PROLOGUE

48 1 0
                                    

"SARAH! Come back here!" Sigaw ni inay mula sa aking likuran. Di ko siya kayang lingunin oh kaya naman ay sulyapan dahil sa mga emosyong nagkahalohalo at nagkakagulo sa loob ng dibdib ko. Di ko na den makita ang tinatahak kong daan at halos ay matalisod nako sa kakatakbo dahil sa mga nagbabadyang luha.

Sobrang sakit sobra sobra!

Nakalayu layu na ko ng huminto ako. Nakakabwiset! Akala ko siya na mali, mali!

"BAT GANUN!" tanging nasigaw ko saka nagpahila sa pagod kaya natumba ako sa daan.

Nasa kalagitnaan ako ng paghagulgul nung may lumapit sakin. Amoy palang kilalang kilala ko na. STEVEN DELACRUZ my knight in shining armor.

"Whats wrong with you at sa gitna ka pa ng daan nagdrama?" natatawang tanong niya.

Tinignan ko siya at sinamaan ng tingin.

"Problema mo? Umalis ka kung ayaw mo kong nakikita. Dami mo pang satsat." Sinagot ko sakanya saka tumayo at nagsimula ulit maglakad.

"HEY!---"








KRIIIIIIIINNNNGGGGGG!!!!!!!

"PISTI! PANAGINIP NA NAMAN!" nasabi ko nalang ng magising ako. Halos dalawang buwan nako binabagabag ng panaginip na yan.

"Anak ayos ka lang? Narinig kasi kitang sumigaw" tanong ni inay habang nakasilip sa pintuan ko.

"Opo inay pasensya na po hehe" pinilit kong matawa para di halatang may bumabagabag sakin.

"Oh siya sige mag ayos ka na at ngayon ang unang araw mo sa iskwelahan." Tanging nasabi ni inay saka sinarado ang pintuan.

Unang araw ko ngayon sa bagong. Uulitin ko BAGONG iskwelahan ko. Malay ko ba jan kay nanay kung kelan ako gragraduate ng high school saka pa naisipang ilipat ako ng ibang school. Hayysss!

Bago pa madelubyo ang buong araw ko nagsimula na kong mag ayos. Habang nag aayos ng kama nakita ko ang unipormeng susuutin ko. Kakaiba talaga siya. Ung blouse ko ay puti at may ribbon na asul. Ung palda ko ung kalahati ay asul at ang kalahati naman ay itim. Saka may trouser pang asul den .Ito pala ung uniporme ng mga mayayaman sa aming lugar. Nung sinabi nga ni inay na sa FIJI UNIVERSITY ako mag aaral ay talagang napa sigaw ako. Ikaw ba naman tuition fee niyo eh 50,000 susme saan nakuha ni inay ang ganyang pera? sa bahay lang si inay tas si itay naman ay tama lang ang nakukuha sa pamamasada ng jeep. Sabi nalang ni inay inutang niya para talaga saakin at makapag aral ako sa maayos ng paaralan. Hindi nako magtanong nun dahil baka san pa mapunta ang usapan namin ni inay.

Nakaligo at tinitignan ko ang sarili ko sa salamin habang suot suot ko ang uniporme ko nung pumasok si inay. Nakangiti ito at makikita sa mga mata niya na natutuwa siyang nakikita akong suot ito.

"Mag aaral ka ng mabuti doon anak huh? "Bilin nito habang inaayos ang ribbon ko.

"Opo inay" saka ko siya nginitian.

Bumaba kami sa kusina ni inay at doon ko nakita si itay na nagbabasa ng dyaryo. Tumingala siya saamin at saka ibinaba ang dyaryong nasa harap niya.

"Dalaga na ang anak ko. Ikaw ha wag ka munang mag papaligaw huh?" Sinabi ni itay na mataas ang kilay. Sinimangutan ko siya at tiyak kong naintindihan ni inay yun dahil tinawanan ba naman ako.

"Hay nako Arturo malaki na ang anak mo alam na niya ang tama at mali kaya manigil nigil ka. Parang di naranasan ang pagiging kabataan eh" sabi ni inay at binigyan ako ng ngiti.

"Sita kaya lagi kang tinatakasan ng anak mo kase lagi mong kinukunsinti hay nako" sabi ni itay saka umiling.

Natatawa ako sakanilang dalawa kahit antatanda na nila, nakukuha pa nilang mag lambingan sa harap ko. Mga yawa respeto sa single.



Hi just a little request hihi. Vote,comment and follow me also 😻

MY REAL IDENDITY (Slow Updates)Where stories live. Discover now