"Sandali kako! Ano ba'ng problema--bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa kaniya habang pilit kumakawala sa pagkakahawak niya. Pero nang dahil doon mas hinigpitan niya lang ang pagkakakapit sakin.

Tumigil lang kami ng makarating sa liblib na parte ng palengke. "Ayos ka lang ba?" bungad niya sakin.

Napatingin ako sa kaniya gaya ko hinahabol niya rin ang kaniyang paghinga. Tumango na lang ako kahit na halos manikip na ang dibdib ko ng dahil sa lahat ng nangyari. Seryoso lang siyang nakatitig sakin mukhang hindi kumbinsido sa isinagot ko.

"Ayos lang ako" mahinang bulalas ko. Wala naman na siyang nagawa pa kundi dahan-dahan tumango rin. Nakatingin lang ako sa kaniya pero habang tumatagal nakakaramdam lang ako ng sakit. Sakit na dala ng mga naranasan ko... hanggang sa unti-unti nanamang may namuo sa mga mata ko. Hinayaan ko lang iyon pero hindi ko pinakita kay Akio na nasasaktan ako. Agaran akong tumalikod sa kaniya upang punasan ang mga luha. Pagbaling ko namang muli sa gawi niya ay may inabot siyang panyo.

"Eto..." Inilahad niya ang panyo saking harapan. Balak ko na sanang tanggihan pero mas inilapit niya lang ito sa akin. "Salamat".Hindi na siya sumagot pa pagkaabot sakin ng panyo hinayaan niya na lang akong asikasuhin ang sarili.

Dahan-dahan kong pinunasan ang aking mga mata pagkatapos ay pinahid ko ang panyo sa lahat ng parteng may bahid ng dugo sa katawan ko. Sa bawat pag-alis ko ng mga iyon mas tumitindi lang ang sakit na nararamdaman ko. Sa tuwing naaalala ko kung paano humingi ng tulong si ginoong Alfredo... Kung paanong nalagay siya sa sitwasyong iyon at wala akong ginawa mas pinili ko pang manatili nalang nakatayo roon... Nagpadala ko sa takot ko naging duwag lang ako na dapat nailigtas ko pa sana si ginoong Alfredo kung hinarap ko yung takot ko nung mga oras na  iyon. Napaka makasarili ko hindi ko man lang inisip na maaari pang mapahamak si Alfredo dahil sa kapabayaan ko.

"Ang duwag mo Marina! Napaka pabaya mo!---"

"Huwag mong saktan ang iyong sarili binibini" pilit hinahawakan ni Akio ang kamay ko pero kahit ang sarili kong katawan ay hindi ko na makontrol masyado ng umapaw lahat ng  nararamdaman ko. Kasalanan ko kumbakit napahamak si ginoong Alfredo.

"Kasalanan ko kung bakit siya napahamak!"

"Hindi mo iyon kasalanan---pakiusap huwag mong saktan ang iyong sarili"

Hindi ko na alam kung dapat pa ba akong maniwala sa mga sinasabi niya. Sa totoo lang tama nga si Mauricia eh! May katotohanan ang mga paratang niya sakin. Sana ligtas pang nakauwi si ginoong Alfredo kung hindi dahil sakin.

"Hindi eh! Kasalanan ko Akio---" halos gumaralgal na ang boses ko ng sambitin ko iyon.

Hinawakan niya naman ang magkabilang balikat ko saka tinignan niya ko diretso sa mata. "Kapag sinabi kong wala kang kasalanan... Wala kang kasalanan, Marina. Pangako walang mangyayari sayo... Magtiwala ka lang sakin pakiusap"

Wala akong maisagot sa sinabi niya dahil sigurado kong wala rin naman siyang patunay na hindi ako nagkasala.

"Patawarin mo ko" mahinang usal niya pagkatapos niyon ay inaya niya na akong ihatid sa dormitoryo. Sumakay kami sa karwahe ng mabilisan kaya agad din kaming nakarating sa patutunguhan.

"Maraming salamat Ginoo"

"Walang anuman iyon binibining Marina... Huwag kang mangamba naniniwala ako sayo na wala kang kasalanan sa nangyari"

Stars Between Us | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon