Kabanata 12

24 7 0
                                    

"Alis na po ako"

"Anong oras ka uuwi? 'yan lang dala mo? magbaon ka mahirap kung nasa bus ka tapos nagutuman ka" Sabi ni tita kaya nagprepare nalang din ako 

"8 to 9 PM na po"
"Ipapasundo nalang kita kay Zee, sabihin ko ichat ka"
"Thank you po tita, alis na po ako"
"Sige ingat, enjoooy"

Naka-PE shirt then hoodie at pants ako, Tita made some Bacon, Chicken legs, Hotdogs, Nuggets, meron din Shakey's Pizza, KK donuts,  I also prepare bread with Nutella, nakita ko ang refrigerator may Coco, chukies, cake, pudding cupcakes galing S&R, pinainom ako ng Bonamine at nagdala ng tubig, may isang tumbler na may Hot-choco, ngayon lang ako nagdala ng ganito, hindi kasi ito ang usually na ginagawa ko kapag regular classes, hindi ako makakagastos ng malala, as far I know bawal magdala ng foods sa loob ng mga itenerary places

Pagkahila ko ng gate at sakto ang tunog nito para maglock ng kusa ay tumakbo na ako tapos may naghihintay na natricycle kaya agad rin akong sumakay, tinuro ko nalang na sa loob ng University ako bababa kasi natatakot ako maglakad don sa likod lalo sobrang aga pa, medyo madilim pa ang 5 AM at talagang malamig

"Azziiiiiih" May hawak na dalawang bag si Jhes mukhang lagayan ng pagkain yung isa tapos nakahoodie na kasi malamig nga naman
"Hintayin lang natin sila, nagchat na ako sa gc na dito tayo sa Parents Hall magkikita-kita para tago yung pagpe-pray-an natin, anong dala mo?"
"Ano lang, damit yung back-pack, ito tubig tapos lunchbox na may chiken, tapos yung isang tupperware pork adobo"
"Ako nga rin maraming baon, mamaya makikita mo, first time ko nga gawin 'to eh, balak ko lang wag magdala ng kung ano-ano kaso pinayagan ko si tita ayaw ko naman mag-alala pa siya sakin, kakain agad ako nito pagmalayo-layo ang byahe, sigurado ako mga lalaki walang dalang pagkain"
"Ay nako pag 'yong mga 'yon umasa sa libre ewan ko nalang, hindi pa naman ito usual day of classes na kung ano lang makain, ang mamahal ng pagkain eh"

Mga 10minutes dumating na si Lix, naka-leather single shoulder bag lang tapos kapareho rin naman ng suot namin, mas late lang ng kaunti si Dion tapos mukhang hinihingal pa kaya halos mapatitig nalang kami sa kanya nang magsalita

"Buti nabasa ko agad yung message kasi sa Rockwell sana ako maghihintay dahil wala pang katao-tao, medyo nag-aalangan pa nga ako lumabas, diba kasi dyan lang naman Dormitory sa kabilang building"
"Oo, pero yung bus nandiyan na oh, sabi kasi mga 6 AM pa magsisidatingan yung mga Bus pang Field trip" Padeltaye ni Jhes
"Oo, mabuti na yung maaga"
"Wait lang daw kasi si Phia" Sabi ko
"War sila diba edi satin sasama si Dion" Tuwa ni Lix
"Oo matik na 'yon" Sabi ni Jhes
"Ehhh wala ka lang kasama sa 2seats eh, saka alam ko hindi naman 'yan papayag si Phia na maiwan niya lang mga friends niya tapos sila ni Dion ang magkasama" Sabi ko nalang
"Oo nga mas mahalaga pa naman yung mga friends niya saka nakakahiya naman satin"

Napatingin naman kami kay Dion na nagmamadali at hinihingal may hawak lang na sling bag at naka-pants gaya ng suot namin, sobrang simple kaso ang bango niya kumpara kapag may pasok

"Huuuy tara na, Pray na para maghintay nalang tayo baka habaan pa ni Jhes gahulin tayo, makikisakay na nga lang tayo eh, uunahan natin mga kasection ni Phia para sila yung sa ibang bus nakalagay, ayoko pa naman sa singit lang baka magkakahiwalay tayo mahirap 'yon" Pakwento ni Dion
"Ayos ah, walang bag na may dalang baon, mukhang malaki-laki dala nating pera ah, naka Anti-radiation ka pa, ano 'yan halatang pinaghahandaan ah" 
"UV glasses pa nga"
"May point ka Dion" Halatang nilalamig si Lix
"Hindi maikli lang ako manalangin, kapag sa templo lang ako mahaba manalangin, yung tipong umaawit na tapos hindi pa ako tapos" Pagkasabi nun ni Jhes, pumikit na kami tapos kinuha na namin mga gamit namin kasi gusto namin makita yung mga pagdating ng mga bus
"Ano Dion, nachat mo na?, anong bus number?" Sabi ni Lix
"Bus number 8 hanggang 11 lang Yung Bus, sa harap tayo ah para malapit sa tour guide, saka nakakahilo sa likod"
"Hala last naman pala, kailangan nga natin mauna baka mawalan tayo ng seats kapag sinabing lumipat yung mga hindi taga doon na section"
"Ganito, dahil nasa unahan tayo, walang magsasalita o magtataas ng kamay kapag may nagtanong kung anong section kasi tiyak papalabasin tayo"
"Yes master" Sabay-sabay namin na pagkakasabi dahil kota na si Dion sa mga Field trip
"Tutal may mga jacket kayo, magsitulog nalang muna para walang makakilala tapos saka na gumising pag nasa kalagitnaan na ng byahe, alam ko Circle naman ang unang itenerary dahil yun ang pinakamalapit" Pagpaplano na sabi ni Lix
"Oo, tama, Jhes lalo ka na Honest masyado, lalagpas ka na ng langit niyan" Sabi ni Dion, kami nakikinig lang kasi once na nagkamali, syempre puryada na
"Tara bilis, akyat muna mga babae"
"Nice one Dion" Sabi ni Lix

Umupo kami sa pangalawang row at magkakacolumn kami ng seats sa kanang bahagi kami ni Jhes tapos yumuko na kami para magrelax dahil hiindi naman kami napaalis kulang pa nga kasi maraming hindi sumama na kaklase ni Phia kaya yung ibang natira sa ibang section dito rin ang bagsak, sa pinakadulo ng Bus sila Phia nakaupo kasama niya mga friends niya kaya pinupunta-puntahan niya kami para tanungin kung ayos lang ba kami, wala manlang kaming Canon camera with Tripod na dala kala ko pa naman provide na nila

"Gisingin mo na sila Dion" Narinig ko 'yong sinabi ni Lix kasi tahimik yung section nila Phia saka hindi ako natulog baka hindi ako makagising. Habang umaandar yung bus nagsalita na agad yung Tour guide na nakatayo sa gitna, sobrang lapit namin sa kanya

"Umupo nalang kayo lahat tutal umaandar yung  bus, Let's bow our head and feel the presence of God"

"Ama gabayan mo kami sa aming gagawing paglalakbay nawa ay ligtas naming matungo ang mga destinasyon ng payapa at makarating sa aming mga tahanan na may lugod upang sa mga susunod na bukas ay makarating kami sa iyong tahanan upang muli na sumamba sayo, Maraming salamat po, Amen"

"Amen" Sabay-sabay namin ngunit hindi naman masyadong malakas

"So, that is the Temple, of course sino bang studyante dito ang hindi nakakalam no, There is also an Art Gallery Museum in the front, so I know some of you have an exhibited already there specially sa mga bagong mag-aaral, sa pagpapakilala ng school diyaan unang dinadala ang mga studyante, meron din sa likod na bagong gawa, doon natin malalaman ang history ng Iglesia Ni Cristo meron din sa Youtube at Facebook or Twitter pati sa Google just follow incmedia.com"

"Napanood mo na yung Guerrero Azzih?, Ang ganda"
"Yung Dos hindi pa, sold out ticket eh, nung nasa San Mateo pa ako non"
"Sa youtube nalang abangan mo don"

Konting traffic lang naman kaya mga 9AM na ay nandito parin kami naka-stuck sa pagsalubong ng sikat ng araw, sobrang crowded sa daanan tapos puno ng tao yung entrance ng Circle Museum, natitiis talaga nila ah kahit mainit, kami tamang chill lang na nakatayo dito sa mga puno

"Okay pwede na bumaba, sumunod lang kayo sa ibang section"
"Sarado ba?"
"Balik nalang tayo sa bus wala naman maganda dito"
"Balita ko sa Day 1 napasok nila 'tong QC memorial Circle museum, maganda kasi mga gamit niyan sa loob, yung ibang cars kasi cheap imports from eastern Europe" Sabi ko
"Oo, mga europian cars" Sabi ni Lix
"Malayo pa byahe pa-Manila, next is National Museum"

Kumakain kami ng junkfoods tapos bumili rin ako ng ice cream pagkababa namin nakapila nanaman kami, ito lang pinakaayaw ko kasi hindi masolo kung saan ka gustong dalhin ng mga paa mo

"Guys panget, puro pictures lang" Pagkadismaya ni Dion
"Hindi naman, yung gowns ang gaganda" Si Jhes ang nagsalita
"Wala akong say"
"Hindi, basta ayoko don, para tayong mga preso" Sabi ni Lix
"Wag kayo mag-alala may Star City at MOA pa" Sabi ni Dion
"Oo, Saan ba yung next stop since ito ang malapit, Art in island" Turo ni Lix

Si Lix ang photographer dahil ayaw niya nagpapapicture pero sa isa napilit namin siya, sa Stairway to heaven, ni-picture-an kami ni Phia then sumama na siya sa mga friends niya, naiwan kami

"Punta tayo don mukhang interesting, may upper part pa" Sabi ni Lix

Sumunod lang kami sobrang daming picture namin na hindi na siya kasama kasi nagwait lang rin kami para makapag picture, yung iba ayaw niya kasi hindi raw maganda ang view, Kung ano-anong style ang ginawa namin magfit-in nalang kami sa mga paintings tapos pumunta kami sa LOVE na standees umupo ako sa letter E, next yung malaking upuan, hindi daw kayang i-anggulo ni Lix, nahirapan siya kaya epic ang pagkakakuha, may mga illusion standees rin tapos Wall painted na surfboard, bridges at rock stones. Nagpicture kami magkakasama sa first formal picture namin, ito na post ko na rin sa Instagram ko tapos nag video kami saglit, mag-eenjoy nalang kami sa Star city, madadagdagan pa 'yan since hindi pa tapos ang tour

Lumapit si Lix at bumulong ng...



"Unahan ko si Jhes.."

IKAW NAWhere stories live. Discover now