Kabanata 15

19 6 0
                                    

Dalawang araw na matapos ang exam namin na hindi kami nagpansinan, hindi rin naglunch, in short walang bonding na naganap. Subsob kami sa pagreview at hindi na namin naisipan magsama-sama para iwas distraction. Hindi nanaman kami nagkita-kita ngayon nina Lix kasi bigayan ng card, sa ibang faculty na kasi yung adviser namin kaya pagkakuha ko ng Report card ko ay umalis na rin ako agad ng school para maglakwatsa. Habang naglalakad ako nagkasalubong kami ni Jhey-c, naka-tshirt siya na lila, pantalon at bag na itim then white rubber shoes habang may hawak na mga papel

"Kukuha ka ng card? Doon yung entrance" Umalis na rin siya agad

Pumasok na ako para pumirma kasabay nung class picture namin na may wacky at formal pero dahil panglakwatsa ko ang pera ko ay pinili ko nalang bilhin ang formal

"Grabe ang tataas ng mga grade niyo, wala bang pacelebrate dyan"
"Thank you po Ma'am, una na po ako" Sabi ko
"Syempre Ma'am ganon talaga, katas yan ng pagrereview namin, yung celebration sa Sabado pa ma'am" Utas ni Ven
"Ako stock knowledge lang talaga saka prayer" Sabi ni Dee

Konti lang sila sa faculty sinamahan lang si ma'am pero hindi ko naman close ang mga nandon kaya minabuti ko nalang na umalis agad

Saan yung kuhaan ng card? Walang tao sa room - Lix
Diretsuhin mo lang yung hallway, yung pinto bago mag hagdanan - Azzih
Saan ka? - Lix
Wala ako sa school, kanina pa kasi ako nandiyan, umalis ako agad - Azzih
Nalate ako ng gising - Lix
Wala naman gagawin after, kunin mo lang card at class picture tapos uwi ka na rin agad, tulog ka ulit, Kasama ko si Jhes, shopping lang saglit - Azzih
Tama, tama hehe - Lix
Next week na pasok no? - Lix
Yeah, busy na ako sa church bukas until the next day - Azzih
Good - Lix
Aawit ako sa Arena si Ka. EVM daw - Azzih
Oooh sa'yo ko lang nalaman 'yan ah - Lix
Syempre ako lang 'to laging representative ng lokal - Azzih
Balitaan mo ko - Lix
Bawal magdala ng phone ang mga mang-aawit - Azzih
Pag-uwi - Lix
Tulog ka lang niyan for sure - Azzih 
Eyy pano mo alam haha - Lix
Call tayo later, at 7 PM - Lix
Seen 

Nagluluto si Tita ng sinigang na bangus sa baba at hanggang sa itaas ay naamoy ito kung gaano kalinamnam ang lasa. Nagwalis-walis ako sa buong bahay at may nakita akong litrato ni Zee at Prax

"Uy te akina" 
"Saan event 'yan" Sabi ko agad
"Sa U.P Intrams, Marami pa dito, tara pasok ka" Sabi ni Zee at binuksan ng maluwag ang pinto ng kwarto para makapasok ako, binitawan ko nalang yung walis
"Ito sa Arena, Field trip, tapos yung iba diyan food trip at sa school lang"
"Grabe ganyan talaga friendship niyo ah may Iloveyuhan"
"Haha, Ito basahin mo nasa jar"
"Ay kakaiba, ikaw talaga nagki-keep?"
"Oo, bigay niya lang 'yan nung may event sa school sakto Friendsarry rin namin, ako kasi puro damit or thing na mapapakinabangan niya ang binibigay ko sa kanya" Kwento niya
"Ano naman 'yon mga 'yon?"
"Wala mga price tag at souvenirs lang"
"Grabe kalat lang ito eh"
"Uy hindi ah, mahalaga din 'yan kasi diyan ko nakukwenta kung magkano at ano yung mga nagastos ko para sa sarili ko " Nagsasalita siya habang nag titipa siya sa laptop niya. Bumaba ako para tulungan si Tita sa pag-aayos ng hapag kainan at siya na ang nagsandok ng kanin at ulam

"Ay Azzih tawagin mo na sila at kakain na" 
"Sige po"

Umakyat na ako at kumakanta ng mga pang party na song tapos binuksan ko mga pinto ng kwrto nila pare-pareho silang may hawak na devices

"Tara kain na"
"Sige te, bababa na ako"
"Tara Zee, kain na, naghihintay si Tita sa baba"
"Wait, mamaya na ako" Sabi ni Zee
"Okay" Sinara ko nalang ang pinto ng room niya

Pagkatapos na rin namin kumain ako nalang naprisintang maghugas ng mga pinagkainan pero si Den ang naglinis ng mga kalat sa mesa tapos bumaba na rin si Zee kaya habang kumakain siya naghuhugas naman ako

"Te, anong grades mo, balita ko mag second sem na kayo ah" Sabi ni Zee
"bawal malaman"
"Ha, sige na, grades lang eh, I mean pinaghirapan mo 'yon be proud"
"Ikaw muna"
"Eh ako nga unang nagtanong eh" Tapos na siya agad kumain kaya lumapit siya para ilagay ang pinagkainan sa hinuhugasan ko para isabay iyon
"Eh it means a lot pero privacy naman"
"Dali na" Tapos bigla niyang hinampas yung butt cheeks ko, sinipa ko siya tapos nakita yung underwear ko pero hindi naman niya nahalata kasi nakatingin lang siya sa phone niya
"Aray, ikaw ah" Binaba niya ang phone niya sa table at lumapit siya 
"Oh sige, puro sabon kamay ko" 
"Oh bakit maabot parin kita" 
"Haha takot ka parin"
"Oo, sa napakaganda ko ba namang mukha 'yan ipapahid eh"

May treat naman samin si tito, pagkasend ko ng Report card ko sa kaniya binalita niya samin na pupunta kami sa Baguio, hindi naman masyado malamig dahil Pebrero na, uuwi rin daw agad bukas ng madaling araw, 8hours ang byahe at walang stop kaya nakakangalay tapos yung ibang oras kung hindi kami tulog ay nagbi-video naman

Sabay-sabay kami kumanta para magising si tito sa byahe mahirap ang tutulog-tulog tapos nagselfie kami sa sari-sarili naming phone

"Si ate kung kailan naman nandito na sa taas saka nagsuka" Sabi ni tito
"Haha" Daing ko
"Siguro hindi ka pa sanay sa ganon kalayong byahe" Sabi ni tita
"Buti hindi sa car" Sabi ni tito
"First time ko po dito"
"Oh halik ka na sa kalsada, diba ganon pag first time sa isang lugar"
"Wag naman, sa pine tree nalang" Sabi ni Den

Nasa Baguio ako ngayon - Azzih
What? pictures naman diyan oh - Lix
Azzih send pictures 

Wow ang ganda talaga ng Baguio - Lix
Bili lang ako strawberry taho at souvenirs - Azzih
Grabe pati lokal ah nakunan - Lix
Yeah parang road trip nga lang uwi rin bukas - Azzih
May balak Fam next week pero pinapapili pa kami - Lix
Saan daw - Azzih
La union or Baguio - Lix
Nice, anong pinili mo - Azzih
Syempre Baguio - Lix
Anong Majority - Azzih
Baguio - Lix

Ang dami ko nanamang IG story at puro post nanaman ako, ganito pala ang reward nila kapag mataas ang grade hindi ako inform kaya surprise talaga ako. Gumawa rin ako ng Blog at alam ko tuloy-tuloy 'to hanggang bakasyon, may kulang parin na feeling kasi hindi ako buo pag hindi friends ang kasama

Bumili ako ng mga pasalubong at souvenirs, as usual puro Strawberry jams, mikasan choco flakes lang tapos bumili na rin ako ng damit na may print na Baguio sampung piraso, napilitan ako sa souvenirs dahil sa mga friends ko, may 5coin purse at pair of slippers na tig-isa kami ni Lix sa pair ng tsinelas, tapos yung iba wooden keychains na strawberry lang

Tumakbo ako malapit sa sasakyan para ilagay itong mga pinamili ko, tapos nakita ko si Den huhugot ng Mikasan kaya kinuha ko ulit ito para hindi niya na buksan

"Mie may mikasan kang binili?"
"Wala baby, gusto mo ba non? sandali bibili ako"
"Ate kain daw tayo sa BCC golf course"

Nakatingin ako ngayon sa Golf course kung saan may lawak na 1000-2000 square meters, hindi naman maganda ang tanawin dahil sa fug, nakita kong nilitratuhan ako ni tita kaso mukhang hindi maganda dahil hindi blue ang sky at animo'y malapit sa clouds at malamig rin

Ang kinain lang namin ay Pine grill at burgers, may mango shake rin itong kasama tapos nag-overthink ako siguro masaya dito kung may mga Zip lines, bridges at pools na malapit

"Nakita ko ang kwarto mo puro books ah, nalaman kong ginalaw daw ng kasambahay yung mga gamit mo, pag ganon wag mo na sabihin sa lola mo, alam mo namang malayo siya at hindi basta-basta nakaka-alis ng Canada"

Hindi nalang ako umimik, mas maigi doon ay wag na mag-explain, minsan tumahimik ang tamang sagot pero yung tungkol sa books 

"Opo, collection ko kasi 'yon Tita, mahilig kasi ako sa tagalog na fiction books ng wattpad, mas naisip ko pong 'yon ang magandang i-collect"

Meron akong 100 Books palang, yung iba kasi pinamimigay ko, minsan nado-doble lang ang binibili ko dahil sa covers minsan akala ko Part II, 'yon pala magkaiba lang sa covers pero pareho ng content, yung iba binenta ko rin sa halagang P200 kasi hindi pa nabubuksan

Mas mahilig ako sa tagalog version kapag wattpad tapos mahilig ako sa mga Science Books, minsan naman Dictionary or Encyclopedia ng Medicine at Allied health, mahilig ako mag-search ng histories ng isang lugar o bansa at nasanay ako sa photography skills ko kaya hindi ako nawawalan ng litrato na naka-print sa photo paper

"Ate picture muna tayo"
"Zee nakita mo yung kubeta, basta nakadikit eh nasa sahig yung mismong ihian?"
"Ah oo, yung squat toilets, ang hirap kaya non nakaupo sa sahig, hindi ko pa nakikita itsura non sa personal eh"
"Ay, ako nakakita na nung inyo, I mean yung toilet niyo"

Minsan nakakatakot naman sa ganon kasi ambaba nung pinto tapos pano naman makakapoop sa ganong klaseng kubeta, pano yung mga matatanda, kung sabagay kapag may dumumi malalaman agad kung sino yun, kahit pa girls comfort room 'yon, secrecy parin syempre

                                     ❅❅❅



IKAW NAWo Geschichten leben. Entdecke jetzt