25 - Two Years Later

Magsimula sa umpisa
                                    

Sa sobrang hiya ay naitakip na lamang ni Hailey ang mga kamay niya sa kaniyang mukha. Ilang ulit niyang pabulong na minura si Arkin hanggang sa narinig niya ang mahinang hagikgik ni Noah. "And why the hell are you laughing?!"



"Bawal bang maging masaya?" inosenteng depensa ng binata sa sarili.



Sa pagkakataong iyon ay si Arkin naman ang tumawa. "'Wag magpanggap kung hindi naman talaga." Nilingon niya ang dalagang katabi ni Noah. "'Di ba, Allysa?"



Napakunot ang noo ni Ally. Ilang segundo pa siyang nagbigay ng nagtatanong na tangin kay Arkin, at maging kay Hailey, bago niya nilingon ang katabing binata. "W-Why? Are you alright?"



Ngumiti si Noah. "Yea—"



"Break na sila ni Phoebe," putol ni Arkin sa sagot ng kaniyang pinsan. Parehong napalingon sina Ally at Noah sa kaniya, isang nagulat at isang tila nahihiya. Ngumisi siya. "On and off sila simula no'ng araw na 'yon, 'di ba, Noah?"



"O-Oh..." Naiilang na tumango si Ally, hindi alam kung ano ang dapat niyang maging reaksyon.



"Phoebe actually talked to me," pagsali ni Hailey sa usapan. Sumipsip muna siya sa kaniyang inumin, bago nagpatuloy sa pagsasalita. "She was trying to work things out and she knows that you were also doing your best to keep the relationship going, but it was too obvious daw that something has changed after that day."



"The heart can't lie," pasimpleng sabi ni Arkin habang nakaiwas ng tingin sa pinsan niyang tila nagmamakaawa nang itikom niya ang kaniyang bibig.



"Well..."



Sabay-sabay na lumingon sina Noah, Arkin, at Hailey noong nagsalita si Ally. Abang na abang sila sa susunod nitong sasabihin.



"A lot has changed, since that day, for real." Malungkot na ngumiti si Ally. "Right?"



Bumuntong hininga si Hailey saka sumandal sa kaniyang kinauupuan. Napatingala siya sa kisame at napaisip. "What really happened that day?"



"Nadamay tayo sa gulo ng isang pamilya?" Napapailing na sabi ni Arkin. Itinukod niya ang isang siko sa armrest ng kaniyang wheelchair at doon naghalumbaba.



Natahimik ang lamesa nilang apat. Pare-pareho silang napatulala habang bumabalik sa kani-kanilang isipan ang bawat nangyari sa malagim na araw na iyon.



"You were very brave that day."



Napalingon si Ally sa kaniyang kanan at bahagyang nagulat noong nakitang diretsong nakatingin sa kaniya ang mga mata ni Noah. Sa ngiting ibinibigay nito, naramdaman niya ang pamilyar na lakas ng loob. Napangiti rin siya. "I was just not scared to die that day."



Nawala ang ngiti sa mga labi ni Noah kasabay ng paglingon din nina Arkin at Hailey kay Ally. Nagulat sila sa sinabi nito.



"Noon lang 'yon," ani Ally.



"Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko sa sinabi mo," sabi naman ni Hailey. "Pity or ouch, kasi you didn't really care for us pala before?"



Hindi nawala ang ngiti sa mukha ni Ally. "Let's be real, I don't know anyone of you before, except for Ella and Paul. I wasn't exactly aiming to save all of you, but I'm also not doing things for myself back then. I guess, it really was just the challenged me doing every task."



"Buti na lang, challenged ka," nakangising sabi ni Arkin. "Kung hindi ka challenged, hindi magsisimula ang laro."



"That wasn't a game, stupid," asik ni Hailey sa binata.



Last Day at St. LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon