Prologue

50 30 14
                                    

Prologue.

"Did you plan all of this?" tiim bagang na tanong sa kanya ng binata, kita ang litid ng ugat sa leeg nito dahil sa galit na nararamdaman sa kanya.

Sinalubong niya ang tingin nito. 'This is the consequences of what you did Lavander, Face it D*mn it!' sigaw ng kanyang isipan, habang ang puso niya ay unti-unting nadudurog, truth hurts and reality bites.

"Yes, I plan all of this. Ang mapalapit sa iyo. Ang pa-ibigin ka, para ang lahat ng impormasyon ay ibigay mo sa akin ng kumpleto. Walang labis walang kulang. . .p-pero ang pagmamahal ko sa 'yo ay wala sa p-plano. Baby I am sorry, mahal kita. Mahal na mahal kita Storm." Umiiyak ngunit nakayukong paliwanag niya dito.

"Stop this b*llsh*t Lavander!" malakas na sigaw ni Stone sabay hagis ng flower vase sa sementong dingding, naglikha iyon ng malakas na ingay.

Sinubukan niyang lumapit sa binata ngunit tiningnan lang siya nito ng matatalim, puno ng sakit, galit at pagkabigo ang nababasa niya sa mata nito.

"I-i'm sorry baby. Please, hayaan mong  magpaliwanag ako kung bakit ko iyon nagawa. . .please Stone," naiiyak niyang pagmamakaawa sa binata pero malamig lang itong nakatingin sa kanya.

"Just stop Lavander. Stop lying and pretending because it's hurting me too much." Umiiling na wika ng binata at mabilis na pinunasan ang mga luhang kumawala sa mga mata.

"How about me? 'Di ba ako nasaktan?" lumuluha niyang tanong. Masakit na masakit ang katotohanan na parang bula lang na nawala ang pagmamahal ng binata sa kanya sapagakat napalitan ito ng galit at sakit.

"I don't give a damn about you, Lavander. Get out!" malamig nitong sigaw sa kanyang pagmumukha.
Napayuko na lang siya dahil sa halo-halong nararamdaman. Nagulat siya, ito ang unang pagkakataon na sinigawan siya ng binata.

'Hanggang dito na lang ba ang hangganan ng kanilang pagmamahalan?'.

"Okay. . . goodbye Stone. Thank you, baby. Dahil kahit sandali man, naramdaman ko kung paano magmahal at mamahalin." Pilit siyang ngumiti.

'Binitawan lang kita ngunit 'di iyon nangangahulugan na pati ang pagmamahal ko sa 'yo ay mawawala. Dahil hanggang sa dulo. . .ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko,' mahina niyang bulong sa hangin.

-Rainwriter2021

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Venreal Series 2: Deal With My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon