KABANATA 17

271 75 36
                                    

Chapter 17: Takot

Marina's POV

Dali-dali akong lumabas sa bookstore pagkatapos kong magpaalam at magpasalamat kay Akio dahil siya na mismo ang nagbayad ng binili ko. Nahihiya man ako pero wala nakong nagawa kasi wala naman akong pambayad tsaka sinabi ko naman sa kanya na babayaran ko rin agad yun pero as expected aniya huwag na daw wala lang naman daw yun. Todo pasalamat tuloy ako sa kanya. Sinabi kong mauuna nako at hahanapin ko pa si Mauricia kasi bigla nalang itong nawala dun sa labas ng bookstore.

Paglabas, bumaling agad ako sa pwestong pinag-iwanan ko kay Mauricia pero hindi ko agad natanaw kung nandoon ba siya dahil ang daming taong nagpaparoo't-parito kaya naglakad ako papalapit. Mas dumami na rin ang mga tao sa paligid kaysa kaninang pagdating namin. Sa tansya ko mag dadalawang oras na rin kami dito at paniguradong mapapagalitan ako nito paguwi sa dormitoryo kapag inabot pa kami ng tanghalian dito. Nasaan ka na ba kasi Mauricia?

Nang tuluyan akong makalapit wala nga talaga siya doon subalit naiwan yung mga pinamili namin sa isang tabi kaya naglakad agad ako palapit saka kinuha ang mga iyon. Ang iilan pa ay nagkalat na sa daanan hindi ko alam kung iniwan ba talaga to ni Mauricia o may iba pang nangyari pero sana naman mali yung naiisip ko.

"Mauricia!" pagsigaw ko sa pangalan niya. Nagsitinginan naman yung ibang mga tao sakin pero ilang segundo lang ay nagpatuloy rin sa kani-kanilang mga gawain. Hindi ko na pinansin yung mga taong patuloy akong pinagtitinginan.

Dali-dali akong naglakad-takbo habang sinisigaw ang pangalan ni Mauricia. Saan ba napadpad tong babaitang to! Pabaling-baling ako sa kaliwat-kanan nagbabakasakaling makita siya pero wala. Habang tumatagal lalong dumarami ang mga mamimili at mas lumiliit ang tiyansang mahanap ko si Mauricia.

Pero kahit ganun nagpatuloy pa rin ako. Sa bawat paghakbang ko nararamdaman ko nalang ang pagbilis ng kabog sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit tila kinakabahan ako. Ilang imahe na sa isip ko ang nabubuo at sa tuwing naiisip ko ang mga posibleng mangyari mas nag-aalala lang ako para sa kaniya. Masyado lang ba akong nagiisip ng kung anu-ano o tama ang kutob ko?

Lord, Huwag naman po sana...

Sa isiping iyon mas binilisan ko ang paghahanap kay Mauricia. Ilang tao narin ang nakabunggo ko dahil sa pagmamadali pero hindi ko kinalilimutang humingi ng paumanhin. May isa pa nga akong babaeng nakasalubong at gusto niya kong tulungan kasi napansin niya daw na parang problemado ako o may hinahanap sinabi ko naman ang totoo na may hinahanap nga ako pero tinanggihan ko agad ang alok niyang pagtulong ngunit nagpumilit parin siya kaya hinayaan ko nalang.

Habang patuloy kong sinisigaw ang pangalan ni Mauricia gayundin ang ginagawa ng babaeng nais tumulong sakin. Hindi ko magawang makapagpasalamat sa kaniya ngayon dala na rin siguro ng pagkaulirat ko sa paghahanap kay Mauricia pero sa tingin ko naman naintindihan niya agad yun.

Hanggang sa isang tinig mula sa hindi kalayuan ang nakapukaw ng atensyon ko. Si Mauricia. Napatingin ako sa gawi nito pero wala akong nakita ni anino niya. Nagkatinginan kami ng babaeng kasama ko at alanganin siyang ngumiti sakin. Hindi ko alam kung ngingiti din ba ko sa kaniya pabalik o hindi hanggang sa namalayan ko nalang bigla na tipid din akong napangiti.

"Salamat sa pagtulong binibini ako na ang bahalang maghanap kay Mauricia siguro ay nandito lang siya sa paligid" mahinahong usal ko na naging sanhi ng pag ngiti niyang muli.

"Walang anuman iyon binibining Marina..." aniya ng hindi ko mawari kung may bahid ba ng kung ano yung pagbanggit niya ng pangalan ko. "Sana mahanap mo si Mauricia" sinserong saad niya saka nagpaalam.

Namalayan ko nalang na nakaalis ito ng may nakabunggo sa akin. Hindi ko na hinihintay pa ang sasabihin nito. Dali-dali akong tumakbo papunta sa lugar na pinanggalingan ng boses ni Mauricia. Sa likod ng tambakan ng gulayan naririnig ko  siya at habang papalapit ako ng papalapit sa kinaroroonan niya nagiging malinaw sakin na mayroon siyang kausap. Malaki ang boses nito at napaka pamilyar. Unti-unti akong sumilip mula sa pader sa pagitan namin hanggang sa nakita ko kung sino ang kasama ni Mauricia.

Stars Between Us | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon