CHAPTER 7

25 1 0
                                    

CHAPTER 7: THE TRUTH(2)

(A/N: TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS AHEAD)

SARAH'S POV

Pagkaupo at pagkaupo namin natahimik ang lahat tanging huni lang ng mga cricket at ang hikbi ko ang naririnig namin.

Humihikbi paden ako nung basagin  niya ang katahimikan.

"15 years ago gumawa ang council ng rules about sa pamumuno ng mga MAFIA FAMILIA isa na dito ang sino ang mas klaro ang birthmark ay ang siyang susunod sa kinauupuan ng kanilang pinuno at ang isa ay....." natigilan siya kaya tinignan ko siya.

"Ay?" Saad ko 

"Ay ang ipapatay ang mga anak na babae ng mga sakop sa MAFIA FAMILIA yun ang dahilan kung bat ka ibinigay ng mga tunay mong magulang sa mga kinikilala mong magulang ngayon. Alam mo kung bakit ginawa ng council ang rule na to? " sabi nito saka ako tinignan sa mata.

"Hindi" sagot ko rito.

"Dahil ang future teller na hawak ng council ay nakita ang mga susunod na pangyayare sa susunod na 20 years. At isa na dito ang pamumuno ng isang babae sa angkan ng mga MAFIA FAMILIA .  At ayun sa mga ito ang babaeng ito ang magiging simbolo ng digmaan sa kabilang panig ng  kalaban. Ikaw yun Sarah ikaw ang babaeng tinutukoy dito. At isa pa" ano bang kaya ng babae na pamunuan ang isang angkan ng mga MAFIA ?" Yan ang isa sa mga dahilan kung bat nila pinapapatay ang mga anak ng MAFIA FAMILIA na babae upang maudlot ito" paliwanag niya saakin .

Kahit nalilito ay tumango paden ako.

"Pano mo nalaman ang mga ito Steven kung magkasing edad lang tayo?" Tanong ko rito.

"Ang mommy ko ang future teller na sinasabi ko at siya ang nag sabi saakin na sa takdang panahon ay hanapin ka at ipaliwanag ang mundong meron ka" sabi nito.

"Eh?" Nalilito talaga ako promise.

"Sarah sa pagpatak ng ikalabing anim na kaarawan ng bawat taong nakaloob sa MAFIA FAMILIA ay binibiyayaan ng kapangyarihan tulad ng nasa nanay ko" sabi nito.

Kapangyarihan? Saan naman namin gagamitin yan?

"Huh?" Tanging nasabi ko.

"Tulad ni mommy nakuha niya ang future teller na talagang umaagos sa dugo nila. Si dad na kayang ibalik ang oras ngunit may palugid, ako? Malay ko" sabi nito.

"Ang mga magulang ko? Este tunay na mga magulang?" Tanong ko dito dahil nacucurios ako.

"Ang mommy mo? Kaya niyang makita ang past kapag hinawakan niya ang isang bagay. Ang daddy mo kaya niyang utusan ang kahit na sino sa simpleng pagtingin nito sa mga mata. Kaya wag na wag kang titingin sa mga mata ng daddy mo kase kapag nangyare yun habang buhay na niyang kokontrolin ang buhay mo. " sabi nito.

"May mga kapatid ba ko? Malakas ba ang angkan namin? Bat ngayon lang nila ako hinanap? " sunod sunod kong tanong.

"Wala ako sa pwesto upang sagutin  yan Sarah kaya ikaw bumalik ka na sa bahay niyo at hayaang mag explain ang mga tunay na magulang mo" sabi nito kaya napayuko ako.

"Ok fine" sabi ko saka tumayo. Sumunod naman ito saakin at sinabayan ako sa pag lalakad. Nalilito pa ko sa mga nalaman ko.

Pag uwi ko dumeretso ako sa loob ng bahay nasa labas paden ang sasakyan ng mga tunay kong magulang. Pag bukas ko ng pinto naka upo sila sa sala at halatang iniintay ako.

"Anak" sabi ni inay. Oo tinatawag ko paren siyang inay dahil kung hindi dahil sakanya di ako nabuhay.

"Pagod ako inay gusto ko munang magpahinga bukas na naten pag usapan ang mga bagay bagay" sabi ko saka tinignan ang mga tunay kong magulang.

"Sweetie" sabi ng tunay kong nanay.

"I want to rest madaam"  sabi ko saka umakyat na sa kwarto ko.

Alam kong wala akong galang ngunit di pa ko handa para harapin sila, di ko pa kaya.

________________________________________

A/N: KAWAWANG SARAH OH SIYA VOTE VOTE MGA SIS 💙

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY REAL IDENDITY (Slow Updates)Where stories live. Discover now