricia maging ang pakikialam ko sa kanilang suliranin at pag sang-ayon ko sa kagustuhan ni ginoong Alfredo patungkol sa tinanggihan ni Mauricia.

Liham...

Nang maalala ko 'yon dali-dali ko itong hinanap. Pagkakapa ko sa aking bulsa doon ko natagpuan ang sulat na iniabot sa akin ni ginoong Alfredo. Para ito kay Binibining Conchita.

Dapat maibigay ko ito agad kung sinuman ang nararapat na tumanggap ng liham na'to. Sana mahanap agad kita Conchita. Kailangan kitang makausap at maibigay ang sulat na ito. Hindi nako nag-aksaya pa ng oras. Muli kong binulsa ang sulat saka madaling lumabas ng kwarto. Sa sobrang pagmamadali ko hindi ko inaasahang may mabubunggo ako.

"Sorry" wala sa isip kong binanggit iyon. Magpapatuloy na sana akong tumakbo paalis nang may tumawag saking pangalan.

"Marina!" sigaw nito. Paglingon ko nakita ko si Anastasia na masama ang tingin sa akin. Mabilis siyang nakalapit sa akin saka hinablot ang pulsuhan ko.

"Hindi ko sinasadya, Anastasia... Patawad nagmamadali ko pasensya na" hinablot kong muli ang kamay ko mula sa kaniya tsaka humingi ulit ng paumanhin.

Halos takbuhin ko na ang pasilyo makalayo lang at makaalis.

"Humanda ka, Marina!" pahabol pa ni Anastasia ngunit hindi ko na ito pinagtuunan pa ng pansin ang mahalaga lang ngayon ay mahanap ko si Binibining Conchita para kahit papaano ay matupad ko ang kagustuhang mangyari ni Ginoong Alfredo. Hindi ko pa rin kasi siya kayang harapin sa ngayon. Hindi ko makakaya...

Saan ko ba mahahanap si Conchita? Higit sa lahat sino nga ba si Conchita? Wala akong impormasyon o anumang nalalaman tungkol sa kaniya bukod pa roon literal na hindi ko siya nakikilala kahit nga pangalan niya hindi pamilyar sakin. Saan ba kita makikita, Conchita?

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad ng tuluyan akong makalabas ng dormitoryo. Naalala ko bigla si Mr Asuncion. Tama! Sigurado kong kilala niya si Binibini Conchita at malaki ang tsansang alam niya kung saan ko ba ito matatagpuan.

Stars Between Us | CompletedWhere stories live. Discover now