KABANATA 16

287 118 69
                                    

Chapter 16: Malikmata

Lorenzo's POV

"Halika na Lorenzo" naalimpungatan at napabaling ako kay tiya Herminia ng mag wika siya niyon. Nakababa na pala siya ng aming karwahe at tila siya'y nagmamadali sa aming pamimili napatango na lamang ako saka bumaba na rin.

"Pacensya na ho tiya" nahihiyang aking sambit. Napangiti na lamang siya saka nag-ayang kami'y humayo na.

Nagtungo kami ni tiya ngayon sa pamilihan upang mamili ng mga sangkap para sa hapunan dahil darating ang noon sana'y aking mapapangasawa na si Binibining Conchita kasama ang kaniyang ama na si Don Rafael sa aming tahanan. Wala sila manang Soleng at ate Matilda kaya't kami na lamang ni tiya Herminia ang nagprisintang mamili.

Hawak ko ang listahan ng aming ipamimili na ibinigay ni manang Soleng. "Mag-iingat po kayo, Señor... Madam Herminia... Mauna na po ako..." aning wika ng kutsero sa aming gilid. Napalingon ako sa gawi nito saka ngumiti. "Maraming salamat ho... Mag-iingat rin po kayo sa inyong paglalakbay" ganun na lamang ang pagyuko niya sa aming harapan saka'y muling namaalam.

Hindi ko na natanaw ang pag-alis ng mabuting kutsero dahil hinatak na ang aking braso ni tiya Herminia. "Ano pa ang tinatanaw-tanaw mo diyan ha? Halina! Napakarami pa nating bibilhin ngayong araw" nagtatawang sambit niya.

"Oho tiya!"

Mabilis natapos ang isang oras subalit hindi pa rin namin nakukumpleto ang lahat ng nasa listahan. "Ano na nga ulit yung natira hijo?" hinihingal na animoy nauuhaw na sambit ni tiya. "Ah... Sandali lamang po..." binuklat ko ang pahabang listahan tsaka hinanap ang wala pang namamarkahang guhit. Natigil ang aking paghahanap ng makita ang iisang bagay na wala pang marka. Nangunot ang aking noo ng basahin iyon.

"Tala-arawan?" sambit kong patanong sa nabasang nakasaad.

"Ha? Ano kamo iyon? Tala-arawan?!" nabibiglang tanong ni tiya na mababatid sa kaniyang mukha ang pagkagulumihanan. "Oho... Tiya... Iyon ho ang nakasulat rito" tinuro ko ang parteng papel kung saan nakasulat ang salitang Tala-arawan.

Lumapit naman sa akin si Tiya saka inusisa ang hawak kong listahan. Ilang segundo niyang tinitigan iyon bago siyang mag-angat ng tingin sa akin. "Sigurado ka bang kasama iyan, Lorenzo?" aniya ng may pagtataka. Kibit-balikat na lamang ang aking naisagot dahil hindi ako nakasisigurado. Pero sa tingin ko ay hindi naman isusulat ni manang Soleng iyon kung hindi kasama sa kaniyang ipinabibili. 

"Siguro nga po tiya... Kabilang ang Tala-arawan na ito sa ipinabibili ni manang"

"Gayon ba? O siya... siya... Gusto mo ba'ng samahan pa kita sa tindahan ng mga libro?" aniya ng ang kaliwang beywang ay itinagilid niya.

"Huwag na po tiya... Ako na lamang" nginitian ko siya na nagpapahiwatig ng kapanatagan. Biglaan akong napatingin sa kanang parte ng daan at roon nakita ko ang batong upuan na pang dalawahan. "'Yon ho oh tiya! Maupo muna po kayo roon... Pangako sandali lamang ako" saad ko habang iginagaya siya papunta sa kinaroroonan ng upuan.

"Sige hijo... Ibili mo na tuloy ako ng maiinom" banat pa nito sabay tawa.

"Wala pong problema... Masusunod, napakaganda kong tiya" sisimple na sana siyang humampas subalit mabilis akong nakailag. "Naku! Lorenzo! Napaka bolero mo parin pala hanggang ngayon" muli siyang humalakhak saka naupo sa silya. "Ako bolero tiya?" hindi makapaniwalang sambit ko ngunit alam ko naman saking sarili na hindi maiiwasang may parteng ganoon sa akin. Natawa nalang ako saking sarili saka napailing-iling.

"Sige po tiya... Alis na ko diyan lang kayo ha? Iwan ko na muna po sainyo itong ating mga pinamili..." tumango na lamang siya bilang hudyat na magpatuloy na ko sa paglalakad palayo sa kinaroroonan niya.

Stars Between Us | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon