KABANATA 18

272 45 28
                                    

Chapter 18: Akusado

Mabilis ang mga pangyayari kasabay ng pagtila ng ulan mayroong dumating para dalhin si ginoong Alfredo sa pagamutan. Hanggang sa hindi ko na namalayang unti-unti na palang dumarami ang mga taong nasa paligid ko. Lahat sila masama ang tingin sakin. Sa mga mata nila ako ang may kasalanan sa nangyari. Gusto kong tumanggi. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko na wala akong kasalanan pero hindi ko magawang magsalita. Pakiramdam ko wala akong kakampi, na tanging sarili ko lang ang maaasahan ko sa pagkakataong ito kasi walang sinuman ang maniniwalang hindi ko ginawa yun.

"Mauricia pakiusap pakinggan mo muna ko oh! Hindi ko magagawang pumatay ng tao. Lalong higit si Alfre---"

"Wala ka ng dapat ipaliwanag pa Seńora!" aalis na sana siya pero hindi ko yun hinayaan. Hinawakan ko ang pala-pulsuhan niya para pigilan siya. Hindi ko hahayaang makaalis siya ng hindi ko nasasabi ang totoo. Na wala rin akong alam sa mga nangyari at hindi ako ang sumaksak kay Alfredo.

"Sandali! Makinig ka muna Mauricia nagmamakaawa ko sayo" pilit niyang hinahatak ang kamay niya mula sakin. Umiling-iling din siya habang patuloy ang pagbuhos ng luha. Sige na naman Mauricia maniwala ka sakin wala akong kasalanan.

Pinalis niya ang kaniyang luha saka tinignan ako sa mata. "Hindi ko na alam, Marina.... Siguro magkita nalang tayo sa Hukuman" kasabay niyon ang panghihina ng katawan ko. Sa korte....

Mabilis siyang tumakbo papalayo hanggang sa naiwan nalang akong nagiisa sa gitna ng mga taong nakapaligid sakin.


Third person's POV

Hindi na alam ni Marina kung paano kukumbinsihin si Mauricia na wala siyang kasalanan sa nangyari kay Alfredo. Magmula pa lang sa mga taong nasa paligid hindi na siya makakaligtas pa sa mapanghusgang mga tingin nito.

Kaya dali-dali rin siyang umalis dahil hindi niya narin makayanang pinagkakaguluhan ng dahil sa krimeng iyon.

Sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa palayo sa pinagyarihan ay nag-iisip siya ng paraan upang mapatunayang hindi siya nagkasala.

"Hindi pwede to! Hindi--- May paraan pa... Mag-isip ka! Hindi maaaring tuluyang maniwala si Mauricia sa mga hinala niya... W-wala siyang patunay na ako ang gumawa ng bagay na 'yon... Tsaka---hindi mo kailangang kabahan Marina! Wala kang kasalanan... Hindi mo alam na nasaksak si A-alfredo. Nadatnan mo nalang siya na naghihingalo noong mga oras na iyon dahil sa pagkakasaksak sa kaniya ng kung sinuman... Wala kang dapat ipag-alala ha!" patuloy niya itong binabanggit habang tumatakbo papalayo. Hindi maiwasang pagtinginan siya ng mga tao dahil sa bahid ng dugo mula sa kaniyang kasuotan gayundin sa kaniyang kamay. Subalit wala na siyang pakialam sa tingin ng mga ito sa kaniya ang mahalaga lang sa ngayon ay masundan niya si Mauricia at masabi ang lahat ng katotohanan.

Tumakbo siya ng buong lakas walang tigil hanggang sa makalabas siya ng pamilihan. Hindi niya na napansin kung paano niya nagawang makalabas ng ganoon kabilis pero nagulantang nalang siya ng may biglang humawak ng kaniyang kamay saka siya hinatak.


***

Sa pagmamadali ko hindi ko na napansing may taong nasa tagiliran ko. Namalayan ko nalang na may humawak pala sa kaliwang kamay ko pagbaling ko rito bigla naman niya akong hinatak at sabay kaming tumakbo palayo. Hindi ko agad nakita ang mukha niya noong oras na iyon pero agad ko siyang nakilala.

"Sandali Akio!"

Para namang wala siyang narinig dahil patuloy pa rin siyang tumatakbo habang tangay-tangay ako. Kahit pagbaling ng paningin sa gawi ko ay hindi niya magawa nananatili lang siyang nakatuon sa daan.

Stars Between Us | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon